Manang na ang seksing member ng Retrospect
April 25, 2003 | 12:00am
Isang masayang birthday celebration ang ibinigay kay Gold ng kanyang grupong Retrospect sa regular gig nila tuwing Miyerkules sa Banda Forest Bar and Grill sa Rizal Park.
Dumating din ang buong pamilya ni Gold at maging ang kanyang malalapit na kaibigan. Pero ang pinakamalaking sorpresa ay ang pag-jamming ng kanyang 14 anyos na binatilyo na si Krister na siyang tumugtog ng drums habang kumakanta ang grupo. Sa kaseksihan ni Gold ay hindi mo aakalain na meron na siyang isang binatilyo.
At kahit napaka-demure ni Gold ay siya ang itinuturing na "ate" ng grupo. Siya ang nagko-comment kung okey ba ang isinusuot ng bawat myembro ng Retrospect. Manang daw ito sa totoong buhay dahil napaka-conservative at home body.
Sobrang touch si Goldie sa effort na ibinigay ng kanyang grupo na sina TJ, JM at Ogie. At ayon kay Goldie ay the best kasama ang itinuturing niyang pangalawang pamilya.
Wala pa ring kakupas-kupas ang grupong Retrospect na tinaguriang retro-pop icon ng bansa sa pagkanta ng mga classic na old songs. Hindi rin sila naaalarma sa pagsulpot ng mga bagong singing group. Pinaghahandaan na nila ngayon ang paggawa ng kanilang third album.
Samantala, busy ngayong summer ang grupo dahil isa sila sa dalawang pambato ng Summerfest 2003. Makakasama sila sa pagpapalabas sa 12 beach resort nationwide. Ngayong Sabado at Linggo ay makikita sila sa Matabungkay Beach Resort at Pistay Dayat Fest Pangasinan.
Im sure na natuwa ng husto si Piolo Pascual dahil naabot na niya ang platinum record ng kanyang album na "Piolo" na may carrier single na "Till There Was You". Ipagkakaloob ng Star Records ang platinum record award sa ASAP sa May 4.
Dumating din ang buong pamilya ni Gold at maging ang kanyang malalapit na kaibigan. Pero ang pinakamalaking sorpresa ay ang pag-jamming ng kanyang 14 anyos na binatilyo na si Krister na siyang tumugtog ng drums habang kumakanta ang grupo. Sa kaseksihan ni Gold ay hindi mo aakalain na meron na siyang isang binatilyo.
At kahit napaka-demure ni Gold ay siya ang itinuturing na "ate" ng grupo. Siya ang nagko-comment kung okey ba ang isinusuot ng bawat myembro ng Retrospect. Manang daw ito sa totoong buhay dahil napaka-conservative at home body.
Sobrang touch si Goldie sa effort na ibinigay ng kanyang grupo na sina TJ, JM at Ogie. At ayon kay Goldie ay the best kasama ang itinuturing niyang pangalawang pamilya.
Wala pa ring kakupas-kupas ang grupong Retrospect na tinaguriang retro-pop icon ng bansa sa pagkanta ng mga classic na old songs. Hindi rin sila naaalarma sa pagsulpot ng mga bagong singing group. Pinaghahandaan na nila ngayon ang paggawa ng kanilang third album.
Samantala, busy ngayong summer ang grupo dahil isa sila sa dalawang pambato ng Summerfest 2003. Makakasama sila sa pagpapalabas sa 12 beach resort nationwide. Ngayong Sabado at Linggo ay makikita sila sa Matabungkay Beach Resort at Pistay Dayat Fest Pangasinan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended