^

PSN Showbiz

Yda Manzano may international movie

-
Ang Gamo-gamong Dagat ng Regal Films at Sa Iyong Mga Haplos ng World Arts Cinema ay ilan lang sa mga pelikula ni Yda Manzano. Siya ang dating Miss Mandaue City ng Cebu na kilala bilang Rosa May Puliquit ng mga Cebuano.

Sa kanyang pagbabalik ay napanatili niya ang kanyang kagandahan at kaseksihan kaya marami ang nabibigla sa kanya ngayon.

"Sadya talaga sigurong nasa mundo ng showbizness ang buhay ko. Ang laki ng tuwa ko ngayon dahil ang daming blessings ang dumating sa akin, dahil nasa Viva Films na ako ngayon ay tutulungan ako ni Boss Vic del Rosario sa aking pagbabalik. Kasama rin ako sa mga fashion shows ng Viva Hot Babes at ang dami ko ngayong provincial shows," sambit ni Yda.

Nawala pansamantala si Yda dahil ito ay nagpahinga at nagtrabaho sa abroad pero ngayon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik. Maswerte rin siya dahil sa dinami-dami ng artistang nag-audition sa isang international film ay nakuha pa rin niya ang isa sa mga lead character roles sa pelikula. Sadyang maswerte talaga ang taong 2003 kay Yda.

vuukle comment

BOSS VIC

MISS MANDAUE CITY

REGAL FILMS

ROSA MAY PULIQUIT

SA IYONG MGA HAPLOS

VIVA FILMS

VIVA HOT BABES

WORLD ARTS CINEMA

YDA

YDA MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with