^

PSN Showbiz

Sikat na aktres, kinulang ng pambayad sa motel!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tungkol sa isang sikat na aktres na mahilig kumuha ng hulugang alahas pero hindi naman marunong magbayad.

Kamakailan ay nag-check-in ito sa isang five-star hotel pero kinulang ito ng pambayad. Tinawagan pa nito ang anak na isa ring aktor na siyang nagpuno ng kakulangan sa kanyang hotel bill.

Malamang makasira ito sa aktres na papasok sa pulitika.
Aleck, Huhubugin Sa Pagiging Dramatic Actress
Nakakwentuhan namin si Atty. Manalo ng Angora Films at sinabi nito na nagpapasalamat siya sa mga taong hindi naniwala sa kakayahan ni Aleck Bovick lalo na nang magkamit ito ng FAMAS best actress trophy. Sabi nga ng butihing abogado, "Ibang-ibang Aleck ang mapapanood dito sa Hiram. May lalim ang kanyang akting. Gusto na naming makawala siya sa bold image at maging dramatic actress para patunayan na magaling itong artista. Pwede siguro siyang magpa-sexy pero yung kailangang matindi ang proyekto," aniya.

Ayon kay Atty. Manalo, may exclusive contract sa kanyang kompanya si Aleck kaya suportado niya ito.

Matagumpay ang pamamalakad ng Angora kaya walang sumesemplang na pelikula. Personal ding nangangasiwa si Atty. Manalo sa pre at post production ng kanyang mga pelikula. Kapag hindi siya satisfied ay pinare-reshoot nito ang mga eksena gaya nang nangyari sa Tampisaw. Ginagastusan din nito ang kanyang mga proyekto.

Nagbibigay din ito ng suhestyon sa direktor para mapaganda ang mga eksena at nagpupunta rin siya sa shooting gaya ng Hiram na inabot ng 18 days sa La Union.
Ram, Bagong Crush Ng Bayan
Ipinakikilala sa amin ni Lyn Madrigal ang gwapong bagets na si Ram Revilla na kasali sa Hiram. Gagampanan nito ang papel ng nakababatang kapatid ni Brandon Ramirez.

Panganay sa siyam na magkakapatid ang bagets na aktor at anak nina Senator Ramon Revilla at Genelyn Magsaysay. Panganay siya sa siyam na magkakapatid na may edad 14, 13, 12, 11, 9, 8, 7 at 4 years old. Lima ang lalaki at apat naman ang babae. Bata pa si Ram ay hilig na nitong mag-artista gaya ng kapatid na si Bong Revilla at pamangkin na sina Jolo at Bryan. Suportado naman siya ng action star sa pagpasok sa pelikula.

Nag-undergo ng acting workshop sa ABS-CBN si Ram kaya maasahan sa pag-arte. Balak siyang ilunsad sa pagiging ganap na bituin via Batang Mandirigma. Magaling ito sa aksyon at katunayan, nag-aral ng taekwondo at karate-aikido.

Kasalukuyan itong nag-aaral sa International Christian Academy sa Parañaque. Makakasama nito si Pops Fernandez sa isang teleserye sa Channel 7. Pangarap nitong makapareha si Maui David ng Talent Center at mainstay ng Ang TV.

vuukle comment

ALECK

ALECK BOVICK

ANGORA FILMS

BAGONG CRUSH NG BAYAN

BATANG MANDIRIGMA

BONG REVILLA

BRANDON RAMIREZ

HIRAM

MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with