^

PSN Showbiz

Patutunayan ni Aleck na magaling siya

- Veronica R. Samio -
Sa presscon ng pinaka-latest na movie niya sa Angora Films na pinamagatang Hiram, hiniling ng producer nito na panahon nang kalimutan ang mga negatibong bagay na naisulat tungkol sa kanyang artistang si Aleck Bovick dahilan sa pagkakapanalo nito ng Best Actress. "Let’s write positive things about Aleck and her award. The public deserves this and Aleck, too," sabi niya.

Oo nga naman. For his part, maraming balak na gawin si Atty. Gaudioso Manalo para mailabas ang galing ng kanyang artista.

Isa na rito ang patuloy na paggawa ng mga de-kalibreng pelikula. Naka-plano na ang apat na pelikula na isa ay ididirihe ni Jeffrey Jeturian, may isa rin si Francis Jun Posadas, ikatlo ang U Belt na isang sex comedy at panghuli ang dramang Dadalhin Kita Sa Langit.

Kung hindi pa ito sapat, tumaas na rin kahit kaunti ang talent fee ni Aleck.

"Di ko ito hiningi. Siguro, form of appreciation for what I’ve accomplished bagaman at tanggap ko na maraming mas magagaling na artista sa akin pero, ang hinihingi ko lang ay suporta ng lahat," sabi ng best actress na ayon sa kanyang direktor na si Romy Suzara ay di nakikita sa rehearsal kung ano ang ilalabas niya sa kanyang mga eksena, kung paanong atake ang gagawin niya sa kanyang role.

"Napakalalim niyang aktres, very unpredictable. Iba ang atake niya sa kanyang mga roles. Nagugulat na lang ang mga co-stars niya," ani Suzara.
* * *
Kapuri-puri ang ginagawa ng nakakabatang kapatid ni Mother Ricky Reyes na si Les Reyes, owner at operator ng Reyes Haircutters (RHC) na matatagpuan sa buong kapuluan. Sa pamumuno ng RHC na kung saan ay tumatayo siya bilang pangulo, nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng bagong tatag na Philippine International Hairdressers Association (PIHA) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nung Mayo 8 sa Westin Philippine Plaza Hotel.

Ang kasunduan ay para sa development of competency standards, assessment/guide instruments for written, oral and practical assessment bilang tugon sa pangangailangan para mabigyan ng sertipiko ang mga hairdresser, beautician, barbero at iba pang manggagawa sa ganitong uri ng trabaho.

Naging panauhing pandangal si Senador Ramon Magsaysay, Jr., at ang Director General ng TESDA na si Dr. Alcestis Guiang.

May layunin ang Reyes Haircutters na palawakin ang kanilang serbisyo sa mga komunidad ng Pinoy sa ibang bansa sa pamamagitan ng franchise kaya malaking tulong ang PIHA para ma-professionalize ang ranggo ng skilled workers sa ganitong industriya.
* * *
Magandang balita yung di pa maninirahan sa ibang bansa ang magaling na direktor na si Jose Javier Reyes. Minsan kasi naisip na niyang mag-migrate sa US sapagkat nawawalan na siya ng pag-asa na gaganda pa ang takbo ng ating buhay sa bansa. Mabuti na lamang ay meron pa siyang ina na isang malaking factor para manatili pa siya ng bansa, nakakagawa pa siya ng magagandang movies at ngayon ay nagsusulat siya ng libro.

Malapit nang ipalabas ang Anghel sa Lupa, isang pelikula na matagal na niyang natapos sa Regal Films. Tungkol ito sa life after death na ginawa sa konteksto ng familia love, acceptance at understanding.

Tampok si Cogie Domingo, isa sa mga young actors na hinuhulaan niyang magiging isang malaking artista basta patuloy lamang ito na mabigyan ng magagandang proyekto, na namatay sa isang sakuna sa bisikleta. Hindi ito makaalis sa lupa dahil sa kanyang ina (Dina Bonnevie) at isang handicapped brother (Alwyn Uytingco) at ang gf niya (Maxene Magalona).

Nakilala niya ang isa pang kaluluwa (Jiro Manio) na tinulungan siya para matanggap niya ang nangyari sa kanya.

Kasama rin sina Paolo Ballesteros, Ricky Davao, Luciano Chaning Carlos at marami pa.

vuukle comment

ALECK

ALECK BOVICK

ALWYN UYTINGCO

ANGORA FILMS

BEST ACTRESS

COGIE DOMINGO

NIYA

REYES HAIRCUTTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with