Ronnie gustong maging 'Dayo' sa US!
May 9, 2003 | 12:00am
Hindi pa nahihimasmasan si Ronnie Ricketts sa masayang dalawang buwang bakasyon niya sa US kasama ang kanyang asawang si Mariz at dalawa nilang anak na babae. Kung hindi lamang siya kinakailangang bumalik para sa promosyon ng kanyang pelikula sa Maverick Films na pinamagatang Dayo ay baka hindi pa muna sila umuwi.
"Kinakailangang bumalik ako dun sa May 23 para sa isang big event na kung saan magsasama-sama ang mga producers at direktor sa US at lahat ng may kinalaman sa pelikula, mga taong makakatulong sa akin para maka-penetrate sa US market.
"Magkakaroon si Gary V. ng show dun para maipasok ang kanyang music, ako naman, I would like to try out there sa movies at TV. May mga tao nang tumutulong sa akin. They will all be there," ani Ronnie who is back to his old fighting form at 165 lbs. "I went up to 173 lbs. Ngayon, okay na sa akin ang weight ko although I need to work out para hindi ako ma-stress out," sabi niya.
Gustung-gusto ni Ronnie na mai-promote ang sports na arnis bilang isang form ng martial arts. "Kung ang mga Koreano ay kilala sa taekwondo, ang mga Hapones sa karate, ang mga Intsik sa kung-fu, ang mga Brazilians sa ju-jitzu at Thais sa boxing, walang dahilan para hindi natin mapasikat ang arnis, kailangan lamang siguro natin ang tulong ng ating pamahalaan," anang aktor.
Ang Dayo ay isang futuristic look after the third world war, nang ang mga namatay ay maituturing pang maswerte kaysa sa mga nabuhay. Si Ronnie ang bayani na naghahanap ng kanyang pamilya sa gitna ng mga labi ng digmaan. Kapatid niya si Angelica Panganiban. Romantic lead niya si Regine Tolentino.
Bukod sa pagiging bida ng pelikula, si Ronnie pa rin ang sumulat ng istorya at nag-direk ng pelikula.
Mula sa pagiging endorser ng Sprite, hanggang sa pagiging isa sa mga hosts ng Eat Bulaga, artista na rin sa pelikula ang 19 na taong gulang na si Toni Gonzaga. Kasama siya sa pelikula ni FPJ na pinamagatang Pakners. Isang malaking pelikula ito considering na isa pang hari ang kasama rito, si Efren "Bata" Reyes, ang hari ng bilyar. Magka-partner sina Toni at Oyo Boy Sotto.
Bukod sa Eat Bulaga, kasama rin siya sa soap opera na Habang Kapiling Ka, bilang isang singer na kapatid ni Angelika dela Cruz.
Sa tunay na buhay ay isang singer si Toni. Ang kanyang daddy at ang buo niyang lahi ay may interes sa musika. "Ang mga tito at tita ko ay nagko-conduct ng mga choirs. Ang daddy ko naman ay kumakanta rin.
"Sumali ako nun sa Star Search sa Channel 9 pero, natalo ako. Nag-audition ako at sumali sa Metropop 97, magka-batch kami ni Kyla," sabi niya.
Sa kabila nito, mayroon nang self-titled album si Toni sa Prime Music. Carrier song nito ay "Paano" na unang pinasikat ni Gary Valenciano.
Nasa second year siya sa Dominican School sa kursong MassCom major in Journalism. Gusto niyang maging isang writer balang araw. Isa rin siyang masipag na kagawad sa kanilang lugar sa San Isidro, Taytay.
"Kinakailangang bumalik ako dun sa May 23 para sa isang big event na kung saan magsasama-sama ang mga producers at direktor sa US at lahat ng may kinalaman sa pelikula, mga taong makakatulong sa akin para maka-penetrate sa US market.
"Magkakaroon si Gary V. ng show dun para maipasok ang kanyang music, ako naman, I would like to try out there sa movies at TV. May mga tao nang tumutulong sa akin. They will all be there," ani Ronnie who is back to his old fighting form at 165 lbs. "I went up to 173 lbs. Ngayon, okay na sa akin ang weight ko although I need to work out para hindi ako ma-stress out," sabi niya.
Gustung-gusto ni Ronnie na mai-promote ang sports na arnis bilang isang form ng martial arts. "Kung ang mga Koreano ay kilala sa taekwondo, ang mga Hapones sa karate, ang mga Intsik sa kung-fu, ang mga Brazilians sa ju-jitzu at Thais sa boxing, walang dahilan para hindi natin mapasikat ang arnis, kailangan lamang siguro natin ang tulong ng ating pamahalaan," anang aktor.
Ang Dayo ay isang futuristic look after the third world war, nang ang mga namatay ay maituturing pang maswerte kaysa sa mga nabuhay. Si Ronnie ang bayani na naghahanap ng kanyang pamilya sa gitna ng mga labi ng digmaan. Kapatid niya si Angelica Panganiban. Romantic lead niya si Regine Tolentino.
Bukod sa pagiging bida ng pelikula, si Ronnie pa rin ang sumulat ng istorya at nag-direk ng pelikula.
Bukod sa Eat Bulaga, kasama rin siya sa soap opera na Habang Kapiling Ka, bilang isang singer na kapatid ni Angelika dela Cruz.
Sa tunay na buhay ay isang singer si Toni. Ang kanyang daddy at ang buo niyang lahi ay may interes sa musika. "Ang mga tito at tita ko ay nagko-conduct ng mga choirs. Ang daddy ko naman ay kumakanta rin.
"Sumali ako nun sa Star Search sa Channel 9 pero, natalo ako. Nag-audition ako at sumali sa Metropop 97, magka-batch kami ni Kyla," sabi niya.
Sa kabila nito, mayroon nang self-titled album si Toni sa Prime Music. Carrier song nito ay "Paano" na unang pinasikat ni Gary Valenciano.
Nasa second year siya sa Dominican School sa kursong MassCom major in Journalism. Gusto niyang maging isang writer balang araw. Isa rin siyang masipag na kagawad sa kanilang lugar sa San Isidro, Taytay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended