John E., di ligtas sa quarantine!
May 4, 2003 | 12:00am
Babalik na sa Masayang Tanghali, Bayan si John Estrada, mula sa kanyang dalawang linggong bakasyon sa Canada kung saan nandun si Vanessa del Bianco.
Mahigit na isang linggo pang namahinga si John bilang pagtugon sa advisory ng ABS-CBN na sinumang taga-Dos ang nanggaling sa mga bansang sangkot ang pangalan sa mapamuksang SARS ay kailangang sumailalim sa quarantine.
Walang sinisino ang Dos, kahit ang kanilang mga ehekutibo ay kailangang sumailalim sa kautusan, maraming field reporters na rin ng News and Current Affairs ang dumaan sa kuwarentenas dahil maraming tao ang maaapektuhan kung hindi sila susunod.
Para nga naman maiwasan ang takot at kawalan ng kakomportablehan ay pumayag naman si John sa gustong mangyari ng istasyon, sa susunod na Sabado na siya magre-report sa MTB, para wala nang argumento pa.
Masaya ang tropa ng MTB ngayon dahil unti-unti na nilang nakikita ang bunga ng matindi nilang pagsisikap na mapaganda ang noontime show. Nitong mga huling linggo ay naging maganda ang rating ng programa.
"Salamat, salamat, dahil nakikita naming may resulta ang pagsisipag at pagsisikap na ginagawa ng aming staff, masarap makitang masasaya ang staff, tulong-tulong kasi ang lahat para sa ikagaganda ng show," sabi ni Willie Revillame.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended