^

PSN Showbiz

Asawa ni Ace Espinosa, nagselos kay Aleck?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa presscon ng Hiram ay tinanong ko si Ace Espinosa kung bakit pumayag siyang lumabas sa isang sexy movie gayung isa siyang action star. "Tita, sa hirap ng buhay ngayon ay hindi ka makakapamili ng role. Maganda naman ang papel na ginampanan ko rito kahit may maiinit na eksena kami ni Aleck Bovick. Sampu ang aming mga lovescenes at grabe ‘yung nasa ibabaw ng mesa na nangyari sa isang warehouse. Isa pa ‘yung nasa damuhan kami. Hindi naman ako dehado sa role ko bilang agent," sey ng aktor.

Hindi ba nagseselos si Maricel sa mga maiinit na eksena katambal si Aleck? "Binasa naman niya ang script at malaki naman ang tiwala niya sa akin. Sabi ko na huwag siyang mag-alala dahil alam ko naman ang ginagawa ko," dagdag pa nito.

Dalawa na ang anak na lalaki ni Ace kung saan ang panganay ay apat na taon at siyam na buwan naman ang bunso.
Rommel, Line Producer Na
Matagal kaming nagkwentuhan ni Rommel Padilla na tumatayong line producer ng pelikulang Alab Ng Lahi na official entry sa darating na Manila Film Festival. First time nitong mag-line-prodyus. Natuto siyang humawak ng pera, makisama sa lahat ng artista gayundin sa maliliit na staff and crew dahil sa pelikulang ‘to. Ang problema lang nito ay ang di-pagkakaintindihan nila ni Jacky Woo na co-prodyuser din nila dahil kailangan pa nito ang interpreter.

Inamin ni Rommel na inabot ng humigit kumulang sa 30 milyon ang Alab Ng Lahi dahil sa isa itong period movie (1945) kung saan iba’t iba ang location, maraming ekstra at costume ang ginamit. Gumamit din sila ng digital stereo sound. Ipinagmamalaki ni Rommel ang pelikula dahil lahat ng artista ay propesyonal. "Maganda ang working relationship namin lalo na sina Robin Padilla at Jacky. Ipinakilala rin dito ang epekto ng giyera sa mga tao," aniya.

Tinanong din namin si Rommel kung ano ang pinagkaabalahan niya the past year. Ayon sa aktor, nagpunta siya ng Malaysia at naging abala sa kanyang mga painting. Nagkaroon din siya roon ng one-man exhibit.

Ano naman ang binigay ninyo ni Robin sa inyong ina noong nakaraang Mother’s Day? "Si Robin ay binigyan si Mama ng bulaklak at regalo. Ako naman ay nagbigay ng pera pandagdag sa pambili nito ng traktora," sabi pa ni Rommel.

Pangarap pala ni Rommel na maging direktor o cinematographer someday at sana nga ay mag-e-enroll siya sa MOWELFUND pero kinulang ng oras dahil abala na sila sa post production ng pelikula.
‘Ring 0,’ May Premiere Sa SM Mega Mall
Paano naging malademonyo at makapangyarihan si Sadako mula nang siya’y mamatay? Ngayon ay maisisiwalat na - ang nakakatakot na lihim ng ‘sumpa ng bidyo’ na pumatay ng maraming biktima sa orihinal na Ring at Ring 2. Maunang panoorin sa big screen ang tinaguriang ‘most horrifying prequel’ sa taong ito. Pinamagatang Ring 0 (The Birthday), ito ay ipi-premiere para sa mga Pinoy sa ika-20 ng Mayo, 2003, Martes, 7:30 ng gabi, sa SM Megamall.

Release sa Pilipinas ng Solar Films, ang Ring 0 ay tinatampukan nina Yukie Nakama, Seiichi Tanabe, Kumiko Aso at Yoshiko Tanaka.
Blind Item: Sexy Star, Na-Deport Dahil Sa Inggiterang Aktres
Naikwento ng aking source na malapit sa manager ng isang sexy star na kaya pala wala itong pelikulang ginagawa sa kasalukuyan ay dahil nasa Amerika ito at doon kumakanta. Matagal-tagal na rin daw ito doon at talagang kumikita ng malaki dahil marunong naman siyang umawit. Isa pa, isa siya sa may pinakamagandang mukha among the sexy stars at flawless pa kaya maraming customers ang nagpupunta sa club.

Kaso nagpunta rin pala ang isang mestisang aktres sa lugar na yon at umaawit din sa kalapit na club na kinakantahan ng sexy star. Dahil sa inggit kwento pa ng aking source ay isinumbong ng mestisang actress si sexy star sa US immigration kaya ipina-deport sa bansa. Sey nga ng manager ng seksing aktres ay makakarma rin ang sumbungerang aktres na naiinggit sa kanyang alaga.

Marami na ring naipong pera ang sexy star at tama nang puhunan sa isang negosyo.

vuukle comment

ACE ESPINOSA

ALAB NG LAHI

ALECK BOVICK

BLIND ITEM

DAHIL

ISA

JACKY WOO

NAMAN

ROMMEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with