^

PSN Showbiz

Mga magulang ni Cogie, pinatulan ang isyung ampon ito!

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Matagal nang usap-usapan sa showbiz ang pagiging ampon daw ni Cogie Domingo, nagpaliwanag na ang kanyang mga magulang tungkol sa isyu, pero ayaw pa ring mamatay ang kwento.

Sabi ng mga nagdududa ay malayo raw kasi ang itsura ni Cogie sa kanyang mga magulang, banyaga raw ang ama’t ina ni Cogie, at pinaaalagaan lang siya kina Atty. Rod Domingo at Mommy Zennie.

Pinagtatawanan lang ni Cogie ang kwentong ito. Nu’ng minsang kulit-kulitin siya sa isyu ay napilitan siyang sumagot ng, "Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng ibang tao, ang pinaniniwalaan ko eh ang feelings ko. Alam kong sila ang parents ko."

"At kung totoo ngang hindi sila ang real parents ko, hindi problema ’yun sa akin dahil minahal nila ako at mahal ko sila."

Pero iba ang nasulat nang lumabas na ang panayam sa kanya, nawala na ’yung mga una niyang pahayag, ang lumabas na lang na ginawa pang titulo ay ang bandang huli.

Natawa na lang ang gwapong binata dahil ang kanyang sinabi ay naputul-putol na at ang natira na lang na binago sa linya ay "Kahit hindi sila ang real parents ko, hindi problema sa akin ’yun, minahal nila ako at mahal ko sila."

Sabi ni Cogie, "Hindi po ganito ang pagkakasabi ko, bakit naging ganito na?"

Sa unang-unang pagkakataon, pagkatapos ng mga haka-hakang ampon lang si Cogie, ay nagpaunlak sa amin para sa isang eksklusibong panayam ang mga magulang ni Cogie Domingo.

"Ayaw na sana naming patulan ang kwento dahil hindi naman totoo, pero to set the record straight once and for all, sige, magpapa-interview na kami," sabi ng mommy ni Cogie na napaka-pribado ng personalidad.

Ang panayam namin sa mga magulang ni Cogie at sa mga taong magpapatunay ng tunay na ugat ng pinagmulan ng gwapong aktor ay mapapanood bukas sa Showbiz Sabado, alas 2:30-4:00 ng hapon sa ABS-CBN.
* * *
Napanood na namin ang Anghel Sa Lupa, ang bagong pelikula ng Regal Films na pinagbibidahan nina Cogie at Ms. Dina Bonnevie, sa direksyon ni Direk Jose Javier Reyes. Simple lang ang kwento nito pero punumpuno naman ng emosyon, dahil kwento ito ng isang responsable at mapagmahal na anak na nang mamatay ay namalagi pa rin sa lupa para patnubayan ang kanyang ina at kapatid.

Sa Anghel Sa Lupa ay kaluluwa na lang si Cogie sa kalagitnaan ng istorya, magkaibigan sila ng kaluluwa na ring si Jiro Manio, isang napakagaling na child actor.

Sa Mayo 21 na ipalalabas ang pelikula ng Regal, tapos na ang Mother’s Day, pero habang pinanonood mo ang obra ni Direk Joey ay parang Mother’s Day pa rin.

Kunsabagay ay Mother’s Day naman araw-araw, para sa mga anak at magulang na nagmamahalan, ang petsa ng Mother’s Day ay hindi na pinagtatalunan.

Maraming eksena sina Dina at Cogie na may dunggol sa puso, lalo na nu’ng kamamatay pa lang ni Cogie, ang sobrang pangungulila ng ina ay nabigyang hustisya ng aktres.

Kung hindi maagap si Cogie sa kanilang mga eksena ni Jiro ay may posibilidad na mapag-iwanan siya sa galing ng batang aktor, mabuti na lang at hindi lang gwapo ang binata kundi may baun-baon pang talento sa pagganap nang pumasok sa showbiz, kaya nagkomplimento ang kanilang pag-arte.

Mapuso ang Anghel Sa Lupa, simple lang ang takbo ng kwento ng pelikula, pero nasa simpleng pangyayari naman kasi ang sinseridad at katotohanan ng buhay.

Parang gusto mo nang umuwi agad para makasama ang nanay mo habang tinututukan mo ang Anghel Sa Lupa dahil sa relasyon ng mag-ina ang pinakabuod ng pelikulang ito.

ANGHEL SA LUPA

COGIE

COGIE DOMINGO

DIREK JOEY

DIREK JOSE JAVIER

JIRO MANIO

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with