^

PSN Showbiz

Alex ipapareha kay Jordan Herrera!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hanggang Mayo na lang sa Click si Alessandra de Rossi pero ililipat naman ito sa ibang programa. Kasama na rito ang Kool Ka Lang at Kahit Kailan bilang kapareha ni Jordan Herrera.

Pansamantala lang sa soap opera ang magaling na aktres dahil plano ng Syete na isama siya sa bagong teleserye.

Masama ang loob ng dalagita sa pagkakatanggal sa naturang programa na nasabi niya sa ibang tao.

Siya ang breadwinner ngayon ng pamilya mula nang mag-asawa ang kapatid na si Assunta kung saan nagpapadala ito ng pera sa Italy para sa pamilya nila at para matapos na rin ang ipinagagawang bahay doon.
Daboy, Ayaw Papag-Artistahin Ang Anak!
May mga movie offer pala na natatanggap si RapRap na panganay na anak ni Rudy Fernandez at Lorna Tolentino pero ayaw siyang payagan ng mga magulang lalo na si Daboy.

Pangarap kasi nina Rudy at LT na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang anak, sinabi pa ni Daboy na kapag nakatapos na si RapRap ng kanyang kurso ay saka nila ito papayagan.
Dina, Mas Gusto Ang Mature Men
Ang daming foreign suitors ni Dina Bonnevie pero, mas type pa rin niya ang Pinoy. May mga manliligaw din ito na mas higit na bata kaysa sa kanya pero, pabor pa rin ito sa mature men. Katwiran ni Dina ay mas higit silang magkakaunawaang dalawa at higit sa lahat mas magiging secured ang kanyang buhay.

Maswerte ang taong ito kay Dina dahil sunud-sunod ang kanyang mga pelikula. After Anghel sa Langit na palabas ngayon ay nakalinya pa rin ang The Chavit Singson Story kapareha si Cesar Montano. Wala rin itong problema sa kanyang dalawang anak na sina Danica at Oyo Boy dahil pareho silang independent at hindi naman sila naging sakit ng ulo sa kanya.
Di Iiwan Ang Showbiz
Excited na si Gladys Reyes sa nalalapit nilang kasal ng long-time boyfriend na si Christopher Roxas. Ito’y idaraos sa January 23, 2004. Nakapamili na sila ng ninang na mga taga-showbiz din. Pangarap ng aktres na magkaroon agad ng anak at ito rin ang inaasam ng kanyang mga magulang na sabik nang magka-apo.

Sa kabilang banda, nasabi ni Gladys na magtatrabaho muna ng anim na buwan sa France ang nobyo para makaipon nang pandagdag sa gagastusin nila sa kasal.

Sakaling mag-asawa na ang aktres ay hindi naman nito iiwan ang showbiz. Sakaling palarin naman si Christopher na makahanap ng magandang trabaho sa France ay payag naman siyang mag-settle sila roon.

Hindi magiging sagabal kay Gladys ang buhay-may-asawa sa kanyang pag-aartista dahil sinabi nitong marunong naman siyang mag-budget ng oras. Pero prioridad na ang kanyang pamilya.

vuukle comment

AYAW PAPAG-ARTISTAHIN ANG ANAK

CESAR MONTANO

CHAVIT SINGSON STORY

CHRISTOPHER ROXAS

DABOY

DI IIWAN ANG SHOWBIZ

DINA

DINA BONNEVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with