Tex Ordoñez, bagong dream girl
May 11, 2003 | 12:00am
Sa mga palaging nanonood sa teatro, kilala na si Tex Ordoñez. Kailan lang ay isa siya sa tatlong gumanap na title roles sa stage musical na Dream Girls, na itinanghal sa Onstage sa Greenbelt, Makati.
Apat na weekends, 12 shows, tumagal ang musical at marami talagang humanga sa galing umarte at kumanta ni Tex.
Nagsimula siyang maging artista sa legitimate stage sa Tanghalang Pilipino sa Cultural Center of the Philippines. Dalawang taon siyang nahasa sa pag-arte doon sa maraming mga plays na tampok si Tex sa mga lead roles.
Buti naman at pumayag siyang makasama ng tenor na si Nolyn Cabahug sa pag-awit ng "Liwanagan Mo Hesus", isa sa mga kantang kasama sa "Mga Misteryo ng Liwanag" album na produced ni Jeanne Young for Universal Records.
Ang "Liwanagan Mo Hesus" ay sadyang sinulat ni Fr. Arnel Aquino, S.J., para sa album na papuri kay Hesus at Birheng Maria.
Ang mga tsismis na may mga artistang nagbubuntis, pangkaraniwan na lamang ngayon. Kayat mabasa man natin na buntis daw sina Kris Aquino at Jackie Forster, just one of those things. Bata pa naman sila at may lover kayat di kataka-takang magbuntis.
Magugulat ako kung sina Bella Flores at Madam Auring ang magdadalangtao. Hindi lang pang-front page ito, puwede pa sa Believe It Or Not!
Saka sa local showbiz, magpunta lang sa ibang bansa at tumagal doon ng ilang buwan, masisyete agad na buntis, nagtatago doon upang manganak.
Lalo pang mainit ang tsismis kung ang artista ay sa isang may asawa nakikipag-relasyon o kayay sa isang pulitikong pabling (may asawa o wala). Ganyan ka-rich ang mga politicians sa atin. They can afford na maggarahe ng babae at pwede pa nilang ipadala sa Tate para lang manganak.
Kung bibilangin natin ang mga aktres na may ganito nang karanasan, aba lampas na talaga sa mga daliri ng kamay... at baka pati sa mga paa.
Naalala ko tuloy ang isang pakulong charitable na Pamasko na ang tawag ay "Share A Toy". Simple lang ang ibig sabihin nito ibigay ang mga laruang di na ginagamit upang ipamahagi naman sa mga batang mahihirap.
Ngayon ang uso naman at tiyak hindi lang sa showbiz (ang mga taga-showbiz lang ang binibigyan ng importansya sa media sa mga bagay na ganito) ay "Share A Lover".
Sa pagre-review namin kung sinu-sinong mga sikat na personalities, marami rin naman palang "naghihiraman" ng ka-partner. Ganyan na talaga ang takbo ng panahon ngayon.
Di bat there was a time na iisa ang lover nina Madam Auring, Bella Flores at isa pang singer/businesswoman. Siempre ang pinakasalan ang pinaka-madatrils (madatung).
Kapag natunugan naman na bading ang isang aktor o tiboli ang isang aktres, talagang hindi papatahimikin. Patuloy na kakalambagin sa mga movie columns.
Higit kasing binibigyan ng halaga sa atin ang personalidad kaysa sa galing umarte o umawit. Dapat, ang ma-appreciate sana natin ang tunay na talento ng artista at hindi ang kanyang kasarian.
Tila wala ng karapatan ang mga badish at tiboli na sumikat sa showbiz dahil patuloy silang kinukuyog ng mga manunulat na higit pang madidilim na lihim ang tinatago, kaysa mga artistang tsinitsismis nila.
Kung may panahon kayo ngayong Linggo, pumunta sa Mothers Festival II ng Couples For Christ sa St. Benilde Hall ng La Salle Greenhills. Maaaring buong pamilya ang dumalo sa Gawad Kababaihan simula umaga hanggang hapon.
Bukod sa maraming mga lectures tungkol sa homemaking at mga ina, meron libreng palabas ang mga kasama sa "Mga Misteryo Ng Liwanag" album na magsisimula ng alas-2 ng hapon.
Puwedeng doon na kayo mag-celebrate ng Mothers Day. Libre pagkain pa!
Apat na weekends, 12 shows, tumagal ang musical at marami talagang humanga sa galing umarte at kumanta ni Tex.
Nagsimula siyang maging artista sa legitimate stage sa Tanghalang Pilipino sa Cultural Center of the Philippines. Dalawang taon siyang nahasa sa pag-arte doon sa maraming mga plays na tampok si Tex sa mga lead roles.
Buti naman at pumayag siyang makasama ng tenor na si Nolyn Cabahug sa pag-awit ng "Liwanagan Mo Hesus", isa sa mga kantang kasama sa "Mga Misteryo ng Liwanag" album na produced ni Jeanne Young for Universal Records.
Ang "Liwanagan Mo Hesus" ay sadyang sinulat ni Fr. Arnel Aquino, S.J., para sa album na papuri kay Hesus at Birheng Maria.
Magugulat ako kung sina Bella Flores at Madam Auring ang magdadalangtao. Hindi lang pang-front page ito, puwede pa sa Believe It Or Not!
Saka sa local showbiz, magpunta lang sa ibang bansa at tumagal doon ng ilang buwan, masisyete agad na buntis, nagtatago doon upang manganak.
Lalo pang mainit ang tsismis kung ang artista ay sa isang may asawa nakikipag-relasyon o kayay sa isang pulitikong pabling (may asawa o wala). Ganyan ka-rich ang mga politicians sa atin. They can afford na maggarahe ng babae at pwede pa nilang ipadala sa Tate para lang manganak.
Kung bibilangin natin ang mga aktres na may ganito nang karanasan, aba lampas na talaga sa mga daliri ng kamay... at baka pati sa mga paa.
Ngayon ang uso naman at tiyak hindi lang sa showbiz (ang mga taga-showbiz lang ang binibigyan ng importansya sa media sa mga bagay na ganito) ay "Share A Lover".
Sa pagre-review namin kung sinu-sinong mga sikat na personalities, marami rin naman palang "naghihiraman" ng ka-partner. Ganyan na talaga ang takbo ng panahon ngayon.
Di bat there was a time na iisa ang lover nina Madam Auring, Bella Flores at isa pang singer/businesswoman. Siempre ang pinakasalan ang pinaka-madatrils (madatung).
Higit kasing binibigyan ng halaga sa atin ang personalidad kaysa sa galing umarte o umawit. Dapat, ang ma-appreciate sana natin ang tunay na talento ng artista at hindi ang kanyang kasarian.
Tila wala ng karapatan ang mga badish at tiboli na sumikat sa showbiz dahil patuloy silang kinukuyog ng mga manunulat na higit pang madidilim na lihim ang tinatago, kaysa mga artistang tsinitsismis nila.
Bukod sa maraming mga lectures tungkol sa homemaking at mga ina, meron libreng palabas ang mga kasama sa "Mga Misteryo Ng Liwanag" album na magsisimula ng alas-2 ng hapon.
Puwedeng doon na kayo mag-celebrate ng Mothers Day. Libre pagkain pa!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended