^

PSN Showbiz

Isabel Granada, malapit ng maging mommy

RATED A - Aster Amoyo -
Nakatakdang isilang ni Isabel Granada ang first baby nila ng husband niyang si Geryk Genasky (Jericho Genasky Aguas) sa buwang ito.

Sa University of Los Angeles Hospital magsisilang si Issa sa tulong ng kanyang OB-Gynecologist na si Dra. Muñoz.

Although pwede nang malaman ng mag-asawang Issa at Geryk ang gender ng kanilang magiging first baby, hindi na nila ito inalam dahil mas gusto nilang malaman na lamang paglabas ng bata para mas exciting umano.

Kapag baby boy ang isilang ni Issa, ito’y papangalanang Hubert Jerico o Jerico Hubert, pinaghalong pangalan ng yumaong ama ni Issa at pangalan ni Geryk. At kapag girl naman, bibigyan nila ito ng pangalang Ma. Patricia Felomina Isabel o Isabel VII, ang tunay na pangalan ni Isabel, ng kanyang inang si Mommy Guapa at lola niya.

Mag-aapat na buwang buntis si Isabel nang siya’y ikasal kay Geryk nung nakaraang December 10 sa isang church wedding sa Pampanga. Before and after the wedding ay tumuloy na ang mag-asawa sa Balibago, Angeles City kung saan din sila nagtayo ng sarili nilang business na isang Internet Cafe.

Ayon kay Issa, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang singing and movie career kapag bumalik na sa dati ang kanyang katawan at kung kaya na niyang iwanan sa yaya ang kanyang baby.

Ang mommy ni Issa na si Mommy Guapa (Isabel) ay nakatira sa bahay nila sa Binangonan, Rizal pero pupuntahan niya ang kanyang anak sa Pampanga bago pa man ito magsilang.

"Actually, si Mommy ang ninenerbiyos sa nalalapit kong panganganak. But she’s always there to guide me and give me moral support lalo pa’t malapit na ang panganganak ko," kwento ni Issa.

Ang isisilang na baby ni Issa ay magiging apo sa tuhod na bale ng (dating) singer na si Rudy Genasky na nakabase na ngayon sa Amerika. Anak ni Rudy (tinaguriang Tom Jones of the Philippines) ang mother-in-law ni Issa na si Genalyn at apo naman niya si Geryk.

Samantala, huling napanood si Issa sa teleseryeng Sa Puso Ko Iingatan Ka at pangarap niyang makabalik sa isa pang teleserye kapag ready na siyang magbalik-showbiz.

Ang love affair nina Issa at Geryk ay nagsimula nang magkasama ang dalawa sa Tanduay commercial in August 2001. Since then, ay naging inseparable na ang dalawa hanggang sa mauwi sa kanilang pagpapakasal last December 10.
* * *
Ngayong naka-grandslam win si Piolo Pascual bilang best supporting actor dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Dekada ’70, tiyak na lalong magiging in-demand ito bilang actor sa pelikula. Ito rin bale ang edge ng young actor sa kanyang mga kasamahan sa Hunks at maging sa kanyang mga kakontemporaryo. Ang maganda pa kay Piolo, hindi lamang siya isang mahusay na actor kundi mahusay din siyang singer.

Wala ring alinlangan na si Piolo ang siya pa ring pinakamainit ngayon among our young actors.
* * *
Isa sa mga in-demand na product endorser ay ang young actor na si John Prats. Marami-rami na ring endorsements sa print at TV ang ginawa ng kuya ni Camille Prats at kamakailan lang ay muli siyang nag-renew ng kontrata bilang celebrity endorser ng Hawk Bags. Isa itong patunay na effective endorser ang panganay nina Dondie at Alma Prats.

Samantala, malapit nang simulan nina John at ka-loveteam niyang si Heart Evangelista ang First Romance under Star Cinema. Regular ding napapanood ang dalawa sa ASAP Mania every Sunday at ang youth-oriented program na Berks tuwing araw ng Sabado.

Ang team-up nina John at Heart ay isa ngayon sa mga loveteams na tinututukan ng ABS-CBN.
* * *
Medyo nanaba ang dating sexy star na si Tetchie Agbayani, isang indikasyon na masaya ito ngayon sa takbo ng kanyang personal na buhay sa piling ng kanyang mister, ang lawyer-businessman na si Atty. Joey de Dios at kaisa-isang anak na si China.

Matagal-tagal ding panahong nawala sa sirkulasyon si Tetchie but it was by choice dahil tinutukan niya ang paglaki ng kanyang anak. Bukod dito, bumalik din sa pag-aaral si Tetchie hanggang sa siya’y makatapos ng BS Psychology sa St. Joseph.

ALMA PRATS

ANGELES CITY

CAMILLE PRATS

FIRST ROMANCE

GERYK

ISSA

KANYANG

MOMMY GUAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with