^

PSN Showbiz

Aga Muhlach, na-infect ang mata

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Very concious ngayon si Aga Muhlach sa weight niya. Malaki-laki rin kasi ang itinaba ng actor dahil isang buwan siyang na-stock sa bahay kasi nga nagkaroon siya ng eye infection. Namula ang mata niya at sabi ng doctor, hindi siya pwedeng lumabas ng bahay for one month. Ang ending tuloy, wala siyang ginawa kundi mag-alaga ng kambal sa bahay, Atasha and Andres at kumain nang kumain. Lumalabas lang siya para sa taping ng OK Fine Whatever dahil pwede siyang mag-shade sa show. "Ang sarap pala no’ng nasa bahay ka lang. Talagang wala akong ginawa kundi kumain lang at mag-play with my twins," sabi ng actor na endorser ng PROMAC appliances na base sa survey ay biglang lumakas ang kanilang electric fan nang i-endorse ito ni Aga three years ago.

Ang nasabing eye infection din ang naging rason para ma-stop for a while ang shooting ng movie nila ni Sharon (Cuneta) titled Kung Ako Na Lang Sana under Star Cinema. Favorable naman ‘yun sa part ni Sharon dahil nakapag-concentrate siya sa promo ng movie nila ni Richard Gomez, Walang Kapalit. Pero kailangan niya munang magpapayat bago mag-resume ang shooting nila.

In any case, super cheap pala as in murang-mura ang PROMAC products. Imagine sa halagang P3,000 pwede ka ng makabili ng DVD na usually ay mga rich lang ang nakaka-afford. Sa hirap kasi ng panahon ngayon, hindi mo na maiisip bumili ng DVD player dahil saksakan ng mahal. Ito ang rason ni Aga kaya niya tinanggap ang nasabing endorsement dahil nga feeling niya, may karapatan ang common na tao na mag-enjoy din naman sa paggamit ng digital technology sa murang halaga. "Totoo naman na sa hirap ng buhay natin, parang ang hirap maglabas ng pera para lang makabili ng let say DVD nga," Aga said.

Actually, nag-start ang PROMAC sa electric fan lang pero ngayon, meron na rin silang TV, VCD, DVD among others.

One of these days, ilo-launch na ang bagong TV commercial ni Aga, ang PROMAC nga na pino-promote lahat ng kanilang produkto. Ang nasabing commercial ay isa sa kauna-unahang gumamit ng HDTV format, ang kaparehong format na ginamit para sa pelikulang Star Wars Episodes 1 and 2. Pinagsamang HDTV at computer graphics para sa background. Ang bagets na si Sid Maderazo ang nag-direk ng commercial.
*****
Sunud-sunod ang movie ni Emilio Garcia. Hindi pa man tapos ang showing ng Punla, nagi-start na siya ng panibagong pelikula, ang Rice Mill. Makakasama niya sa nasabing project si Gardo Versoza.

Magkapatid sila ni Gardo sa Rice Mill kasama ang kani-kanilang babae sa buhay na sina Anna Capri, Mona Lisa at Anita Linda. "Hindi lang ako basta magbo-bold sa pelikulang ‘to. Kaya excited ako sa shooting nito," Emilio said. Sa Bulacan sila kasalukuyang nagso-shooting.

Kasama rin sa movie sina Halina Perez and Allen Dizon under the direction of Joven Tan.
*****
FROM MY IN BOX

Dear Miss Asis,

Gusto ko lang mag-comment tungkol sa pagli-link kay Piolo Pascual kay KC Concepcion. Napanood ko ang 18th birthday ni KC na ipinalabas sa Channel 2. Sa song number nina Piolo at Jericho na "The Way You Look Tonight," it was very obvious na may gusto si KC kay Jericho with the way she looked at him. Pero si Jericho ay tinutukso naman si Piolo kay KC. Maybe because alam ni Jericho na alangan siya kay KC. He is an unwed father, hindi nakatapos ng pag-aaral and he belongs to a very simple family unlike KC. Hindi ko minamata si Jericho but we have to accept it, that’s the reality. But I believe hindi rin bagay si Piolo kay KC. Pareho lang sila ni Jericho na unwed father. Nagpa-paternity test pa siya to find out kung kanya talaga yung bata. This means pumapatol siya sa indecent girls. Malakas lang ang loob niya na ligawan si KC. KC deserves a guy like Billy Crawford. Every inch a gentleman and a person every parent or in-law will be proud of.

Just an opinion.

[email protected]
*****
Salve V. Asis’ e-mail [email protected]/[email protected]

AGA MUHLACH

ALLEN DIZON

ANITA LINDA

ANNA CAPRI

ASIS

LANG

PIOLO

RICE MILL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with