Rochelle, bida na sa pelikula
May 16, 2003 | 12:00am
Hindi sukat akalain ni Rochelle Pangilinan na magiging bida siya sa pelikula. Ang kanyang 2nd movie venture ay bilang leading lady ni Bong Revilla sa pelikula ng Imus Productions na pinamagatang Bertud ng Putik. Kasama rin nila sa movie ang magandang si Regine Tolentino na gumaganap ng kontrabida sa buhay nilang dalawa.
"Ninerbyos nga ako ng husto sa first day shoot namin. Hindi ko ma-deliver ang linya ko. Kahit napaka-init ay nangangatog talaga ako. Lalo na kapag naiisip ko na baka pagalitan ako ni Bong," kwento ni Rochelle.
May bold scene ba siya sa pelikula?
"Hanggang kissing lang po ako. Hindi po ako pwedeng mag-bold dahil marami pong fans ang Sex Bomb na mga bata. Sinabi ko po ito nang tanggapin ko ang role ko sa pelikula," paliwanag niya.
Maituturing na ngang matagumpay ang Sex Bomb Girls na nahahati sa dalawang grupo, ang grupo ng mga kumakanta (sila Rochelle yun kasama sina Izzy, Jopay, Weng, Yvette at Monic) at yung mga dancer.
Bukod sa hindi sila magkandaugaga sa mga shows nila, silang anim ay mayroon nang sari-sariling kotse. Dati ay pangarap lamang nila ito. Ngayon ay isa na itong kaganapan.
Maski na sa pag-ibig ay wala nang panahon ang anim, lalo na si Rochelle na bukod sa kanyang mga commitments kasama ng Sex Bomb ay may sarili ring palabas sa TV, Daboy en Dagirl at Eat Bulaga. Ngayon may solo movie pa siya, itong ngang Bertud ng Putik.
"Mabuti na lamang at nasa Japan pa rin ang boyfriend ko. Minsan, di ko na siya naiisip dahil sa tagal niya roon at dahilan na rin sa talagang wala na akong panahong mag-isip. Minsan ang free time ko ay ginugugol ko na lang sa pagtulog. Minsan para na akong robot na walang laman ang utak dahilan sa puyat," amin niya.
Pero, walang reklamo si Rochelle. Nagpapasalamat na lamang siya sa mga magagandang pagkakataon na dumarating sa kanya. "Sabi nga ng manager ko, samantalahin ko dahil hindi naman kami sikat araw-araw. Kailangan daw paghandaan namin ang panahon na wala na kami.
"Kaya, panay ang pag-iipon ko. Halos ayaw ko nang gumasta. Bukod sa pagpapa-renovate ko ng bahay ng tatay ko ay wala na kaming iba pang pinagkakagastusan."
Ang Bertud ng Putik ay magkatulong na dinidirek nina Augusto Salvador at Marlon Bautista. Tampok din sa pelikula sina Roi Vinzon, Jeffrey Tam at Goyong.
Napaka-swerte ni Regine Tolentino, dala-dalawa ang pelikula niya at pareho pang major movie productions. Sa Maverick Films na Dayo ay leading lady siya ni Ronnie Ricketts at sa Bertud ng Putik ng Imus Productions ay kontrabida naman ang role niya.
Katulad ni Rochelle na kasama niya sa movie. Hanggang sa mga kissing scenes at cleavage effect ang pagpapaseksing gagawin niya. "Projection lang. Bahala na ang manonood ang maglagay ng malisya," sabi ng magandang misis ni Lander Vera Perez na umamin na okay sila ni Lander kahit magkahiwalay sila. "Hes now working with Senator Robert Barbers," imporma niya.
Alam ba nyo na mayroong isang Filipino na may sariling singing school sa Florida, USA? Ang aming tinutukoy ay si Dr. Erikk Cruz na nag-aaral ng voice lessons sa San Francisco Conservatory of Music at nag-training din sa Hollywood kay Seth Riggs (voice coach nina Michael Jackson, Madonna at Stevie Wonder), Austin Howard na executive director ng Los Angeles Vocal Power Institute at Faith Winthrop, isang recording jazz artist.
Si Dok Erikk ang nagpasimula at nag-conceptualized ng Speech Level Kind of Singing Technique na ginagamit niya sa kanyang Sing! Vocal Power Institute (SVPI) sa Florida at maging dito sa atin sa Pilipinas.
Ilan sa mga tinuruan ni Dok Erikk ng kanyang singing technique ay sina Timmy Cruz, Von Arroyo, Diwata, Onemig Bondoc, Luke Mejares ng South Border, Heart Ongpauco, Cherries, Mumay Santiago, Zoren at Brando Legaspi, Alma Concepcion, Cherry Lou, Masculados, Power Four, Nini Jacinto, Redford White at maging si Christopher de Leon.
Naging vocal coach din siya ng ABS-CBN Star Circles na kabilang sa batches 6, 7, 8, 9 at 10 at pati na ang ilang talents ng dating Thats Entertainment.
Kamakailan ay nagbalik dito sa atin si Dok Erikk para sa pagbubukas ng summer courses ng kanyang SVPI. Bukod sa voice lessons ay mayroon din siyang 12-session workshop sa special rate na P3,750 bawat estudyante ng mga kursong art (animation, caricature, drawing), dancing (jazz, hip-hop, ballroom, music video dance grooves), musical theater at instruments.
Kung interesado kayong mag-aral ng voice lessons (mula bata hanggang 50 taon) ay maaari kayong magsadya sa kanilang studio sa 1365 E. Rodriguez Sr. Avenue, QC, malapit lamang sa Balete Drive. Para sa iba pang detalye, maaari kayong tumawag sa tel. 726-3927.
"Ninerbyos nga ako ng husto sa first day shoot namin. Hindi ko ma-deliver ang linya ko. Kahit napaka-init ay nangangatog talaga ako. Lalo na kapag naiisip ko na baka pagalitan ako ni Bong," kwento ni Rochelle.
May bold scene ba siya sa pelikula?
"Hanggang kissing lang po ako. Hindi po ako pwedeng mag-bold dahil marami pong fans ang Sex Bomb na mga bata. Sinabi ko po ito nang tanggapin ko ang role ko sa pelikula," paliwanag niya.
Maituturing na ngang matagumpay ang Sex Bomb Girls na nahahati sa dalawang grupo, ang grupo ng mga kumakanta (sila Rochelle yun kasama sina Izzy, Jopay, Weng, Yvette at Monic) at yung mga dancer.
Bukod sa hindi sila magkandaugaga sa mga shows nila, silang anim ay mayroon nang sari-sariling kotse. Dati ay pangarap lamang nila ito. Ngayon ay isa na itong kaganapan.
Maski na sa pag-ibig ay wala nang panahon ang anim, lalo na si Rochelle na bukod sa kanyang mga commitments kasama ng Sex Bomb ay may sarili ring palabas sa TV, Daboy en Dagirl at Eat Bulaga. Ngayon may solo movie pa siya, itong ngang Bertud ng Putik.
"Mabuti na lamang at nasa Japan pa rin ang boyfriend ko. Minsan, di ko na siya naiisip dahil sa tagal niya roon at dahilan na rin sa talagang wala na akong panahong mag-isip. Minsan ang free time ko ay ginugugol ko na lang sa pagtulog. Minsan para na akong robot na walang laman ang utak dahilan sa puyat," amin niya.
Pero, walang reklamo si Rochelle. Nagpapasalamat na lamang siya sa mga magagandang pagkakataon na dumarating sa kanya. "Sabi nga ng manager ko, samantalahin ko dahil hindi naman kami sikat araw-araw. Kailangan daw paghandaan namin ang panahon na wala na kami.
"Kaya, panay ang pag-iipon ko. Halos ayaw ko nang gumasta. Bukod sa pagpapa-renovate ko ng bahay ng tatay ko ay wala na kaming iba pang pinagkakagastusan."
Ang Bertud ng Putik ay magkatulong na dinidirek nina Augusto Salvador at Marlon Bautista. Tampok din sa pelikula sina Roi Vinzon, Jeffrey Tam at Goyong.
Katulad ni Rochelle na kasama niya sa movie. Hanggang sa mga kissing scenes at cleavage effect ang pagpapaseksing gagawin niya. "Projection lang. Bahala na ang manonood ang maglagay ng malisya," sabi ng magandang misis ni Lander Vera Perez na umamin na okay sila ni Lander kahit magkahiwalay sila. "Hes now working with Senator Robert Barbers," imporma niya.
Si Dok Erikk ang nagpasimula at nag-conceptualized ng Speech Level Kind of Singing Technique na ginagamit niya sa kanyang Sing! Vocal Power Institute (SVPI) sa Florida at maging dito sa atin sa Pilipinas.
Ilan sa mga tinuruan ni Dok Erikk ng kanyang singing technique ay sina Timmy Cruz, Von Arroyo, Diwata, Onemig Bondoc, Luke Mejares ng South Border, Heart Ongpauco, Cherries, Mumay Santiago, Zoren at Brando Legaspi, Alma Concepcion, Cherry Lou, Masculados, Power Four, Nini Jacinto, Redford White at maging si Christopher de Leon.
Naging vocal coach din siya ng ABS-CBN Star Circles na kabilang sa batches 6, 7, 8, 9 at 10 at pati na ang ilang talents ng dating Thats Entertainment.
Kamakailan ay nagbalik dito sa atin si Dok Erikk para sa pagbubukas ng summer courses ng kanyang SVPI. Bukod sa voice lessons ay mayroon din siyang 12-session workshop sa special rate na P3,750 bawat estudyante ng mga kursong art (animation, caricature, drawing), dancing (jazz, hip-hop, ballroom, music video dance grooves), musical theater at instruments.
Kung interesado kayong mag-aral ng voice lessons (mula bata hanggang 50 taon) ay maaari kayong magsadya sa kanilang studio sa 1365 E. Rodriguez Sr. Avenue, QC, malapit lamang sa Balete Drive. Para sa iba pang detalye, maaari kayong tumawag sa tel. 726-3927.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am