^

PSN Showbiz

Gary V. ginagaya si Martin

- Veronica R. Samio -
Kakaibang show yun ni Gary Valenciano na napanood ko sa Aliw Theater ng Star City nung Biyernes ng gabi. Ang kagulat-gulat sa nasabing palabas ay mga tatlong oras yun at libre! Walang bayad sa mga pumasok sa nasabing theme park na bukas tuwing weekends.

Hindi pa rin kumukupas ang galing sa pagkanta at pagsasayaw ni Gary V. Sulit na sulit ang ipinaghintay sa pilahan ng napakaraming manonood.

Walang ipinagkaiba ang palabas sa mga konsyerto na ginawa na ni Gary V. sa mga malalaking venues tulad ng Araneta Coliseum. Mayroon siyang front act, Pam G, back up singers at isang banda. Naging malaking atraksyon ang pagi-guest sa show ng kanyang 14 year old son na si Gabriel na namana ang kagalingan ng kanyang ama sa pagsasayaw. Ewan ko lamang kung kasing-galing din siyang kumanta ni Gary V. Nasa audience naman ang misis niyang si Angeli & daughter Kiana.

Patok na patok ang panggagaya ni Gary V, sa mga kapwa niya singers, lalo na si Martin Nievera na obvious na pinag-aralan niyang lahat ang mga mannerisms. Kulang na lamang ay mahiram niya ang mukha ni Martin para maging si Martin na siya.

When the crowd clamored for him to do an April Boy Regino, di niya sila binigo. Pero, pinaka-magandang impersonation na ginawa niya ay yung kay Michael Jackson.

The concert featured Gary V at his best. Di lamang siya nagsayaw, kumanta pa rin siya, tumugtog ng drums, ng synthesizers. It was a fitting celebration para sa kanyang 20th anniversary sa showbiz. Muli, pinatunayan niya na isa siyang total performer. Hindi nahalata ng tao na inaatake siya ng kanyang sakit na diabetes, kundi lamang mismo ay ini-announce niya na at the moment ay may sugar count siya ng 300!

Isa pa ring bahagi ng kanyang anibersaryo ay ang paglalabas ng Universal Records ng isang album na pinamagatang "Gary V At The Movies".

Ang carrier single ng album ay "Kailangan Kita", mula sa pelikula na pinagtambalan nina Aga Muhlach at Claudine Barretto.

Kasama rin sa album ang "Sana Maulit Muli", dalawang beses nang inaawit sa mga pelikulang Sana Maulit Muli at Ibulong Mo Sa Diyos. Ang bersyon ni Gary V ay isang duet kasama si Kyla.

Kasama pa rin sa album ang mga awiting "Ang Aking Munting Bituin" (Magnifico), "Ako’t Ikaw" (Mano Po), "Narito" (Kung Tapos Na Ang Kailanman), "Natutulog Ba Ang Diyos", "Anak", "I Will Be Here" (9 Mornings), "Reaching Out" (Pangako Sa Yo), "Sa Tuwing Naaalala Ka" (Kaputol Ng Isang Awit), "Di Bale Na Lang" at marami pa.

Kagagaling lang ni Gary V sa Winnipeg at Ontario, Canada; LA, California; Geneva and Zurich, Switzerland at Oberhausen, Germany.

May mga shows pa siya sa Northshore Performing Arts Center, Chicago, Mayo 11; Acuff Theater, Nashville, Mayo 16; Tropicana Showroom, Atlantic City, Mayo 17; Nobhill Masonic Center, San Francisco, Mayo 25 at Entrepreneurs Convention Awards, San Diego California, Mayo 23.

ACUFF THEATER

AGA MUHLACH

ALIW THEATER

ANG AKING MUNTING BITUIN

APRIL BOY REGINO

GARY

GARY V

SANA MAULIT MULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with