^

PSN Showbiz

Si Piolo ba ang dahilan ng pagpapaganda ni Juday?

-
Kahit paulit-ulit pang sabihin ni Judy Ann Santos na hindi siya nagnanasa kay Piolo Pascual, ang kanyang leading man sa pelikula ng Star Cinema na pinamagatang Till There Was You ("Pinagnanasaan na siya ng lahat ng klase ng gender, tapos hahalo pa ako? Isa pa magkaibigan ang mga moms namin," sabi niya) ang malaking panahon na iniuukol niya sa pagpapaganda ng kanyang sarili ay hindi mapasusubalian.

Para saan ba kundi para kay Piolo ang ginagawa niyang pagsasanay sa martial arts, ang muay thai, na kahit madaling araw ay ginagawa niya mga 3-4 times a week?

Ang pagpapaganda, ang pagpapakulay ng buhok na hindi lamang isa kundi apat na kulay pa ang pinaghahalo para makuha ang desired color na gusto niya. Wala ba siyang pinaglalaanan nito?

Pati nga gatas sa halip na inumin niya ay ipinapahid na niya sa mukha para lamang kuminis ito. "Nabasa ko ito sa isang libro. Sinubukan ko at effective naman. Ever since cold milk na ang inilalagay ko sa mukha ko," amin niya.

Just recently, nagpagupit siya ng buhok, isang napaka-ikling style na bumagay sa kanya at lalong nagpatingkad sa kanyang beauty.

At age 24, paulit-ulit na sinasabi ni Juday na hindi na siya naghahanap ng boyfriend.

"Nun sigurong mga age 21-22 ako, aaminin ko ito pero, di na ngayon, ini-enjoy ko na lang ang buhay ko. Kung may magkagusto, okay lang pero, hindi na ito gaanong importante sa akin," sabi niya.

Pero, inamin niya na gusto niyang maging tatay ng anak niya ang isang katulad ni Piolo, kundi man si Piolo na.

"Aba, di masama, gaganda ang lahi ko. Napaka-ideal man din niya dahil responsable siya at napaka-hard working," dagdag pa ni Juday.

But although, binibigyan ng lahat ng importansya ang pagpayag niyang gumawa ng steamy scenes opposite Piolo sa Till There Was You na hindi niya ginawa ni minsan, binigyan na ito ng kulay at gaano man ito itanggi ni Juday, wala nang naniniwala sa kanya. Lalo na nang sabihin niya na kay Piolo lang siya papayag na gumawa ng ganitong eksena.

"Totoo naman ito. Hindi ako magiging komportable sa iba. Baka mailang pa ako, pero, kay Piolo, wala akong naramdamang takot. Masyado na kaming maraming bagay na ginawa together para ang ganitong eksena ay tanggihan pa namin. Inuulit ko trabaho lang ito," sabi niya.

Ang Till There Was You ay nasa direksyon ni Joyce Bernal –VRS

vuukle comment

JOYCE BERNAL

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

NIYA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with