^

PSN Showbiz

Heart napikon kay John

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Swerteng maituturing si Marc Acueza. Sunud-sunod ang ginagawa niyang projects. Kasama si Marc sa bagong ABS-CBN dramedy, ang Basta’t Kasama Kita at isa siya sa mga anak ni Aiai delas Alas sa Ang Tanging Ina, ang Mother’s Day offering ng Star Cinema.

Inamin ni Marc na hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng kaliwa’t kanang projects. Member si Marc ng Star Circle Batch 10 na inilunsad noong October 2001. Since, naging bahagi na si Marc ng iba’t ibang programa sa telebisyon. Una siyang nakasama sa K2BU at ngayon ay mainstay na siya ng Berks at ka-loveteam ni Hazel Ann Mendoza at Sarah Christophers.

Naalala tuloy ni Marc kung paano ang pinagdaanan niyang hirap para makapasok ng showbiz.

"Nag-audition ako noon sa Whattaporms ng MTB tapos nakita ako ng taga-Talent Center at pina-VTR ako. At that time po, nagti-train sila ng new batch, ‘yung batch 10 nga. So ‘yun, napasama na ako sa batch 10," kwento ni Marc.
* * *
It was only noong nagda-dubbing si Heart Evangelista na na-realize niya kung gaano kapilya ang role niya sa Ang Tanging Ina. Kaya nagkaroon siya ng takot na ma-tag siya na suplada at pilya.

"Natakot ako no’ng dina-dub ko na ‘yung mga scenes ko. Talagang bad girl ako sa movie. ‘Buti na lang, in the end, bumait na ako," kwento ni Heart.

May katwiran si Heart na matakot. Baka nga naman mag-react ang mga fans na iniidolo siya. Si Heart ay masasabing isa sa pinakasikat na teen star ngayon. Lalo siyang sumikat nang mabuo ang loveteam nila ni John Prats na nagsimula sa Berks.

Naging honest si Heart when asked kung totoong nagkakatampuhan sila ni John. "Kasi madalas din niya akong asarin. Alam n’ya kung gaano ako kapikon. Dapat alam din niya ‘yun. Pero ganun lang po ‘yun. Kasi every Saturdays naman, magkasama kami sa taping ng Berks.

"John remains to be the closest guy to me in showbiz. And ngayon, nagiging closer pa kami dahil sa mga nangyayari."

"Confident ako where I am sa puso ni John...naks!" reaksyon ni Heart.

Confident din si Heart sa nangyayari sa kanyang career. Bukod sa Berks, kasama rin siya sa Arriba, Arriba, ASAP Mania and her music cable show My MYX.
* * *
Successful ang production launch ng Star Circle Batch 11 na ginanap sa Studio One ng ABS-CBN noong Biyernes. Dumalo sa nasabing launch ang big bosses ng ABS-CBN, mga direktor at syempre ang manager ng bagong batch na si Johnny Manahan.

Ang Batch 11 ay kinabibilangan nina Paolo Paraiso, Pauleen Luna, Dustin Reyes, Carla Humphries, Sarita Perez de Tagle, Brian Tan, Juddha Paolo, Nica Peralejo, Valerie Martinez, John Barretto, Glaiza de Castro, Pascal Greco, Jill Yulo, Emman Abeleda, Mico Aytona, Rayver Cruz, John Wayne Sace, Sergio Garcia at Mhyco Aquino.

Sa Sunday ay may malaking launch ang batch na ito sa ASAP Mania.
* * *
For your comments and reactions, you can reach me at [email protected]

vuukle comment

AKO

ANG BATCH

ANG TANGING INA

BATCH

BRIAN TAN

CARLA HUMPHRIES

CENTER

DUSTIN REYES

STAR CIRCLE BATCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with