Joey Generoso, may album na di kasama ang Side A!
May 2, 2003 | 12:00am
Hindi ako nagkamali nang pagkilala sa boses ni Joey Generoso, ang vocalist ng Side A sa kantang "Endless Road". Usually kasi after the song, sinasabi kung sino ang singer. Pero sinadya pala talaga ng Galaxy Records na hindi pangalanan para maging curious ang mga tao sa kanta. Nag-click ang idea sa mga listeners bukod pa sa talaga namang maganda ang kanta.
Pero ako, hindi ako nagdalawang isip na si Joey nga yung singer. Familiar na sa akin ang boses ni Joey dahil na rin sa rami ng hit songs na kinanta nito.
Wala namang dapat ikabahala ang fans ng Side A dahil hindi naman ibig sabihin nito ay may solo album na si Joey at hihiwalay na siya sa grupo. Talaga namang maraming singers ang gusto siyang maka-duet. Katulad nina Sharon Cuneta, Zsazsa Padilla, Pops Fernandez at marami pa. Pero never na iniwan ni Joey ang Side A. Originally ang album ni Joey na "Project A" ay ilalabas sana sa Japan pero na-shelve ang proyekto. At ngayon lang taong ito na-release ang album sa bansa.
Ang "Project A" ay naglalaman ng walong kanta at ang dalawa dito ay "Endless Road" at "One Last Night". Intact pa rin ang Side A, katunayan ay marami silang gigs ngayon buwan ng Mayo hanggang July dahil sa kanilang Crossover Drive. Ngayong gabi ang kick off ng kanilang Crossover Drive na gaganapin sa Central Plaza of Eastwood City Walk.
Alam ba nyong panay ang rehearsal ng grupong Power Four na kinabibilangan nina Greg Martin, Jordan Herrera, Jay Salas at Frank Garcia. Itoy bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na self-titled album launching.
Pinag-isipan at binusising mabuti ang album ng grupo. Kung matatandaan, unang nakilala ang grupo sa isang commercial jingle ng isang deodorant.
Ngayon pa lang ay excited na ang grupo kaya naman araw-araw na silang nagi-ensayo, hindi lang ng mga kanta nila sa album kundi maging ng mga dance steps nito. Sa kabila ng kanilang kaabalahan sa album, naisisingit pa rin ng apat ang pagwo-work-out. Pero ang ikinatutuwa ng Universal Records na producer ng kanilang album ay walang reklamong naririnig sa kanila.
Pero ako, hindi ako nagdalawang isip na si Joey nga yung singer. Familiar na sa akin ang boses ni Joey dahil na rin sa rami ng hit songs na kinanta nito.
Wala namang dapat ikabahala ang fans ng Side A dahil hindi naman ibig sabihin nito ay may solo album na si Joey at hihiwalay na siya sa grupo. Talaga namang maraming singers ang gusto siyang maka-duet. Katulad nina Sharon Cuneta, Zsazsa Padilla, Pops Fernandez at marami pa. Pero never na iniwan ni Joey ang Side A. Originally ang album ni Joey na "Project A" ay ilalabas sana sa Japan pero na-shelve ang proyekto. At ngayon lang taong ito na-release ang album sa bansa.
Ang "Project A" ay naglalaman ng walong kanta at ang dalawa dito ay "Endless Road" at "One Last Night". Intact pa rin ang Side A, katunayan ay marami silang gigs ngayon buwan ng Mayo hanggang July dahil sa kanilang Crossover Drive. Ngayong gabi ang kick off ng kanilang Crossover Drive na gaganapin sa Central Plaza of Eastwood City Walk.
Pinag-isipan at binusising mabuti ang album ng grupo. Kung matatandaan, unang nakilala ang grupo sa isang commercial jingle ng isang deodorant.
Ngayon pa lang ay excited na ang grupo kaya naman araw-araw na silang nagi-ensayo, hindi lang ng mga kanta nila sa album kundi maging ng mga dance steps nito. Sa kabila ng kanilang kaabalahan sa album, naisisingit pa rin ng apat ang pagwo-work-out. Pero ang ikinatutuwa ng Universal Records na producer ng kanilang album ay walang reklamong naririnig sa kanila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 29, 2025 - 12:00am