Bong, damay sa away ng mag-inang Assunta at Neth
May 23, 2003 | 12:00am
Nagulat pa si Bong Revilla when informed tungkol sa mga deklarasyon ni Assunta de Rossi sa morning show nina Korina at Kris. Kung paanong pinilit ito ng kanyang ina na makipag-lovescene kay Bong nang hubot hubad. Pakiramdam daw niya ay para siyang ni-rape, at mga iba pang salita to that effect.
"Di ko alam na may sama pala siya ng loob sa akin. Sana ay di na lamang niya ginawa ang eksena kung ayaw niya," anang aktor na di napanood ang nasabing palabas at nalaman lamang ang tungkol dito mula sa mga kaibigan.
Ayon naman sa maraming tagasubaybay ng pelikula, uncalled for ang mga pinagsasabi ng bold actress. Sana raw kung may away sila ng kanyang ina ay sila na lamang dalawa, huwag na siyang nagdadamay pa ng iba. At matagal na raw nangyari yun, bakit ngayon lamang siya nagsasalita?
Isang reliable source ang nagsabi sa akin na nagpaliwanag na ang asawa ni Assunta tungkol dito.
Pero, walang nagsasalita sa kampo ni Bong. Siguro katwiran nila, wala silang dapat sabihin tungkol dito. Besides, lubha silang abala sa pagtatapos ng shooting ng Vertud ng Putik na entry ng Imus Productions sa darating na Manila Film Festival.
Hindi pa tapos ang pelikula pero mahigit nang P10M ang nagagastos para rito. Ang isang fight scene nina Bong at Roi Vinzon ay inabot ng dalawang araw o 48 oras. Ganito katagal din inabot ang kuhanan ng labanan nina Bong at Roi sa finale ng pelikula.
Bukod kina Bong at Roi, kasali rin sa movie sina Regine Tolentino, Michelle Estevez at Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb. Sinabi ni Bong na kinuha niya si Rochelle dahilan sa bagay dito ang role ng asawa niya na palagi niyang iniiwan para sa ibang mga babae pero, sa bandang huli ay dito rin siya bumalik. Si Rochelle ang totoong bidang babae sa movie. Kasama rin si Goyong sa pelikula.
Isa sa ikatutuwa ng audience sa Vertud ng Putik ay ang pakikipaglaban ni Roi sa invisible na si Bong. Reaction lamang ni Roi ang makikita nila at inamin ni Roi na nahirapan siya sa mga eksenang ito. Ang pelikula ay nasa direksyon nina Augusto Salvador at Marlon Bautista. Ginamitan ito ng computer graphics kaya siguradong masisiyahan ang mga manonood nito.
Samantala, proud hindi lamang si Bong kundi ang lahat niyang mga kapatid na magkakatulong na nagtataguyod ng Imus Productions sapagkat pinapurihan ng MTRCB ang pinrodyus nilang pelikulang Ang Kapitbahay na nagtatampok kina Belinda Bright, Albert Martinez, Joel Torre at Michelle Estevez sa direksyon ni Meek Roxas.
Bagaman at ito ay isang thriller, maganda ang pagkakadagdag ng mga sexy scenes na hindi nakabawas sa kagandahan at kalidad ng pelikula.
Natatawa lamang si John Prats sa mga balitang nag-cool off sila ng kapareha niyang si Heart Evangelista. Hindi pa raw sila nago-on, cool off na.
"Feeling ko, kung bobolahin ko lang si Heart at this point, I might as well wait for the right time. Were the best of friends and like any other friends, nagtatampuhan din kami, nagkukulitan pero, nothing serious," paliwanag nang ni-retain na product endorser ng Hawk Bags for the second year.
Sa endorsement ni John, lalong nagiging popular ang Hawk Bags. Ngayon ay mayroon nang lumalabas na mga fake bags na may ganitong pangalan pero na-raid naman agad ng NBI. Ang Hawk bags ay tumanggap ng Most Outstanding Daypack Backpack award sa Asian Pacific Excellence Award.
"Di ko alam na may sama pala siya ng loob sa akin. Sana ay di na lamang niya ginawa ang eksena kung ayaw niya," anang aktor na di napanood ang nasabing palabas at nalaman lamang ang tungkol dito mula sa mga kaibigan.
Ayon naman sa maraming tagasubaybay ng pelikula, uncalled for ang mga pinagsasabi ng bold actress. Sana raw kung may away sila ng kanyang ina ay sila na lamang dalawa, huwag na siyang nagdadamay pa ng iba. At matagal na raw nangyari yun, bakit ngayon lamang siya nagsasalita?
Isang reliable source ang nagsabi sa akin na nagpaliwanag na ang asawa ni Assunta tungkol dito.
Pero, walang nagsasalita sa kampo ni Bong. Siguro katwiran nila, wala silang dapat sabihin tungkol dito. Besides, lubha silang abala sa pagtatapos ng shooting ng Vertud ng Putik na entry ng Imus Productions sa darating na Manila Film Festival.
Hindi pa tapos ang pelikula pero mahigit nang P10M ang nagagastos para rito. Ang isang fight scene nina Bong at Roi Vinzon ay inabot ng dalawang araw o 48 oras. Ganito katagal din inabot ang kuhanan ng labanan nina Bong at Roi sa finale ng pelikula.
Bukod kina Bong at Roi, kasali rin sa movie sina Regine Tolentino, Michelle Estevez at Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb. Sinabi ni Bong na kinuha niya si Rochelle dahilan sa bagay dito ang role ng asawa niya na palagi niyang iniiwan para sa ibang mga babae pero, sa bandang huli ay dito rin siya bumalik. Si Rochelle ang totoong bidang babae sa movie. Kasama rin si Goyong sa pelikula.
Isa sa ikatutuwa ng audience sa Vertud ng Putik ay ang pakikipaglaban ni Roi sa invisible na si Bong. Reaction lamang ni Roi ang makikita nila at inamin ni Roi na nahirapan siya sa mga eksenang ito. Ang pelikula ay nasa direksyon nina Augusto Salvador at Marlon Bautista. Ginamitan ito ng computer graphics kaya siguradong masisiyahan ang mga manonood nito.
Bagaman at ito ay isang thriller, maganda ang pagkakadagdag ng mga sexy scenes na hindi nakabawas sa kagandahan at kalidad ng pelikula.
"Feeling ko, kung bobolahin ko lang si Heart at this point, I might as well wait for the right time. Were the best of friends and like any other friends, nagtatampuhan din kami, nagkukulitan pero, nothing serious," paliwanag nang ni-retain na product endorser ng Hawk Bags for the second year.
Sa endorsement ni John, lalong nagiging popular ang Hawk Bags. Ngayon ay mayroon nang lumalabas na mga fake bags na may ganitong pangalan pero na-raid naman agad ng NBI. Ang Hawk bags ay tumanggap ng Most Outstanding Daypack Backpack award sa Asian Pacific Excellence Award.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended