^

PSN Showbiz

Alwyn vs Jolo bilang kapareha ni Shaina

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Rumatsada na naman ang hate campaign kay Claudine Barretto. Mula sa write-up, texting, hanggang sa internet ay katakut-takot na paninira ang inaabot niya.

Nagsimula ang hate campaign kay Claudine nang sunud-sunod ang achievements na tinatanggap niya. Mula sa kanyang mga hit movies, endorsements, acting nominations and the recent box-office queen award. Malinaw na may motibo ang ilang grupo to discredit Claudine. Pero bakit? At ano ang kanilang motibo?

Aware na ang kampo ni Claudine kung saang kampo nanggagaling ang mga paninirang ito. But they won’t be taking all these things sitting down. Kahit ang mga tagahanga ni Claudine ay hindi rin papayag na muling masira ito.

Sa kabila ng mga paninirang ito, matapang na hinaharap ni Claudine ang mga pagsabog. She continues to be strong and unaffected. Gagawin niya ang alam niyang nararapat. Magtatrabaho siya para sa kanyang mga tagahanga.

Pero hanggang kailan ang paninirang ito kay Claudine? Is Claudine getting the protection from ABS-CBN o Star Cinema? Sino ang nasa likod ng lahat ng ito?

Speaking of Claudine, bukas ay first taping day ng Buttercup, ang bago niyang programa sa ABS-CBN. Powerful ang cast nito na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Onemig Bondoc, Ciara Sotto at Assunta de Rossi.

Kakaiba ang Buttercup sa mga soap opera na nagawa ni Claudine noon. Hindi ito all-out drama. May halo itong comedy. Mala-Friends ang dramang ito kung saan may iba’t ibang karakter ang cast. Magsisimula na ito cometime ngayong buwan. Sina Keiko Aquino at Senedy Que ang mga writers nito at si Wenn Deramas ang direktor.
* * *
Gusto kong bigyang-daan ang isa sa napakaraming e-mails na natatanggap ko everyday. This time, mula naman kay Jenny More (buffy da librarian@hotmail. com) na isang avid admirer ng loveteam nina Alwyn Uytingco at Shaina Magdayao.

Dear Mr. Eric John Salut,

I am a fan of your column in Pilipino Star Ngayon dahil alam ko pong lagi n’yo kaming binabalitaan ng mga news about our favorite ABS-CBN talents. Gusto ko lang pong magtanong kung totoo ba na isasama si Shaina Magdayao sa movie ulit na gagawin ng Revilla family para po maging ka-loveteam ni Jolo Revilla? Kung ganoon po medyo nalulungkot ako dahil ako po ay isang die hard fan ng tambalan nina Alwyn at Shaina. Palagi po akong nanonood ng Bida Si Mister Bida Si Misis at Kay Tagal Kang Hinintay at ang mga guestings nila sa mga variety shows. Kung papayag po si Shaina na makasama sa mga movie ni Jolo, sana po makasama ni Shaina si Alwyn sa movie ng Star Cinema bilang magka-loveteam naman po. Kasi po I heard na magkasama nga po sina Alwyn at Shaina sa Ang Tanging Ina pero bilang magkapatid. Pakisabi po kina Alwyn at Shaina na marami kaming fans na kinikilig sa kanila at sumusuporta sa kani-kanilang projects individual man o magkasama sila.

Gusto ko nga po palang sabihin sa inyo na i-visit n’yo naman po ang site ng magaling na webmistress na si Louise ng unofficial KTKH site. Ito po ay sa http://www. kaytagalkanghinintay. cib.net maganda po itong site na ito at dedicated po sa mga KTKH fans sa buong mundo!!!
* * *
Another Star Circle 11 member na inaasahang pag-uusapan at sisikat ay si Dustin Reyes. Si Dustin ay bida sa isang softdrinks commercial na iniiyakan ang isang teleserye. Dun ay agad na pinag-usapan si Dustin. That also paved the way para mapansin siya at agad na kinuha ng ABS-CBN Talent Center para maging part ng training batch ng Star Circle.

Dahil impressive ang ipinapakitang performance sa training, opisyal nang kasama si Dustin sa new batch of Star Circle.

Habang kausap si Dustin, bigla kong naalala ang namayapang aktor na si Rico Yan noong nagsisimula pa lang ito. Napakahusay makipag-usap ni Dustin. Laking Amerika si Dustin. He is on his second year sa Ateneo de Manila University. Naging instructor din siya sa John Robert Powers at nagturo ng voice and acting for kids.

As early as now ay may mga projects na si Dustin. Kasama siya sa Sharon-Aga movie at First Romance nina John Prats at Heart Evangelista na parehong under Star Cinema. Kasama rin si Dustin sa Klasmeyts: Coed Na.

Sa May 25 ay mapapanood si Dustin sa ASAP Mania, kasama ang buong batch ng Star Circle 11.

Watch out for Dustin Reyes!
* * *
For your comments and reactions, you can email me at ericjohn [email protected]

vuukle comment

ALWYN

CLAUDINE

DUSTIN

DUSTIN REYES

SHAINA

STAR CINEMA

STAR CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with