KC, mas gustong maging direktor kaysa artista!
April 30, 2003 | 12:00am
Kahit saang anggulo tingnan si KC Concepcion ay talagang napakaganda.
Isa sa pangarap nito ay makapagtapos ng kurso na nauukol sa media kaysa magtrabaho sa opisina.
Mas gugustuhin pa nitong maging isang magaling na direktor kaysa maging artista.
Isa pang wish ni KC ay makita at makausap nang personal ang idolong si Janet Jackson.
Napanood na niya ang concert nito noong bata pa siya.
Kahit magaling siyang kumanta ay hindi pa ito handa na maging isang recording artist.
In demand ngayon si Patricia Javier sa mga concerts sapul nang mag-shower sa kanyang unang concert. Nalagay pa nga siya sa kontrobersya nang tutulan ng mga kababayan niya na magdaos siya ng show sa kanilang lugar pero sinalo naman siya ng mga taga-Marikina.
Pero, na-realize ng aktres na kapag natuloy ito ay lalaki ang kanyang gastos dahil kailangang umarkila ng maraming silya. Isa pa, paano kung umulan? Open space ang lugar.
Nag-decide na lang si Patricia na idaos na lang ang birthday concert niya sa Music Museum sa Mayo 16. Nag-iisip pa ito kung gagawing libre ang entrance fee dahil kaarawan naman niya.
Nagkita uli kami ni Francis Enriquez na nagbalik na naman sa pagiging bold actor. For a time ay naging publicist ako nito nang ginawa itong singer ng dating manager na si Jameson Sy sa pangalang Franz Llanes. Magpapalit sana ito ng imahe dahil gustong kumalawa sa pagbu-bold. Hiwalay na sila ng dating manager kaya nagbalik-bold na naman ito.
Inamin ng aktor na ngayon ay nakakahinga na siya nang maluwag at nakakakilos ng malaya dahil wala ng relasyon na sumasakal sa kanya.
Nagkasunud-sunod ang pelikula nito hanggang magtungo ng Japan for a show dahil magaling naman siyang kumanta. Kahit paano ay nakaipon ito ng konti bukod pa sa suportang ipinadadala ng kanyang ina na nasa Amerika. May hinuhulugang lupa ito sa Fairview.
Bida si Francis sa pelikulang Kikay ng El Niño Films katambal si Maye Tongco. Gagampanan nito ang role ng isang mayamang lalaking nagkagusto sa isang tindera ng kikiam. Maraming maiinit na eksena sina Francis at Maye na ginawa sa isang tent na malapit sa beach.
Freelancer ang aktor at ika-anim na pelikula na itong nagawa niya kay Mila Pascual. Sinabi ni Francis na hindi naman masamang mangarap pero someday umaasa ito na makakuha ng acting award sa paglabas sa matinong proyekto. Paborito nitong direktor sina Marilou Diaz Abaya at Joel Lamangan.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring aminin ng guwapong sexy actor na naging karelasyon nito ang isang napakayamang bading. Laging sinasabi nito na magkaibigan lang sila. Ito yong ibinabalita ring gay benefactor ng sexy aktor.
Pero kahit ilihim niya ay walang maniniwala dahil minsan ay inimbitahan ang mga kaibigan sa lalawigan ng bading na kasama ang isang malapit na reporter. Ang sweet-sweet ng dalawa at open ito sa kanilang relasyon ayon sa kapatid sa hanapbuhay.
Kaya pala dumating noon sa punto na namuhay sa luho ang sexy actor na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakante sa paggawa ng mga bold movies.
Isa sa pangarap nito ay makapagtapos ng kurso na nauukol sa media kaysa magtrabaho sa opisina.
Mas gugustuhin pa nitong maging isang magaling na direktor kaysa maging artista.
Isa pang wish ni KC ay makita at makausap nang personal ang idolong si Janet Jackson.
Napanood na niya ang concert nito noong bata pa siya.
Kahit magaling siyang kumanta ay hindi pa ito handa na maging isang recording artist.
Pero, na-realize ng aktres na kapag natuloy ito ay lalaki ang kanyang gastos dahil kailangang umarkila ng maraming silya. Isa pa, paano kung umulan? Open space ang lugar.
Nag-decide na lang si Patricia na idaos na lang ang birthday concert niya sa Music Museum sa Mayo 16. Nag-iisip pa ito kung gagawing libre ang entrance fee dahil kaarawan naman niya.
Inamin ng aktor na ngayon ay nakakahinga na siya nang maluwag at nakakakilos ng malaya dahil wala ng relasyon na sumasakal sa kanya.
Nagkasunud-sunod ang pelikula nito hanggang magtungo ng Japan for a show dahil magaling naman siyang kumanta. Kahit paano ay nakaipon ito ng konti bukod pa sa suportang ipinadadala ng kanyang ina na nasa Amerika. May hinuhulugang lupa ito sa Fairview.
Bida si Francis sa pelikulang Kikay ng El Niño Films katambal si Maye Tongco. Gagampanan nito ang role ng isang mayamang lalaking nagkagusto sa isang tindera ng kikiam. Maraming maiinit na eksena sina Francis at Maye na ginawa sa isang tent na malapit sa beach.
Freelancer ang aktor at ika-anim na pelikula na itong nagawa niya kay Mila Pascual. Sinabi ni Francis na hindi naman masamang mangarap pero someday umaasa ito na makakuha ng acting award sa paglabas sa matinong proyekto. Paborito nitong direktor sina Marilou Diaz Abaya at Joel Lamangan.
Pero kahit ilihim niya ay walang maniniwala dahil minsan ay inimbitahan ang mga kaibigan sa lalawigan ng bading na kasama ang isang malapit na reporter. Ang sweet-sweet ng dalawa at open ito sa kanilang relasyon ayon sa kapatid sa hanapbuhay.
Kaya pala dumating noon sa punto na namuhay sa luho ang sexy actor na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakante sa paggawa ng mga bold movies.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended