^

PSN Showbiz

'Malakas ang feeling ko na kami ni FPJ ang magpapantay, di maglalaban – Aiai

- Veronica R. Samio -
Ayaw isipin ni Aiai delas Alas na makakalaban ng kanyang launching movie ang pelikula ni FPJ na Pakners na kung saan ay tampok din si Efren "Bata" Reyes.

"Feeling ko kami ni FPJ ang magpapantay pero, di kami maglalaban," ang sabi ng komedyante sa pinaka-huling presscon ng kanyang movie nang malaman niya na may isa pang kasabay na pelikula ang kanyang Ang Tanging Ina ng Star Cinema. Ito ang sexy thriller na Ang Kapitbahay ng Imus Productions ng magkakapatid na Revilla.

Di na matutuloy si Aiai sa kanyang pag-alis patungong Canada for a series of shows. "Wala na akong suswelduhin kapag inilagay nila ako sa 14-day quarantine. Ibabalik ko na lamang ang down payment na tinanggap ko. Maiintindihan naman nila dahil wala sa kontrol namin pare-pareho ang SARS," aniya.

Proud si Aiai sa kanyang movie.

"Nagkaroon ito ng 10 script revisions at di basta-basta artista ang nasa cast," sabi niya.
* * *
Wala namang nagduda na hindi kikita ang dalawang gabing konsyerto nina Martin at Regine sa Araneta Coliseum. Dalawang Linggo bago ang palabas ay wala nang mabiling tiket.

Bago yung gimik na pagpapalabas ng isang VTR ng dalawa na may istorya ni Mel del Rosario sa direksyon ni Louie Ignacio. Well received din ang duet nila ng "You Are My Song", isang komposisyon nina Martin at Louie na ginawang theme song ng pelikulang Wanted Perfect Mother. At may tig-isang bersyon ang dalawa. Ganundin ang "My Prayer".

Babalik ang Martin and Regine: The 2003 World Concert Tour The Repeat sa Araneta sa Hunyo 14, pagkabalik ni Martin mula sa kanyang Las Vegas show. Magpi-perform din ang dalawa sa Freedom Ring Amphitheater sa Clark Field sa June 28, ang mga ito ay produksyon ng Maxi Media International at presented ng ABS CBN, Samsung at Smart.

Mabibili ang tiket sa SM outlets at Jollibee Branch sa Pampanga sa halagang P175, P400, P800 at P1200. May limited seats na nagkakahalaga ng P1800. Tumawag lamang sa 5518999/5517777.
* * *
Ang kauna-unahang single ng Power Four na "Oochie Coochie" mula sa self-titled album nila ay ilulunsad ngayong tanghali sa ASAP.

Ang grupo na binubuo nina Jordan Herrera, Jay Salas, Greg Martin at Frank Garcia ay inirecord ang album nila sa Universal Records. Mabibili na ito simula sa Mayo 20.
* * *
May ginagawang beauty seminar ang Beauty Plus na mapapanood sa programa ngayong Linggo, 11-12 pm sa RPN 9.

Pinamagatang HBC on the Go, nasa Navotas ito sa Linggo at magbibigay ng listahan ng mga herbal food supplements sa mga manonood na mabisang panlaban sa SARS.

Ang paghahandog ng makabuluhang topics ang dahilan kung bakit napakaraming babae ang nanonood ng show bagaman at makakakuha rin dito ng tips ang mga lalaki.

vuukle comment

AIAI

ANG KAPITBAHAY

ANG TANGING INA

ARANETA COLISEUM

BEAUTY PLUS

CLARK FIELD

DALAWANG LINGGO

FRANK GARCIA

FREEDOM RING AMPHITHEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with