Tata Esteban nangumpisal sa 700 Club Asia
April 17, 2003 | 12:00am
Sa Linggo, Abril 20, 8:00 ng umaga sa Studio 23 ng ABS-CBN, ipapalabas muli ang mala-pelikulang patotoo ni Steve Regala, aka Tata Esteban, dating nightclub king at batikang direktor ng mga "bold" na pelikula. Ipapalabas ang pagbabagong-buhay niya sa Canada, Estados, Australia, Japan, Saipan, Cambodia at Papua New Guinea sa The Filipino Channel (TFC) sa Linggo rin, 8:10 ng umaga, Pacific Time.
"Kaya ba akong patawarin ni Lord sa mga babaing binenta at hinubaran ko (sa nightclub at pelikula), sa 30 na taon kong pagdodroga, sa mga batang pinalaglag ko?" Iyon ang paiyak na tanong ng tanyag na prodyuser at direktor na si Tata Esteban aka Steve Regala sa isang pastor nung siyay muntik nang mamatay dahil sa stroke noong 1992. Ayon sa pastor, nasa Bibliya ang sagot. Kung pinapatawad ng Panginoon ang Alibughang Anak (Prodigal Son), kaya siyang patawarin at iligtas, kung isusuko niya ang kanyang buhay sa Panginoong Hesus. "I accepted Jesus Christ in my heart as my Lord and Savior and within four months naka-recover ako," alaala ni Tata Esteban. Unti-unti ring nawala sa buhay niya ang droga, ang pagdidirek ng bold na pelikula, ang pambababae. "Yung pagka-addict ko ng 30 years, hindi basta maaalis yun, no doctor or rehabilation center can cure that except our God. Sabi sa Bibliya, nothing is impossible with God, it is by grace we are saved." Ito ang sabi ni Tata nung "naghubad" siya, o naglantad ng kabuuan ng istorya ng kanyang buhay bilang isang prodyuser ng bold na pelikula, tulad ng mga "pito-pito" na sine na gawa sa pitong araw.
Sa ngayon, simple lang ang kanyang buhay kung ihahalintulad sa dati niyang karangyaan. Siya pa nga ay nag-aaral ng Biblia sa isang seminaryo at tahimik na naninirahan sa Baguio kasama ang kanyang pamilya.
Ngunit higit siyang kuntento at maligaya kaysa noon.
Kasama sa show ang isang special song number ni Ray Ann Fuentes tungkol sa Alibughang Anak o "Prodigal Son."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended