Ready na ang ilong ni Allan
May 12, 2003 | 12:00am
Handang-handa na ang "Pambansang Ilong Ng Pilipinas" na si Allan K na maghatid ng sayat katuwaan sa darating niyang major concert sa Araneta Coliseum sa May 16 na The Big Nose @ The Big Dome.
Sa dami ng problemang dumarating sa bansa ngayon, magsisilbing gamot sa lahat ng ito ang gagawing concert ni Allan K na mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng concert ay katatawanan ang kanyang ihahatid sa manonood.
Hindi rin nawawala siyempre ang kaba sa komedyante. Subalit hindi rin nawawala ang excitement na nadarama niya ngayon.
"Normal lang naman na kabahan ako dahil malaking lugar ang Araneta. Basta ako, kung ano ang gusto ng mga tao, yon ang gagawin ko. Marami kasing sorpresa sa concert ko at malalaman nila yon once pumasok sila sa Big Dome," ani Allan.
Kaabang-abang kasi ang opening number ng concert ni Allan. Tampok ang tatlong Allan K Jr. na napili sa search na yon.
Of course, nandyan din ang production number niya with The Sex Bomb Singer and The Sex Bomb Dancers. May showdown na magaganap kay Allan at sa sikat na grupong ito.
Higit na katatawanan ang idudulot tiyak ng production number ni Allan kasama sina Aiai delas Alas at Arnell Ignacio. Naku, tayo pa lang sa stage, tiyak na iihit na ng tawa ang manonood.
Of course, inaabangan din ang presence ni Regine Velasquez sa palabas. Mag-comedy din kaya si Regine sa number niya with Allan?
At ang pangunahing number, syempre, exciting, dahil may number si Allan with the famous trio of Tito, Vic and Joey.
Aba, bigatin talaga ang kabuuan ng The Big Nose @ The Big Dome, di ba? Dapat lang dahil minsan lang sa buhay ni Allan K ang mag-concert sa Araneta Coliseum, di ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended