Love at first sight sina Boyet at Regine
May 23, 2003 | 12:00am
Sa panahong ito ng computer graphics, ibinabalik ng Viva Films ang ideya ng love at first sight at paghahanap ng isang ideal man sa pelikula nitong Pangarap Ko Ang Ibigin Ka na nagtatampok muli sa tambalan nina Christopher de Leon at Regine Velasquez.
Tungkol ito kay Alex, na pini-pressure ng pamilya niya na mag-asawa at ni Raffy, ang lalaking gusto niya pero patuloy pa ring nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Ang screenwriter na si Mel del Rosario ang nakaisip ng istorya na ito na isang makalumang approach sa romansa para sa dalawang bida sa pelikula na hit na hit sa una nilang tambalang Wanted Perfect Mother.
Nakakakilig ang relasyon nina Regine at Christopher bilang isang matagumpay na career girl na madaling makakita ng lalaking magugustuhan niya pero, sa kasamaang palad, walang balak na makipag-relasyon ang nakita niyang lalaki.
Malaki rin ang agwat sa buhay ng dalawa. Nakatira si Boyet sa isang condo sa siyudad samantalang kasama ni Regine ang buo niyang pamilya sa isang lumang bahay sa Sta. Ana. Mga bagong teknolohiya ang negosyo ni Boyet pero, mga lumang gamit ang ipinagbibili ni Regine sa kanyang coffee shop.
Ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ay pang Manila Film Festival entry ng Viva at nagtatampok din kina Dingdong Dantes, William Martinez, Lara Fabregas, John Lapus, Gladys Guevarra, Marissa Delgado at marami pa, sa direksyon ni Louie Ignacio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am