'Pwede akong tawaging playboy, pero hindi ako rapist' Bong
May 25, 2003 | 12:00am
"Pwede siguro akong tawaging playboy, pero hindi ako rapist!" yun ang medyo nakangiti nga, pero matalim na pahayag ni Bong Revilla, bilang sagot sa mga patutsada sa kanya ni Assunta de Rossi kamakailan.
Kung tutuusin ay ayaw na sanang magbitiw pa ng anumang komento ni Bong tungkol sa mga litanya ni Assunta kasama na ang "I felt I was raped!" na sinabi ng aktres, pero masyado nang lumalaki ang isyu at kung saan-saan na napupunta, kaya minabuti niyang magsalita na rin para matapos na ang kwento.
Mag-iisang taon nang naipalabas ang Kilabot At Kembot na pinagtambalan nila ni Assunta, nagtagumpay na yun sa takilya at napakinabangan na ni Assunta ang bonus nito, pero nakapagtataka kung bakit hinalukay na naman ng aktres ang isang pangyayaring matagal nang nakalibing.
Aminado ang action star, ni sa hinagap ay hindi niya inakalang masasabi ni Assunta na ganun siya kairesponsableng kapareha, lalo na ang sinabi nito na "I felt I was raped!"
"Walang pumilit sa kanya na gawin ang eksena, nakangiti pa si Assunta nung dumating sa set, nag-uusap pa kami at nagbibiruan.
"Honestly, ako pa nga ang nailang sa eksena dahil first time kong ginawa ang pagpapakita ng butt kaya maingat ako.
"Ginawa namin yun nang maayos, iningatan ko siya, hindi ako nag-take advantage at wala yun sa bokabularyo ko.
"Nung matapos na ang scene, nag-usap pa rin kami, wala akong napansin na nagalit siya or nandiri, tumatawa pa nga siya, e! Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit kailangan niyang sabihin na ang pakiramdam daw niya that very moment, e, para siyang ni-rape, samantalang wala naman akong napansing pagkontra sa kanya nung ire-shoot namin ang eksena!" mahabang paliwanag ng chairman ng Video Regulatory Board.
Nagpaliwanag ang pulitikong mister ni Assunta na hindi raw naman siya ang sinisisi nito kundi sina Mommy Neth at Direk Manny Valera, kaya wala siyang dapat ipagdamdam sa taklesang aktres.
"Kung meron man silang problema ng kanyang mommy at ng manager niya, sana naman, e, ayusin na lang nila yun nang matahimik, hindi yung ganito na nadadamay pa ang ibang tao sa kanilang gulo.
"Sana lang, ayusin nila yun nang sila-sila lang, dahil hindi naman lahat ng tao, e, nakakaintindi na hindi pala ako ang sinasabi niya nung magsalita siya ng kung anu-ano about the movie, di ba?
"Ako ang leading man niya, kaya sa sinabi niyang I felt I was raped!, ako ang unang papasok sa isip ng mga tao na parang nang-rape sa kanya!
"Pwede nila akong sabihan ng playboy, but never a rapist, dahil mataas at malaki ang respeto ko sa mga babae. Marespeto ako sa kanila dahil para sa akin, ang babae, larawan yun ng ating ina.
"Honestly, nasaktan ako. Sumama ang loob ko sa mga sinabi ni Assunta, masama rin ang loob ng mga kapatid ko, nag-alala ako para kay Lani at sa mga anak ko.
"I didnt expect she could say that, dahil nung time na artista namin siya, we treated her like a queen, inalagaan namin siya at iningatan," makatwirang paliwanag pa ni Bong.
Gusto niyang kausapin nang lalaki sa lalaki si Cong. Jules Ledesma, tutal naman ay ito ang palaging sumasalo sa mga pinaggagawa ni Assunta.
"Gusto ko siyang makaharap para masabi ko ang saloobin ko. I was hurt, di ko kasi akalaing magagawa niya sa akin ang ganito. Nakakalungkot," sabi pa ni Chairman Bong Revilla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended