^

PSN Showbiz

Siguradong aawayin ni Maricel si Ace dahil sa eksena nila ni Aleck Bovick

- Veronica R. Samio -
Nabasa naman daw ng misis ni Ace Espinosa na si Maricel Morales ang script ng Hiram bago niya ito inoohan.

"Ibinigay niya sa akin ang desisyon pero, okay naman sa kanya. Ang wala lang akong kontrol at hindi ko inaasahan ay ang mga changes na naganap sa script nang ginagawa na namin ang pelikula," panimula ni Ace sa isa sa napakaraming presscon ng Hiram na prodyus ng Angora Films.

Talagang walang hindi gagawin ang producer ng nasabing pelikula na si Atty. Gaudioso Manalo para makasiguro lamang na maipabatid sa maraming tagasubaybay ng lokal na industriya ng pelikula na mayroon na naman silang isang de kalidad na sexy films. Star dito ang best actress winner na si Aleck Bovick kasama sina Ana Capri, Eddie Garcia, Ram Revilla at marami pang iba.

"Napakarami naming maiinit na eksena dito ni Aleck pero, knowing Maricel, alam ko naman na maiintindihan niya ang lahat. Ang nakakaligtaan ko lamang na gawin ay sabihin sa kanya ang mga naging pagbabago. I’m sure masa-shock siya, baka magalit at baka rin pagsimulan ng away pero, alam ko na in the long run, maiintindihan din niya na trabaho lang ito. Proud ako sa pelikula at maaari ko iyon ipapanood sa kanya," patuloy pa ni Ace.

Idinagdag din ng aktor na nagsimula sa pagkanta at pagsasayaw sa programang That’s Entertainment na safe na safe ang feeling niya habang ginagawa niya ang Hiram.

"Kung dati ay fifty-fifty ang buhay ko dahilan sa mga stunts na ginagawa ko, dito, pa-easy-easy lang ako. Medyo nakakailang lang ang mga eksena, dahilan siguro sa hindi pa ako sanay at game na game naman ang kapareha ko.

"May mga eksena rin na tinalaban ako pero di ko kasalanan ito, lalaki lang ako," may pagbibirong saad ni Ace.
*****
Sa pagtutulungan ng Make-a-Wish Foundation of the Philippines (MAWF-P) at PLDT, mabibigyang katuparan na ang kahilingan ng mga kabataang may matitinding karamdaman.

Ang MAWF-P na itinatag sa bansa ni International Director Eddie Sison at kasalukuyang pinamumunuan ni Ms. Celine Madamba ang isa sa mga sangay ng MAWF-P, na ang pinaka-pangunahing layunin ay bigyang katuparan ang kahilingan ng mga batang nasa 3 hanggang 18 taong gulang na may malubhang karamdaman, ang adhikaing sinaligan ng PLDT kaya inilunsad ang kampanyang "The Make-A-Wish-Jolina Special Edition Call Cards".

Ang mga call cards na ito ay mabibili lamang sa halagang P100 sa lahat ng PLDT Business Offices, SM Malls, 7-11 Outlets, LBC Stations, Mini Stop and iba pang authorized dealer nationwide, simula Mayo 28, 2003.

Sa bawa’t cell card na mabibili, may donasyong matatanggap ang MAWF-P courtesy of PLDT.

Para sa mga interesado sa paglahok o para malaman ang mga detalye tungkol sa Make-A-Wish Foundation Philippines, maaaring magsadya sa Unit 108 Narra Bldg., 2276 Chino Roces Ave., Makati o tumawag sa 8177387. O bisitahin sila sa kanilang websites sa www.bestwish,org at mag-email sa wish@ bestwish.org.

ACE ESPINOSA

ALECK BOVICK

ANA CAPRI

ANGORA FILMS

BUSINESS OFFICES

CHINO ROCES AVE

EDDIE GARCIA

HIRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with