^

PSN Showbiz

Show ni Tessie mago-goodbye na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Hindi pa naman totally naki-kick out ang bold star na si Belinda Bright sa St. Benilde. Pero totoong tumawag sa house nila ang isang dean ng La Salle na hindi naman niya alam ang name. Maid lang nila ang nakausap at sinabi raw na mag-return call siya. Pero hindi na siya nag-return call kaya hindi niya rin alam kung anong objective ng tawag ng kanyang pinapasukang eskuwelahan.

In coming third year sana siya sa St. Benilde — taking up Multi Media Arts. Kaya lang, naging busy siya sa movie career niya kaya nag-file siya ng leave of absence para makapag-concentrate sa career niya. "Actually, once na hindi na ako busy, anytime puwede akong bumalik sa school," she said in an interview last Tuesday night para sa latest project niyang Ang Kapitbahay with Albert Martinez and Joel Torre.

In any case, kung sa Sssh… She Walks by Night may itinago pa siya, sa Ang Kapitbahay nag-all the way na siya as in ilang beses siyang nag-frontal ng walang plaster. At sobrang dami rin daw ng lovescene nila ni Albert and Joel.

Anyway, matagal-tagal din bago nag-decide ang Imus Productions na kunin si Belinda ng movie production ng mga Bautista. Marami-rami rin kasing pinagpilian dahil kung sinu-sino na lang ang bold star ngayon. "Kaya nga gusto kong mag-concentrate muna sa promo nito bago uli ako tumanggap ng bagong project," she said.

Kasama ni Belinda sa movie ang equally controversial na new bold star - si Michelle Estevez na nagkalat ang bold photo sa internet na nakunan daw sa isang party. Ayaw i-deny or i-admit ni Michelle. Si Michelle rin ang sinasabi ngayong ang babaeng may pink nipples.

Consistent ang Imus Productions sa box-office success ng ginagawa nilang pelikula. Una ang Kilabot at Kembot starring Bong Revilla and Assunta de Rossi, Ang Galing-Galing Mo Babes starring Joyce Jimenez and last movie nga nila ang Agimat na nag-no. 1 sa Metro Manila Film Festival last year na nag-launch sa career ni Jolo Revilla. "Kaya nga medyo kinakabahan ako kasi very high ang expectation nila," she avers.

Wala rin muna sa vocabulary ni Belinda ang boyfriend dahil din sa career.
* * *
As expected dinagsa ng die hard Judy Ann-Piolo ang premiere night ng Till There Was You last Tuesday night sa SM Megamall. Masyado talagang na-excite ang mga fans ng dalawa kaya maaga pa lang, nagsisiksikan na sila sa pagpasok sa mga sinehan sa Megamall.

Kahapon, Wednesday ang regular showing ng Till There Was You.
* * *
Malaki pala ang possibility na any moment ay mag-goodbye na rin sa ere ang Teysi. Inilipat kasi ito sa mas maagang timeslot — 8:00 a.m., sino nga naman ang manonood no’n kahit pa anong ganda ng episode? Besides mga bata ang gising sa ganoong oras para pumasok sa eskuwelahan.

Cartoons ang ipinalit sa timeslot na iniwan ni Aling Teysi.

Ka-back-to-back ng Morning Girls with Kris and Korina ang Teysi bago inilipat sa mas maagang timeslot. Originally kasi, ang Teysi ang itatapat sa Kris after nang naunang Morning Girls. Eh biglang na-extend ang show nila Kris and Korina dahil nag-click nga ang team-up nila kaya biglang nawala sa eksena si Tessie Tomas.
* * *
Ayaw pa ring magbigay ng statement ni Ms. Susan Roces sa usap-usapang decided na si Fernando Poe Jr. na tumakbong presidente sa 2004 elections. Ayon sa dating movie queen na nakausap namin sa birthday blow-out ng Vera Perezes para kay Tito Ricky Lo of Philippine Star and The Buzz and Mr. Lhar Santiago last Saturday night, mas busy si FPJ sa pelikula.

Speaking of birthdays, dumating din sa nasabing blow out si Jinggoy Estrada, Phillip Salvador, Rudy Fernandez, Andrea Bautista, Paul Cabral, Ethel Ramos, Dolor Guevarra, June Rufino, Direk Boots Plata, Mayor and Mrs. Toby Tiangco and many more.

As usual, sobrang sarap ng food na prenipare ni Manay Ichu Maceda with Mrs. Gina de Venecia.

ANG KAPITBAHAY

BELINDA

IMUS PRODUCTIONS

KAYA

KRIS AND KORINA

MORNING GIRLS

NAG

ST. BENILDE

TEYSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with