Nikki, itinatago ang bf
April 29, 2003 | 12:00am
Umaani na ng following ang mga contestants ng "Star In A Million" ng ASAP Mania. Mula sa apat na orihinal na contestants ay na-trim down na ito sa dalawa. Retained ang dalawang finalists na sina Christian Bautista at Sarah Adame. Next Sunday ay malalaman kung sino ang magwawagi between the two. Nasabi namin ito dahil inulan kami ng emails mula sa mga followers ni Christian. They are requesting na i-feature namin si Christian. Si Christian din ang nagi-emerge na winner ng texters choice dahil every Sunday ay siya ang nakakakuha ng pinakamaraming texts.
Naalala tuloy namin si Divo Bayer, ang "Star Quest" finalist ng Magandang Tanghali Bayan na nagkaroon din ng following dahil sa kanyang stint sa nasabing noontime show. Si Divo ang kumanta ng theme song ng "Ngayong Nandito Ka", ang hit movie nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa under Star Cinema.
Kung sinuman ang ma-retain between Christian and Sarah, malinaw na pasok siya sa grand finals. Another batch of four ang magku-compete sa darating na Sunday.
Marami rin ang nagagandahan sa theme song ng "Star In A Million" na kinanta ni Zsazsa Padilla. Ang alam namin, si Soc Villanueva ang nag-compose nito at si Homer Flores (ang musical director ng ASAP Mania) ang nag-arrange.
Sa mga nagri-request na i-feature namin si Christian, well try to interview him kapag nagkaroon na kami ng pagkakataon. Aabangan namin kung si Christian ang kauna-unahang finalist ng pinag-uusapang singing search ng ASAP Mania.
Nag-react si Nikki Valdez sa naisulat namin about her rumored boyfriend. Sinita kami ni Nikki kung sino ang source namin. May pakiusap si Nikki sa amin. Huwag na naming i-touch ang tungkol sa background ng guy.
"Eric John, please lang. He is not a showbiz person. He is a very private guy and I respect his and his familys privacy. In time, makikilala nyo rin siya. Sa ngayon, I just hope and ask for your understanding. I want my lovelife to remain private muna," pakiusap sa amin ni Nikki.
Ang ikinaloka ni Nikki, ibang tao pa ang nagtanong sa kanya about the guy. It was only then na humanap siya ng kopya ng PSN para mabasa ang isinulat namin.
Ayaw kong may artistang nagtatampo sa akin kaya for the mean time, pagbibigyan ko ang pakiusap ni Nikki not to touch about it. Nangako naman ito sa inyong lingkod kapag tamang panahon na ay makikilala namin ang guy.
Dalawang loveteams ng ABS-CBN ang nakatakdang i-launch ng Star Cinema ngayong taon. Nagsimula nang mag-shooting sina John Prats at Heart Evangelista ng launching movie nila, ang First Romance under Star Cinema. Sina John at Heart ang tinatayang next important loveteam ng ABS-CBN.
Si Gilbert Perez, (direktor ng Berks) ang naatasang mag-direk ng pelikula na balita namin ay isu-showing in August. Si Direk Gilbert is the same director ng Kahit Isang Saglit at Jologs.
Sa June ay gigiling na rin ang kamera sa launching movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Si Don Cuaresma ang magdidirek nito. Bale ito ang debut film directorial ni Direk Don na siya ring direktor ng Kay Tagal Kang Hinintay.
O ayan, may update na ang mga John-Heart at John Lloyd-Bea fanatics sa kanilang mga idolo.
Ngayong gabi ay may advanced screening ang Till There Was You nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa Cinemas 9 and 10 ng SM Megamall. Bukod kina Juday at Piolo, kumpletong darating ang cast ng movie at direktor na si Bb. Joyce Bernal.
Available ang tickets sa sinehan mismo.
For your comments and reactions, you can e-mail me at: [email protected].
Naalala tuloy namin si Divo Bayer, ang "Star Quest" finalist ng Magandang Tanghali Bayan na nagkaroon din ng following dahil sa kanyang stint sa nasabing noontime show. Si Divo ang kumanta ng theme song ng "Ngayong Nandito Ka", ang hit movie nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa under Star Cinema.
Kung sinuman ang ma-retain between Christian and Sarah, malinaw na pasok siya sa grand finals. Another batch of four ang magku-compete sa darating na Sunday.
Marami rin ang nagagandahan sa theme song ng "Star In A Million" na kinanta ni Zsazsa Padilla. Ang alam namin, si Soc Villanueva ang nag-compose nito at si Homer Flores (ang musical director ng ASAP Mania) ang nag-arrange.
Sa mga nagri-request na i-feature namin si Christian, well try to interview him kapag nagkaroon na kami ng pagkakataon. Aabangan namin kung si Christian ang kauna-unahang finalist ng pinag-uusapang singing search ng ASAP Mania.
"Eric John, please lang. He is not a showbiz person. He is a very private guy and I respect his and his familys privacy. In time, makikilala nyo rin siya. Sa ngayon, I just hope and ask for your understanding. I want my lovelife to remain private muna," pakiusap sa amin ni Nikki.
Ang ikinaloka ni Nikki, ibang tao pa ang nagtanong sa kanya about the guy. It was only then na humanap siya ng kopya ng PSN para mabasa ang isinulat namin.
Ayaw kong may artistang nagtatampo sa akin kaya for the mean time, pagbibigyan ko ang pakiusap ni Nikki not to touch about it. Nangako naman ito sa inyong lingkod kapag tamang panahon na ay makikilala namin ang guy.
Si Gilbert Perez, (direktor ng Berks) ang naatasang mag-direk ng pelikula na balita namin ay isu-showing in August. Si Direk Gilbert is the same director ng Kahit Isang Saglit at Jologs.
Sa June ay gigiling na rin ang kamera sa launching movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Si Don Cuaresma ang magdidirek nito. Bale ito ang debut film directorial ni Direk Don na siya ring direktor ng Kay Tagal Kang Hinintay.
O ayan, may update na ang mga John-Heart at John Lloyd-Bea fanatics sa kanilang mga idolo.
Available ang tickets sa sinehan mismo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended