Aktres nagpaayos din ng ngipin
April 21, 2003 | 12:00am
Nagkita kami sa isang dental clinic ng sikat na mestisang aktres. Hindi niya ako napansin dahil nasa isang kuwarto ito. Maya-maya ay natapos din ang aktres at nakatungong lumabas ng klinika.
Kaibigan ko ang assistant ng sikat na dentista at sinasabing magaling talaga si Dr. dahil ngayon ay pantay-pantay na ang ngipin ng aktres di gaya noong unang magpaayos ito ng ngipin kung saan nahirapan ang dentista dahil sungki-sungki ito.
Gandang-ganda kami kapag ngumingiti ang aktres dahil sa husay ng pagkakaayos ng kanyang ngipin.
Nailahad ko ang mga reaksyon noong unang tanggapin ni Aleck Bovick ang tropeo bilang FAMAS Best Actress para sa pelikulang Tampisaw na lahat ay hindi pabor dito.
Pero marami rin akong nakausap lalo na yong mga kapatid sa hanapbuhay at binigyang-katwiran kung bakit deserving manalo si Aleck.
"Magaling naman siyang umarte. Siguro hindi lang nasanay ang mga kababayan natin na isang baguhang artista gaya ni Aleck ay manalo agad na kumpara kina Ara Mina o Sharon Cuneta ay bubot pa kumbaga sa prutas at kailangang mahasa pa sa pag-arte. Bakit ba si Christopher de Leon, nanalo rin naman agad bilang Best Actor sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang gayung first movie lang niya ito? Sa ikalawang movie ay nanalo rin agad ang baguhang si Bembol Roco dahil magaling din itong artista. Ganito rin ang nangyari kay Aleck," sey nila.
Hindi lang natin kayang tanggapin na pwedeng talunin ng isang baguhang artista ang premyadong aktres o kayay ang mga sikat na artista dahil nasanay na tayo sa ganitong kalakaran. Sa Amerika nga ay walang nagsa-sourgraping kapag baguhan ang tumatalo sa mga matatagal nang artista.
Siguro nga, may kanya-kanyang pamantayan ang mga award-giving bodies at karapatan nila kung ipanalo nila ang isang baguhang gaya ni Aleck.
Nakausap ko sa phone ang aming kaibigang si Ihman Esturco na siyang unang nagpakilala sa amin kay Aleck at siya ring unang discoverer at manager ng seksing aktres. Pero ngayon iba na ang humahawak sa career nito. At hindi ito nagdaramdam kung hindi man nabanggit ang pangalan niya sa acceptance speech ni Aleck. "Magaling namang artista si Aleck kaya lang mas maganda kung i-hone pa nito ang kanyang talent sa pag-arte. Malayo ang mararating nito," ani Ihman.
Abala ngayon ang dating manager ni Aleck sa teatro kung saan mina-manage nito ang career ni Dante Balboa. Pinabulaanan din ni Ihman na may relasyon ang kanyang dating alaga at si Atty. Manalo ng Angora Films na siyang iniintriga tungkol sa pagkapanalo ng Best Actress. "Talagang gustong pasikatin ni Atty. Manalo si Aleck bilang contract star nila dahil benefited din ito kapag gumawa ng malaking pangalan someday ang seksing aktres," dagdag pa nito.
Nakita namin si Pinky de Leon sa presscon ng Chavit of Ilocos at maganda pa rin ito. Sinabi niya na bilang Kristiyano ay natanggap na niya ang nangyari sa nakabilanggong anak na si Tony Boy Lejano dahil sa pagkakasangkot nito sa Vizconde Massacre. At peace na siya dahil ipinaubaya na nito ang problema sa Panginoon.
Tinanggap ni Pinky ang pelikula dahil very challenging ito kung saan patatandain siya dahil gagampanan nito ang ina ni Bingbong Crisologo to be portrayed by Tirso Cruz III. Isa pa, talagang gusto niyang makatrabaho si Direk Carlo Caparas.
Hindi na natapos ang pelikulang Dukot Queen na naglagay sa kontrobersya kay Sunshine Cruz nang itoy mapirata at nagpakita sa maiinit na eksena nina Jay Manalo at ng aktres. Nagpakasal na kasi si Sunshine kay Buboy kaya hindi na natapos ang movie. Pero ayon sa isang source, itutuloy ito ni Katya Santos at malamang na si Wendell Ramos ang magiging leading man.
Kaibigan ko ang assistant ng sikat na dentista at sinasabing magaling talaga si Dr. dahil ngayon ay pantay-pantay na ang ngipin ng aktres di gaya noong unang magpaayos ito ng ngipin kung saan nahirapan ang dentista dahil sungki-sungki ito.
Gandang-ganda kami kapag ngumingiti ang aktres dahil sa husay ng pagkakaayos ng kanyang ngipin.
Pero marami rin akong nakausap lalo na yong mga kapatid sa hanapbuhay at binigyang-katwiran kung bakit deserving manalo si Aleck.
"Magaling naman siyang umarte. Siguro hindi lang nasanay ang mga kababayan natin na isang baguhang artista gaya ni Aleck ay manalo agad na kumpara kina Ara Mina o Sharon Cuneta ay bubot pa kumbaga sa prutas at kailangang mahasa pa sa pag-arte. Bakit ba si Christopher de Leon, nanalo rin naman agad bilang Best Actor sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang gayung first movie lang niya ito? Sa ikalawang movie ay nanalo rin agad ang baguhang si Bembol Roco dahil magaling din itong artista. Ganito rin ang nangyari kay Aleck," sey nila.
Hindi lang natin kayang tanggapin na pwedeng talunin ng isang baguhang artista ang premyadong aktres o kayay ang mga sikat na artista dahil nasanay na tayo sa ganitong kalakaran. Sa Amerika nga ay walang nagsa-sourgraping kapag baguhan ang tumatalo sa mga matatagal nang artista.
Siguro nga, may kanya-kanyang pamantayan ang mga award-giving bodies at karapatan nila kung ipanalo nila ang isang baguhang gaya ni Aleck.
Abala ngayon ang dating manager ni Aleck sa teatro kung saan mina-manage nito ang career ni Dante Balboa. Pinabulaanan din ni Ihman na may relasyon ang kanyang dating alaga at si Atty. Manalo ng Angora Films na siyang iniintriga tungkol sa pagkapanalo ng Best Actress. "Talagang gustong pasikatin ni Atty. Manalo si Aleck bilang contract star nila dahil benefited din ito kapag gumawa ng malaking pangalan someday ang seksing aktres," dagdag pa nito.
Tinanggap ni Pinky ang pelikula dahil very challenging ito kung saan patatandain siya dahil gagampanan nito ang ina ni Bingbong Crisologo to be portrayed by Tirso Cruz III. Isa pa, talagang gusto niyang makatrabaho si Direk Carlo Caparas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am