^

PSN Showbiz

Lander, ba't pinayagan ang biyenan na bastusin ang nanay niya?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Siyam sa bawat sampung mensahe sa text na tinanggap namin nu’ng Sabado ng hapon ay nagagalit kay Lander Vera-Perez. Puro karma ang nilalaman ng mensahe, sana raw ay huwag makarma ang aktor sa kanyang mga ginagawa kay Mommy Bernadette.

‘Yun ay pagkatapos nilang magharap-harap sa ere ng kanyang ina at ng kanyang biyenang si Mommy Gina Tolentino, ina ng asawa niyang si Regine. Sa halip kasing silang mag-ina ang magkatabi sa panayam ay ang kanyang biyenan pa ang katabi ni Lander.

Ang kanilang mga argumento ay tumakbo ng mahaba, hanggang sa magsabi na si Mommy Bernadette na kung anuman ang kasalanang nagawa nito kay Lander at sa kanyang asawa’t biyenan ay patawarin na sana niya ito, pero nagmatigas ang aktor.

Ang kanyang punto ay paano raw niya mapapatawad ang kanyang ina kung hindi pa sila nagkakaayos ng personalan, paano na raw ang mga nangyari sa kanila nu’ng mga nakaraang taon?

Ang nakapangit pa, habang nagsasalita si Mommy Bernadette ay hindi maganda ang mga nahuling reaksyon sa kanya ng mga kamera, tulad nu’ng lumalabi siya at ngumingiti nang pasarkastiko, kaya maraming manonood ang nagalit sa kanya.

Kung nakamamatay lang ang mensahe sa text ay pinaglalamayan na ngayon si Lander sa rami ng text messages na nagmumura, nagagalit at humuhusga sa kanya, naging maldito ng bayan si Lander sa paghaharap na ‘yun.

Ang tanong ng marami, bakit daw pinababayaan lang ni Lander na bastusin-salaulain ng kanyang biyenan ang sarili niyang ina?

Bakit hindi man lang daw pinagbawalan ng aktor ang ina ni Regine sa panlalait kay Mommy Bernadette?

Pagkatapos dalhin ng siyam na buwan sa sinapupunan nito, pagkatapos palakihin at ipaglaban, ay ganu’n pa raw ba ang mapapala ni Mommy Bernadette kay Lander?
* * *
Naiisip din namin, gaano nga kaya kalaki ang kasalanang nagawa ng ina ni Lander sa kanya? Isang krimen kaya ‘yun na napakahirap patawarin at palampasin?

At gaano rin kaya katindi ang pagkakahawak sa kanya ng mag-inang Gina at Regine para pabayaan lang niyang lait-laitin ng mga ito ang kanyang ina?

Sa totoo lang, kung patalasan ng dila ang magiging laban ay walang binatbat si Mommy Bernadette kay Mommy Gina, mabait pa nga kung tutuusin ang ina ni Lander, dahil bago pa nagsimula ang panayam na ‘yun ay nileletse-letse na ng ina ni Regine si Mommy Bernadette.

Direkta ang akusasyon ni Mommy Gina, harap-harapan nitong ginagawa ‘yun kay Mommy Bernadette nang nasa tabi lang nito si Lander, pero kahit anong pagbabawal ay walang ginawa si Lander sa kanyang biyenan.

Nakakapangilabot ang eksenang ‘yun, minumura na ni Mommy Gina ang kanyang nanay, pero wala lang, nakatingin lang si Lander sa kanyang biyenan.

Sana man lang ay pinagbabawalan niya ang ina ni Regine sa pagmumura nito sa kanyang ina, kung sana man lang ay namamagitan siya sa pangyayari, ang kaso’y pinabayaan lang ng aktor na maliitin at lait-laitin ni Mommy Gina si Mommy Bernadette.

Ang pagsasalita ni Lander laban sa kanyang ina ay maaari pa nating palampasin, pwede nating isipin na siguro nga ay sobrang tindi ng sakit na ibinigay ni Mommy Bernadette sa aktor, pero mahirap ihanap ng katwiran ang pagpapabaya ng isang anak sa ibang tao para salaulain ang sarili niyang ina.

Ewan, pero kung sa amin nangyari ang ganu’n, gaano man kami kagalit sa aming nanay ay hindi namin bibigyan ng pasaporte ang ibang tao o sinuman para bastusin ang aming nanay.

Kung kami si Lander, isang letse pa lang ang naririnig namin mula kay Mommy Gina patungkol sa aming ina ay kami na ang makakalaban nito.

vuukle comment

BERNADETTE

INA

KANYANG

KAY

LANDER

LANG

MOMMY

MOMMY BERNADETTE

MOMMY GINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with