^

PSN Showbiz

Ipe, ilulunsad ng Dos sa isang sitcom

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nitong nagdaang Semana Santa ay nagkaroon ng pagkakataon na gawin ang mga tradisyunal na paggunita ng okasyon. Mula sa orihinal kong plano na magpunta sa Puerto Galera (sa imbitasyon ng pamilya ng kaibigan kong si Tita Ampy Dizon ng Calapan, Mindoro), nagdesisyon akong gawin ang mga dati kong ginagawa. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-Visita Iglesia kasama ang aking pamangkin na si Carmela Cueto. Nabisita namin ang Immaculate Heart of Mary (Claret Church), St. Paul, the Apostle Church, Sto. Domingo Church at Quiapo Church.

No’ng Biyernes Santo, nagkayayaan kami ni Bern Duenas (ang kaibigan kong make-up artist) na magpunta sa Our Lady of Lourdes sa Grotto (sa Bulacan) para mag-Way of the Cross. Iyon ang unang pagkakataon na nagpunta ako sa Grotto na Biyernes Santo.

Ang laki ng ipinagbago ng Grotto. Nakita ko ’yung effort ng owner ng lugar na pagandahin ito. Halos malapit na ring matapos ang bagong simbahan na itinatayo doon. Ang labis na ikinalungkot namin ni Bern ay ang kakulangan ng disiplina ng mga namamanata. Nagkalat ang mga diyaryo, basyo ng bottled water, canned softdrinks at iba pang basura. Ang nakakalungkot, iniwanan na lang ng mga namamanata ang kanilang mga kalat sa paligid ng Grotto. Naawa kami sa mga naglilinis dahil sa mabilis na pagdating ng tao, nangangahulugan din ’yun ng walang katapusan nilang paglilinis.

Walang bayad ang pagpasok sa Grotto kaya sana naman, next time magkaroon ng disiplina ang mga kababayan nating namamanata na iwasan ang pagkakalat sa lugar. Huwag po natin itong babuyin. Igalang po natin ang Grotto bilang lugar ng ating pagsamba at hindi park.
* * *
Hindi man direktang tinukoy, obviously ay ang nakarang FAMAS Awards ang tinutukoy ni Sharon Cuneta na awards-giving body na hindi nagpakita ng respeto sa mga artistang dumalo sa kanilang awards night. Sa episode ng Sharon last Sunday, ipinahayag ng Megastar ang "panggagago" na tinamo niya sa gabi ng parangal nito.

Ang sama ng loob ni Sharon ay bunga ng isang special award kung saan dalawang gallon ng mantika ang kanyang premyo. Isang representative ng nasabing sponsor ang nag-abot kay Sharon ng nasabing premyo.

Ani Sharon, malaki ang respeto niy sa mga advertisers. Sa katunayan, ina-attribute niya rito ang tagumpay ng kanyang mga programa. Pero inisip naman daw sana ng nasabing sponsor ang tamang pagkakataon para i-promote ang kanilang produkto.

"Kapag uma-attend kami ng awards night, ibig sabihin, we have so much respect sa awards-giving body. Pero sana naman, we get fair treatment," sabi ni Sharon.

Bago tinapos ang kanyang statement, sinabi ni Sharon na hindi niya kinukuwestyon ang mga winners. Sa katunayan, binabati niya ang mga ito. Aniya, natikman na niya ang awards ng iba’t ibang awards-giving bodies.

Sa totoo lang, ang nakaraang FAMAS Awards ang masasabi naming may pinaka-boring na presentation. Sa telebisyon, 2:30 na ay ’di pa ito tapos. Ito ay dahil sa dami ng sponsors na gustong magkaroon ng exposure sa presentation.

May punto si Sharon. Hindi awards night ang tamang venue para mag-promote ng produkto. I personally believe that FAMAS owes Sharon an apology.
* * *
Tama ba ang dinig namin na nakatakdang pumirma si Phillip Salvador sa ABS-CBN? Ang nakarating sa aming balita, isang sitcom ang pagbibidahan ni Kuya Ipe sa kanyang pagpirma.

Ang action-docu program na Verano ang huling regular program ni Kuya Ipe sa GMA 7.

Kung magkakaayos, anytime ay nakatakda na ang contract-signing ni Kuya Ipe. Kung matutuloy, madadalas na ang pagkikita nina Kuya Ipe at Kris Aquino dahil nasa iisang istasyon na sila.

Abangan!

ANI SHARON

APOSTLE CHURCH

AWARDS

BERN DUENAS

BIYERNES SANTO

CARMELA CUETO

KUYA IPE

SHARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with