'Hindi ako galit kay Ara' - Aleck
May 12, 2003 | 12:00am
Sa isang one-on-one interview namin kay Aleck Bovick, ang best actress ng FAMAS, diretso niyang sinabi sa amin na hindi siya galit kay Ara Mina.
Hindi raw siya kay Ara nagtatampo, kundi sa mga taong nagpaniwala sa seksing aktres na ito ang nanalo sa botohan, kahit hindi naman.
"Pero nung kainitan po ng issue, I remember, may sinabi akong sagot sa kanya. Ang sabi kasi niya sa isang interview, e, makatulog daw sana ako ng mahimbing nung tanggapin ko ang best actress award, dahil hindi naman pala para sa akin yun.
"Ang sagot ko, e, nakatulog naman ako ng mahimbing dahil sa pagkakaalam ko, e, sa akin talaga ang award," nakangiting pahayag ng seksing aktres.
"Kahit ngayon, kapag nagkita kami, kaya ko po siyang pakiharapan nang maayos dahil hindi ko siya sinisisi sa mga sinabi niya about me.
"Natural lang namang maging ganun ang reaction niya, dahil may mga taong nagpaniwala sa kanya mula sa FAMAS na siya ang nanalo at hindi ako.
"Kahit naman po sa akin mangyari yun, siguro, e, ganun din ang magiging reaction ko. Dahil mga taga-FAMAS na mismo ang nagsasabi sa kanya na siya ang real winner at hindi ako.
"Kaya naiintindihan ko po ang mga naging comment niya noon, hindi po ako nagalit sa kanya, kahit nga sama lang ng loob, wala rin," mapagkumbaba pang paliwanag sa amin ni Aleck.
Nilinaw din ng dalaga ang kwento tungkol naman sa kanila ng kanyang manager na si Coco Simmo, dating assistant ng una niyang manager na si Ihman Isturco na napapabalitang karelasyon niya ngayon.
"Alam nyo yun? Si Kuya Coco kasi ang nakakaalam ng tunay na ako, kung sino ako, kung ano ang mga kahinaan ko.
"Siya ang takbuhan ko kapag depressed ako, siya ang nagpapayo sa akin kung ano ang dapat kong gawin, kaya siya talaga ang sinusunod ko at pinagkakatiwalaan.
"Kahit naman nung na kay Kuya Ihman pa ako, e, si Kuya Coco na talaga ang tumutulong sa akin, kaya lang, e, hindi siya pumupronta, si Kuya Ihman ang nakikita ng marami na nag-aasikaso sa akin.
"Pero totoo, ayaw na akong tulungan noon ni Kuya Ihman, hindi ko pa raw panahon, kaya yung ibang mga alaga niya muna ang inuna niya.
"Kaya kung tatanungin nyo ako, kung sino ang talagang nakatulong sa akin at dapat kong tanawan ng utang na loob, si Kuya Coco yun.
"May utang na loob din akong dapat na tanawin kay Kuya Ihman dahil maganda naman ang aming pinagsamahan, pero alam niya kung ano ang totoo," mahaba pang litanya ni Aleck.
Sa personal namang aspeto ay sinabi ni Aleck, maligaya siya ngayon dahil may isang taong nagpapaaliwalas ng kanyang kapaligiran, kulay rosas ang mundo ngayon para sa kanya, dahil minamahal din siya pabalik ng taong minamahal niya.
"Masarap kapag ganun, di ba? Yung hindi lang ikaw ang nagmamahal, kundi minamahal ka rin," sabi ni Aleck.
Nagpakadiretso kami, si Coco Simmo ba ang kanyang tinutukoy na mahal niya at minamahal din siya pabalik, at ang nagbibigay ng kulay sa kanyang mundo ngayon?
"Opo," diretso ang tingin sa aming mga mata na sabi ni Aleck Bovick.
Yun lang po.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended