Yul Servo, unwed father of 2 boys
May 17, 2003 | 12:00am
We have to admit na successful parati ang ABS-CBN sa kanilang pagi-eksperimento ng ibat ibang loveteam sa kanilang bakuran. Di bat nabuo ang loveteam nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman sa teleseryeng Mara Clara, ang Judy Ann-Piolo Pascual, ang team-up nina Claudine Barretto at Rico Yan, Kristine Hermosa at Jericho Rosales, John Prats at Heart Evangelista at marami pang iba and lately, ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Ngayon ngang tapos na ang airing ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka nina Juday at Piolo, ipapareha naman sila sa magkaibang partners si Juday kay Robin Padilla at si Piolo kay Claudine Barretto.
Magkakasama sina Claudine at si Piolo sa bagong sisimulang teleserye sa Dos, ang Buttercup kung saan din kabituin sina Diether Ocampo, Carlos Agassi, Onemig Bondoc, Assunta de Rossi, Ciara Sotto among others habang sina Juday at Binoe ay magkasama naman sa bagong teleseryeng Bastat Kasama Kita na magsisimula nang mapanood sa darating na Mayo 26 kapalit ng Bituin ni Nora Aunor.
Bagong formula ang tambalang Robin at Juday na unang nagkatambal sa pelikula.
Kung pumutok ang tambalang Jericho at Kristine sa Pangako Sa Yo na magkatulong na dinirek nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit, ang dalawang nasabing directors din ang nasa likod ng Bastat Kasama Kita.
Isa palang unwed father ang mahusay na actor na si Yul Servo. Dalawa umano ang anak nito na parehong lalaki. Ang importante, hindi nagsinungaling si Yul sa kanyang estado kesa naman patuloy niyang itago ang kanyang pagiging binatang ama na unfair naman sa kanyang mga anak.
Samantala, maswerte si Yul dahil pagkatapos ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka sa Dos, agad naman siyang napabilang sa teleserye ng Siyete, ang Habang Kapiling Ka.
Whats wrong kung malaki ang agwat ng edad nina Pops Fernandez at Brad Turvey? Ang mahalaga ay nagkakaintindihan at nagmamahalan ang dalawa. Wala sa edad ang basehan ng pagmamahalan ng dalawang tao.
Matagal nang hiwalay si Pops sa asawang si Martin Nievera at na-annul na ang kanilang kasal more than two years ago. Kung may Katrina Ojeda na si Martin (na siyang dahilan ng paghihiwalay nina Martin at Pops), siguro ay karapatan din naman ni Pops na maghanap na ibang lalakeng kanyang mamahalin.
Kung tutuusin tila malayo ang swerte ni Pops na muling makatagpo ng kanyang ipapalit kay Martin. Hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang relasyon ni Aga Muhlach na asawa na ngayon ng (dati) best friend niyang si Charlene Gonzales. Shortlived din ang pakikipag-relasyon ni Pops sa isang Italian-Filipino businessman na si Jacques Dupasquier at hindi rin nag-prosper ang kanilang relasyon ni Piolo Pascual, who was 10 years Pops junior.
Although may mga taong hindi pabor sa pakikipagrelasyon ni Pops sa Fil-Australian model-turned actor na si Brad, but who are we to judge? Hindi naman natin saklaw ang damdamin pareho nina Pops at Brad. Kung talagang ukol sila para sa isat isa, tatagal ang kanilang relasyon, pero kung hindi, tiyak na sa hiwalayan din ito mauuwi.
Hindi rin naman siguro kasalanan ni Pops kung attracted pa rin sa kanya ang mga lalaking mas bata sa kanya.
Bigyan naman natin si Pops ng pagkakataon na muling sumaya. After all, she deserves to be happy.
Dalawang hari ang pinagsama sa pelikulang Pakners, ang 40th anniversary offering ng FPJ Productions na dinirek ni Tony Y. Reyes. Sina Fernando Poe, Jr. at ang hari ng billiards na si Efren Bata Reyes.
Parehong idol nila ang isat isa. Saludo si Da King (FPJ) kay Bata at ganundin naman si Bata kay FPJ.
Ngayon ngang tapos na ang airing ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka nina Juday at Piolo, ipapareha naman sila sa magkaibang partners si Juday kay Robin Padilla at si Piolo kay Claudine Barretto.
Magkakasama sina Claudine at si Piolo sa bagong sisimulang teleserye sa Dos, ang Buttercup kung saan din kabituin sina Diether Ocampo, Carlos Agassi, Onemig Bondoc, Assunta de Rossi, Ciara Sotto among others habang sina Juday at Binoe ay magkasama naman sa bagong teleseryeng Bastat Kasama Kita na magsisimula nang mapanood sa darating na Mayo 26 kapalit ng Bituin ni Nora Aunor.
Bagong formula ang tambalang Robin at Juday na unang nagkatambal sa pelikula.
Kung pumutok ang tambalang Jericho at Kristine sa Pangako Sa Yo na magkatulong na dinirek nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit, ang dalawang nasabing directors din ang nasa likod ng Bastat Kasama Kita.
Samantala, maswerte si Yul dahil pagkatapos ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka sa Dos, agad naman siyang napabilang sa teleserye ng Siyete, ang Habang Kapiling Ka.
Matagal nang hiwalay si Pops sa asawang si Martin Nievera at na-annul na ang kanilang kasal more than two years ago. Kung may Katrina Ojeda na si Martin (na siyang dahilan ng paghihiwalay nina Martin at Pops), siguro ay karapatan din naman ni Pops na maghanap na ibang lalakeng kanyang mamahalin.
Kung tutuusin tila malayo ang swerte ni Pops na muling makatagpo ng kanyang ipapalit kay Martin. Hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang relasyon ni Aga Muhlach na asawa na ngayon ng (dati) best friend niyang si Charlene Gonzales. Shortlived din ang pakikipag-relasyon ni Pops sa isang Italian-Filipino businessman na si Jacques Dupasquier at hindi rin nag-prosper ang kanilang relasyon ni Piolo Pascual, who was 10 years Pops junior.
Although may mga taong hindi pabor sa pakikipagrelasyon ni Pops sa Fil-Australian model-turned actor na si Brad, but who are we to judge? Hindi naman natin saklaw ang damdamin pareho nina Pops at Brad. Kung talagang ukol sila para sa isat isa, tatagal ang kanilang relasyon, pero kung hindi, tiyak na sa hiwalayan din ito mauuwi.
Hindi rin naman siguro kasalanan ni Pops kung attracted pa rin sa kanya ang mga lalaking mas bata sa kanya.
Bigyan naman natin si Pops ng pagkakataon na muling sumaya. After all, she deserves to be happy.
Parehong idol nila ang isat isa. Saludo si Da King (FPJ) kay Bata at ganundin naman si Bata kay FPJ.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended