^

PSN Showbiz

Joey Generoso, kumanta para sa PA

-
Tiyak marami ang nagugulantang nang kanilang malaman na ang isa sa pinakamagaling nating vocalists ng banda na si Joey Generoso ay nagsaplaka para sa nababalitang clone ng Side A na kilala naman sa tawag na Project A.

Nagsimula ang lahat nang ilabas ng Galaxy Records ang debut CD album ng Project A na nagtataglay ng awiting "Endless Road" na nagpakilala sa grupo. Walang identity na ibinigay kung sino ang umawit ng "Endless Road." Ngunit marami ang nakaboses sa mang-aawit. Di pa rin isiniwalat ang pangalan ng tunay na singer. Kahit mga DJs na nagkagusto sa awitin ay di ni-reveal sa mga radio listeners kung sino ang umawit.

Ang boses na kinagiliwan ng maraming pop fans ay muling naririnig sa lahat ng top rated FM radio sa Metro Manila at mga key cities sa Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng bagong title track na may pamagat na "One Last Night." Ang mga producers ng CD album sa Galaxy Records ang umamin na ang mystery singer ay walang iba kundi si Joey Generoso ng Side A.

Ayon sa mga nakakaalam, ang CD ay isinaplaka para ilabas sa Japan nang ang recording contract ng Side A sa Vicor noon ay mag-lapse. Noong mga panahon na iyon ay libreng-libre silang mag-record dahil wala naman silang kontrata pa sa ibang recording company.

Di akalain din ng mga producers ng album na magki-click ito sa radyo.

AYON

ENDLESS ROAD

GALAXY RECORDS

JOEY GENEROSO

KAHIT

METRO MANILA

ONE LAST NIGHT

PROJECT A

SIDE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with