Julius, naging EP sa GMA 7 bago napunta sa ABS-CBN
April 28, 2003 | 12:00am
Ang TV anchor na si Julius Babao mismo ang nagkumpirma sa amin ng balita na hindi na matutuloy ang paglipat niya ng GMA na kung tutuusin ay una niyang tahanan. Ayon sa mabait na boyfriend ni Tintin Bersola, may technical provision sa kanyang kontrata sa ABS-CBN na hindi siya puwedeng lumipat nang agad-agad bukod pa siyempre sa maganda ang naging resulta ng usapan nila ni Atty. Dong Puno, ang SVP ng News & Current Affairs ng Star Network.
Mahigit dalawang linggo nang hindi napapanood si Julius sa Magandang Umaga Bayan dahil nag-leave siya sa programa at kinunsider talaga niya ang paglipat sa kabilang istasyon dahil sa magandang offer sa kanya bukod sa hindi na siya happy noon sa takbo ng kanyang TV career magmula nang mawala ang kanilang Talk TV kasama sina Ryan Agoncillo at Janette McBride.
Simula sa araw na ito ng Lunes, Abril 28, mapapabilang na si Julius sa TV Patrol bilang co-anchor ni Korina Sanchez. Wala pa kaming balita kung saan mapupunta sina Henry Omaga Diaz at Aljo Bendijo na parehong mawawala sa nasabing programa. Magkakaroon din si Julius ng sarili niyang programa sa DZMM, ang AM radio ng ABS-CBN.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Julius ay sa GMA-7 nagsimula bilang production assistant at radio reporter ng DZBB na tumagal din ng dalawang taon. From GMA ay saka siya lumipat ng ABS-CBN kung saan naman siya nagsimulang maging reporter ng TV Patrol.
Bagong graduate noon si Julius sa UP ng masscom nang mag-apply siya sa GMA. Nakadalawang taon din siya sa kalabang istasyon ng ABS-CBN.
Taong 1996 nang pagsamahin sila ni Tintin sa Alas Singko y Media, ang pang-umagang programa sa Dos at tumagal ito hanggang 2001. Sa nasabi ring programa nagsimula ang love affair ng dalawa. Taong 2001 naman nang ilagay sila sa Talk TV, ang programa sa Today with Kris Aquino.
Nang mawala sa ere ang Talk TV, napunta si Tintin sa ETC with Boy Abunda na nagpaalam naman sa ere nung nakaraang Abril 16. Si Julius naman ay napunta sa Magandang Umaga Bayan.
Kahit sa ABS-CBN lumaki ang pangalan ni Julius, napanatili pa rin niya ang kanyang magandang relasyon sa GMA.
Mula sa aming e-mails:
Hello Ms. Amoyo,
Im Pia from the Philippines but Im here in Brunei for 9 years with my British partner. I always read the Pilipino Star Ngayon and Philstar on the line to check the news tungkol sa mga news about our showbiz stars. And Thank God there is this webside on line that I can check the showbiz balita on. And I found your e-mail. Ano na ba ang latest news about my favorite stars tulad ni Maricel Soriano lalung-lalo na sa kanyang lovelife? Kumusta na rin sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa? Are they still friends or I mean more than friends? Sa pagkakaalam ko, break na sila pero hindi naman nila inamin that they were lovers. Im a big fan of Maricel way back Maricel-William days pa. Im also a big fan of Echo and Tin-Tin as well. I hope totoo na mag-on sila. I can watch the PSY here in Brunei under Malaysia Channel 4 (RIA) thats why Im happy na napapanood ko sila kahit alam kong tapos na diyan sa Pilipinas.
Thank you for your time and God bless!
Piaaiplhogi@hotmail. com

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended