Lola ni Billy Crawford, namatay
May 26, 2003 | 12:00am
Taos-puso ang aking pakikiramay sa mga naiwan ng lola ni Billy Crawford na namayapa nong isang linggo.
Sayang dahil excited pa naman daw ang kanyang lola na mapanood ang kanyang first international movie na The Exorcist na nakatakdang i-release sa buwan ng Setyembre. Mula France ay nagtungo ng Texas si Billy para makita ang labi ng kanyang pinakamamahal na lola.
Alam kong apektado si Billy sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na lola. Pero okey lang yan anak, namamahinga na siya sa piling ng Panginoon.
Tungkol pa rin kay Billy, may dalawang pelikula pa siyang gagawin sa Warner Bros. na inihahanda na sa kasalukuyan. Gagawin niya raw ito pagkatapos ng showing ng The Exorcist.-
Aligaga na sa pagpa-practise ang mga artistang kasali sa nalalapit na Star Olympics na gaganapin sa darating na buwan.
Marami na akong nakausap na artista na siguradong sasali sa ating taunang Star Olympics. Salamat sa walang sawang pakikipagtulungan ng mga talent managers, TV station at mga artista upang patuloy na maging matagumpay at masaya ang ating Star Olympics na ang tanging layunin ay pagsama-samahin ang mga artista kahit man lang isang beses sa isang taon. Labis ang pasasalamat ko sa tumatayong godfather na sina Bong Revilla, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Jinggoy Estrada, Sharon Cuneta at Joey Marquez. Salamat din kina Bembol Roco, Richard Gomez, Antonio Aquitania, James Blanco na ngayon pa lang ay naghahanda na sa kanilang participation.
Ang Star Olympics ay idaraos sa June 15 sa Marikina City at sa June 22 naman ay sa ULTRA. Ang championship games ay sa June 29.
Bukod sa mga artista, inaasahan ko ring susuportahan ang Star Olympics ngayong taon ng mga die hard fans.
O sige magkita-kita tayo ha!
Lilipad ako sa June 6 patungong LA para sa kasal ng anak-anakan kong si Donita Rose at Eric Villarama sa June 9. Pero babalik din ako sa June 12.
Naibigay ko na ng advance ang regalo ko kay Donita nung despideda de Soltera niya.
Binabati ko ang grupo ng P4 Power Four na binubuo nina Greg Martin, Jay Salas, Jordan Herrera, Frank Garcia. Well attended ang kanilang album launching noong nakaraang Martes sa 8th Day Cafe Bar.
Nakikita kong malaki ang laban ng grupo sa ibang local boy band sa bansa.
Congrats din sa kumare kong si Ms. Bella Tan, nasisiguro kong hindi ka nagkamali ng desisyon na bigyan ng chance ang Power Four.
Sayang dahil excited pa naman daw ang kanyang lola na mapanood ang kanyang first international movie na The Exorcist na nakatakdang i-release sa buwan ng Setyembre. Mula France ay nagtungo ng Texas si Billy para makita ang labi ng kanyang pinakamamahal na lola.
Alam kong apektado si Billy sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na lola. Pero okey lang yan anak, namamahinga na siya sa piling ng Panginoon.
Tungkol pa rin kay Billy, may dalawang pelikula pa siyang gagawin sa Warner Bros. na inihahanda na sa kasalukuyan. Gagawin niya raw ito pagkatapos ng showing ng The Exorcist.-
Marami na akong nakausap na artista na siguradong sasali sa ating taunang Star Olympics. Salamat sa walang sawang pakikipagtulungan ng mga talent managers, TV station at mga artista upang patuloy na maging matagumpay at masaya ang ating Star Olympics na ang tanging layunin ay pagsama-samahin ang mga artista kahit man lang isang beses sa isang taon. Labis ang pasasalamat ko sa tumatayong godfather na sina Bong Revilla, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Jinggoy Estrada, Sharon Cuneta at Joey Marquez. Salamat din kina Bembol Roco, Richard Gomez, Antonio Aquitania, James Blanco na ngayon pa lang ay naghahanda na sa kanilang participation.
Ang Star Olympics ay idaraos sa June 15 sa Marikina City at sa June 22 naman ay sa ULTRA. Ang championship games ay sa June 29.
Bukod sa mga artista, inaasahan ko ring susuportahan ang Star Olympics ngayong taon ng mga die hard fans.
O sige magkita-kita tayo ha!
Naibigay ko na ng advance ang regalo ko kay Donita nung despideda de Soltera niya.
Nakikita kong malaki ang laban ng grupo sa ibang local boy band sa bansa.
Congrats din sa kumare kong si Ms. Bella Tan, nasisiguro kong hindi ka nagkamali ng desisyon na bigyan ng chance ang Power Four.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended