^

PSN Showbiz

Santakrusan 2003 sa Binangonan

-
Ang "Kayla" ng soap opera sa Kay Tagal Kang Hinintay na si Dimples Romana ang napiling Reyna Elena sa Santacruzan na gaganapin sa Binangonan, Rizal sa Mayo 4 sa ganap na ika-7 ng gabi, araw ng Pista ng Mahal na Krus sa Brgy. Libid.

Nakagawian na ng bayang Binangonan, ang bayang itinuring na mayaman sa sining, kultura at tradisyon, na kumuha ng mga artista para gumaganap bilang Reyna Elena. At ayon sa nakakasaksi ng nasabing Santacruzan, ay nagiging maunlad ang kanilang career katulad nina Judy Ann Santos, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jessa Zaragoza, Marianne dela Riva, Tina Monasterio, Hazel Espinoza, Ana Roces, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo at Jodi Sta. Maria.

Ang gown na isusuot ni Dimples ay nilikha ng sikat na designer na si Ronald "Aya" Lozada ng Ramaya Collections. Si Harvey Ojascastro ang Konstantino.

Ayon kay Gomer O. Celestial, chair ng Komite ng Santacruzan, ito ay lalahukan ng magagandang kabataan ng bawat barangay at mga nagwagi sa timpalak kagandahan ng Bb. Binangonan 2003.

Ang Santacruzan ay itinataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid sa pamumuno ni Brgy. Chairman Larry G. Arada, at sa pakikipagtulungan ng Binangonan Federation of Women’s Club, sa pamumuno ni Dra. Rose Martha C. Ynares, Creamsilk Shampoo, Close-up ng Unilever Phils., Michael Andrade, Gov. Nini Ynarez, Cong. Jack Duavit, Mayor Cesar Ynares, G. at Gng. Joel Gaviño, G. at Gng. Noel Tiraña, Binangonan Riders Club at Kabalikat Civicom para sa kaayusan ng prusisyon.

ALMA CONCEPCION

ANA ROCES

ANG SANTACRUZAN

BETH TAMAYO

BINANGONAN

BINANGONAN FEDERATION OF WOMEN

BINANGONAN RIDERS CLUB

REYNA ELENA

SANTACRUZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with