^

PSN Showbiz

Angelika para konsehal ng Malabon

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May puso para sa mahihirap si Angelika dela Cruz kaya mahal ito ng mga tao sa Malabon lalo na ng mga kabataan. Katunayan, nang magpatayo ito ng mansyon sa kanilang lugar ay maraming nagtatanong kung bakit sa lugar na yon na binabaha pa niya piniling manirahan sa halip na sa mga sosing lugar. Simple lang ang naging sagot nito, "Ayaw kong iwan ang lugar na kinalakihan ko at minahal. Gusto ko ring makapaglingkod sa mga kababayan ko dito. Ilang ulit na siyang pinarangalan ng bayang ito sa pamumuno ng kanilang alkaldeng si Amado Vicencio bilang huwaran ng mga kabataan lalo na sa larangan ng sining at pagiging ulirang kabataang artista.

Kaya ngayon pa lang, may magaganda na siyang iniisip na proyekto para sa mga kabataan ng Malabon. Kung saka-sakaling maging lider siya ng kabataan, gusto ng aktres na maghain ng ordinansa para maisalba ang mga kabataang nalululong sa paggamit ng droga. Nais din niyang pahalagahan ng mga kabataan ang moral values.

Malakas ang kaway ng pulitika kay Angelika at gusto niyang patunayan na kung naging dedicated siyang artista ay pwede rin siyang gawing ehemplo ng mga kabataan lalo na sa pagiging public servant.

Ito ang dahilan kung bakit mapili ang magaling na aktres pagdating sa mga proyekto. Noon pa man ay marami na siyang natatanggap na offer para lumabas sa mga sexy movies pero piniling ma-maintain ang wholesome image bilang paghahanda sa pagpasok sa pulitika.

Hindi lang sa Malabon pinarangalan si Angelika bilang model youth awardee kundi gayundin sa showbiz gaya ng German Moreno Youth Achievement Award sa FAMAS at Parangal ng Bayan. Maaasahan si Angelika sa mga charitable projects sa kanilang lugar partikular na sa sports fest. Naniniwala kasi ito sa kasabihang "a healthy body is a healthy mind." Kaya malamang sa hindi ay tatakbo itong konsehal sa kanilang distrito sa darating na eleksyon.
FPJ-Jolina, Magsusyuting Na!
Malamang na simulan na next week ang syuting ng pelikulang pagsasamahan nila Fernando Poe Jr. at Jolina Magdangal. May working title na itong To Sir With Love o Si Sir at Ako. Katuparan ito nang matagal na pangarap ni Jolens na makasama si Da King sa pelikula.

Sa kabilang banda, gusto pala ni FPJ na makagawa ng tatlong pelikula sa taong ito.
Pagpapahalaga Sa Ina!
Noong Sunday ay ginawa kong ispesyal na araw ang Mother’s Day kung saan buong maghapon kong kapiling ang aking ina at ama. Sama-sama kaming tatlong nagsimba, namasyal sa Luneta para sa ehersisyo ng aking ama na na-stroke at ngayon ay nakakalakad na. Kumain kami sa labas at syempre para maipadama kung gaano siya kahalaga sa aking buhay. Nagbabakasyon lang siya sa amin.

I always find time kahit anong busy ko sa trabaho na mabigyan siya ng sapat na oras lalo na sa pakikipagkwentuhan na hilig niya gayundin ang regular na pagpunta namin sa parlor para magpa-dye, magpa-manicure, spa o kung anu-ano pa. Sinusuklian ko naman ang lahat ng kabutihan niya, pagmamahal at pag-aasikaso sa aming magkakapatid lalo na sa akin. Kahit may asawa na ako ay hindi pa rin ito nakakalimot na katukin ako sa kwarto para lang dalhan ng mainit na kape, tanungin kapag aalis na ng bahay kung saan ako pupunta, kung ano ang gusto kong ulam at kung anong oras ako darating. Higit sa lahat, kapag may problema ako ay sa kanya ko lang naidadaing ang bigat ng dibdib ko kung saan pilit niyang pakikinggan kahit inaantok na sa lalim ng gabi. O di ba, masarap ang may ina!
Blind Item: Ang Ingay Sa Loob Ng Eroplano
Nakasabay ko minsan sa pagsakay sa eroplano ang isang sikat na sexy star. Naka-shades ito at halos di makilala dahil wala siyang make-up at naka-walking shorts lang. Pero habang tulog at nagbabasa naman ang ibang mga pasahero sa eroplano ay walang ginawa ang aktres kundi makapagkwentuhan sa malakas na tinig at humahalakhak pa habang kausap ang kasamang babae. Maya-maya ay nakatulog ang sexy star habang tinitingnan ito nang matalim ng ibang mga pasahero.

vuukle comment

AMADO VICENCIO

ANG INGAY SA LOOB NG EROPLANO

ANGELIKA

BLIND ITEM

KUNG

MALABON

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with