^

PSN Showbiz

Morning Girls mas maraming following

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Hanggang ngayon ay malaking issue pa rin pala ang tungkol sa pagkapanalo ni Aleck Bovick sa FAMAS as best actress. Napanood ko last Sunday ang interview ni Boy Abunda sa The Buzz kay Aleck. Umiiyak pa siya at parang wala namang planong isoli ang trophy dahil deserving naman daw siya sa kanyang napanalunan.

Sabi naman ng presidente ng FAMAS, nakakuha raw si Aleck ng nine votes and eight votes naman si Sharon Cuneta kaya talagang si Aleck ang totoong winner.

Sabi nga ni Boy sana raw tuldukan na ang nasabing issue dahil tapos na ‘yun at wala na tayong magagawa. Kahit pa sabihing nagkaroon daw ng bayaran na $5,000 na ayon sa kwento-kwento ay si Mr. Charlie Arcega lang daw ang kinausap dahil pupunta na nga ito sa US after his term as FAMAS president at doon daw niya gagamitin ang nasabing pera, hayaan na lang natin.

Kung totoo ngang may money na involve, Diyos na lang ang bahala kung sino ang nakatanggap no’n.
*****
Akala ko, namalikmata lang ako last Sunday kay Martin Nievera. ‘Yun pala totoong nasa SOP siya. At kasama ang concert king sa Back-to-Back-to-Back portion with Gary Valenciano ng nasabing show. Nagkainteres tuloy akong manood dahil nga imagine kasama nila sa nasabing portion sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Lani Misalucha and Jaya.

Syempre nga naman, sinong panonoorin mo, singing contest sa ASAP Mania o sina Regine, Martin, Gary, Ogie, Lani and Jaya? Siyempre, do’n ka na sa totoong singer.

Next Sunday daw nasa SOP pa rin si Martin. Si Pops kaya, lalabas din sa SOP? Mapako kaya ang pangako niyang never siyang lalabas sa katapat ng iniwanan niyang show?
*****
Sa isang informal survey thru text messaging - kung sino ang no. 1, Morning Girls or Sis, win ang Morning Girls hosted by Korina Sanchez and Kris Aquino, MG got 41 votes, samantalang 32 naman ang Sis.

Maraming nag-reply na nagsasabing mas pinapanood nila ang Morning Girls. Ayon sa isang sender - Morning Girls pa rin ang no. 1 with Korina and Kris, ang galing. Wala pa ring tatalo sa ABS-CBN." sender - 0916-3330282.

Sabi naman ni Fe Almeda ng Block 14 lot 14, Poland Street, Southville, Biñan, Laguna (0917-5411370), mas gusto niya ang Morning Girls.

Pero marami rin namang loyal followers ang Sis - "Mas gusto ko ang Sis kasi mas exciting ang topic nila." - Joe of Antipolo City (0916-4027205).
*****
From My In Box

Dear Salve Asis,


Gusto ko lang pong mag-comment d’on sa column n’yo kung sino ang tunay na number one sa Morning Girls at Sis.  Sa palagay ko ay Morning Girls kasi alam naman nating lahat na hindi mag-iingay si Ms. Kris Aquino kung hindi talaga sila number one. Si Kris pa eh taklesa talaga siya.  Sa totoo lang po mas maganda naman talaga ang MG kesa sa SIS.  Sa SIS kasi di marunong mag-interview at parang laging tinatamad ang host kahit napakaganda ng topic at mga panauhin.  Sa MG kasi magaganda ang topic at ang mga guest mga bigatin at kung di interesado yung mga bisita minsan nagiging interesante tuloy dahil sa kagalingan ng mga hosts na sina Ms. Kris Aquino at Ms. Korina Sanchez.

Maiba naman ako alam n’yo po bang talagang nag-improve ang Masayang Tanghali Bayan.  Mas gumanda yung mga portion at talagang napakasayang panoorin.  Sa totoo lang po, maraming nakapagsasabi sa akin na kaya nanonood sila ng Eat Bulaga ay dahil lang sa Sex Bomb dancers.  Kaya kung ako sa MTB i-build-up nila ng husto ang Gee Girls dahil sa totoo lang mas magaganda sila kesa sa Sex Bomb. Yun lamang po at maraming salamat.

Joey

ALECK

ALECK BOVICK

GIRLS

LANG

MORNING GIRLS

MS. KRIS AQUINO

NAMAN

SABI

SEX BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with