John Apacible sawa nang makakita ng boobs
April 15, 2003 | 12:00am
Hindi isang boobas person si John Apacible, gumaganap na kontrabida nina Emilio Garcia at Tracy Torres sa pelikulang Punla ng Leo Films. "Pinatay ko rito si Emilio at ni-rape ko si Tracy. Mayroon din akong lovescenes kay Clarissa Mercado," panimula ng maskulado at gwapong aktor.
Unang umaagaw ng kanyang pansin kapag nakakakita si John ng babae ay ang butt nito, mapintog ba ang mga ito? Attracted din siya sa malinis na mga paa, pinkish, kahit walang manikyur ay magaganda ang mga daliri. "Si Ara (Mina) ang ganda-ganda ng butt," aniya.
Halos lahat ng pelikulang ginawa ni John ay bold, kaya naman napakarami nang boobs siyang nakita. "Pinakamaganda nang nakita ko ay dun sa nakapareha ko sa pelikulang Bayaran. Nakalimutan ko ang name niya dahil bago pa siyang artista. Si Issa Miyaki rin.
"Ayaw ko ng malaking boobs, gusto ko yung bagay lamang sa katawan ng may-ari," sey pa ng aktor who considers his ex-girlfriend, Angela Velez, na may pinaka-magandang katawan. "Napakasipag kasi niyang mag-work out. Kapag libre yan, nasa gym siya," dagdag pa niya.
Sa lahat ng ginawa niyang movies na mahigit na sa 30, pinakapaborito niya ang Phone Sex at Luksong Tinik. "Maganda ang pagkakagawa ng Phone Sex, lahat yata ng anggulo, binusisi ng direktor. At ang cinematography, the best. Yun namang Luksong Tinik, may pagka-action ang role ko," kwento niya.
Bagaman at kilala siyang bold actor, sinabi ni John na marami rin siyang ginawang movies na hindi siya nag-bold. Gaya ng Nympha, Pistolero, Labrador, Parehas ang Laban.
Sa kasalukuyan ay mayroon siyang stage play na lumilibot sa bansa, ang Noli Me Tangere.
"Mayroon itong mga provincial at campus tours. Swerte naman na hindi ito nakakaapekto sa mga shooting ko. Mas humaba pa ang role ko nang kunin si Raymond (Bagatsing) para gumanap sa El Filibusterismo. Ang role na assigned sa kanya sa Noli ay ibinigay sa akin.
"Maliit lamang ang kita sa paglabas sa stage pero, self-fulfilling. Nakakatulong din para mahasa ako sa memorization at voice modulation," pagmamalaki niya.
Enjoy ako sa panonood ng recital ballet ng Halili Cruz School of Ballet, ang official school of the QC Ballet at itinuturing na Most Outstanding Ballet School in Asia. I was not alone. Kasama ko ang aking daughter and her friend and my grandson, MacMac, aged 2.4 years old who enjoyed the recital as well. Iniimbita nga ako to enrol him sa ballet pero, afraid ako baka siya maging bading. Hindi kaya?
Ginanap ang recital nung April 6 sa Meralco Theater. May matinee, 3 pm at regular, 7pm, shows. Sa unang palabas kami natapat.
Ang Halili Cruz School of Ballet ay nasa pamumuno ng isa ring dating ballet dancer, si Shirley Cruz na tumatayo ring artistic director ng school. Mayroon siyang mga teachers na personal niyang hinasa. Sina Grace Garalde, Anna Lissa Tuazon, Cookee Balahadia at Anna Kathrina Cruz.
Nag-iimbita rin ang iskwela ng mga itinuturing na Filipino Masters who work with the student at maging mga foreign ballet masters.
Lahat ng mag-aaral ng HSCB ay binibigyan ng pagkakataon na makasayaw sa mga kilalang ballet companies. Hinihikayat din silang kumuha ng international ballet examinations na 100% sa mga mag-aaral nito ang pumapasa.
Ilan sa mga mag-aaral ng HSCB are doing well abroad. Myembro ng Princeton Ballet si Melissa Greco. May sariling dance company sa Australia si Noel Dumlao, dancer na sa Contemporary Dance Co. ng LA si Ruby Buted at si Elmer Dondon ay kasali sa German Dance Co. Kasali naman sa Whiplash si Faye Abigail Tan, nasa Phil. Ballet Theater sina Cathy Lee at Tara Ferrer at nasa Ballet Manila naman si Celestine Alarcon.
E-mail me at: [email protected]
Unang umaagaw ng kanyang pansin kapag nakakakita si John ng babae ay ang butt nito, mapintog ba ang mga ito? Attracted din siya sa malinis na mga paa, pinkish, kahit walang manikyur ay magaganda ang mga daliri. "Si Ara (Mina) ang ganda-ganda ng butt," aniya.
Halos lahat ng pelikulang ginawa ni John ay bold, kaya naman napakarami nang boobs siyang nakita. "Pinakamaganda nang nakita ko ay dun sa nakapareha ko sa pelikulang Bayaran. Nakalimutan ko ang name niya dahil bago pa siyang artista. Si Issa Miyaki rin.
"Ayaw ko ng malaking boobs, gusto ko yung bagay lamang sa katawan ng may-ari," sey pa ng aktor who considers his ex-girlfriend, Angela Velez, na may pinaka-magandang katawan. "Napakasipag kasi niyang mag-work out. Kapag libre yan, nasa gym siya," dagdag pa niya.
Sa lahat ng ginawa niyang movies na mahigit na sa 30, pinakapaborito niya ang Phone Sex at Luksong Tinik. "Maganda ang pagkakagawa ng Phone Sex, lahat yata ng anggulo, binusisi ng direktor. At ang cinematography, the best. Yun namang Luksong Tinik, may pagka-action ang role ko," kwento niya.
Bagaman at kilala siyang bold actor, sinabi ni John na marami rin siyang ginawang movies na hindi siya nag-bold. Gaya ng Nympha, Pistolero, Labrador, Parehas ang Laban.
Sa kasalukuyan ay mayroon siyang stage play na lumilibot sa bansa, ang Noli Me Tangere.
"Mayroon itong mga provincial at campus tours. Swerte naman na hindi ito nakakaapekto sa mga shooting ko. Mas humaba pa ang role ko nang kunin si Raymond (Bagatsing) para gumanap sa El Filibusterismo. Ang role na assigned sa kanya sa Noli ay ibinigay sa akin.
"Maliit lamang ang kita sa paglabas sa stage pero, self-fulfilling. Nakakatulong din para mahasa ako sa memorization at voice modulation," pagmamalaki niya.
Ginanap ang recital nung April 6 sa Meralco Theater. May matinee, 3 pm at regular, 7pm, shows. Sa unang palabas kami natapat.
Ang Halili Cruz School of Ballet ay nasa pamumuno ng isa ring dating ballet dancer, si Shirley Cruz na tumatayo ring artistic director ng school. Mayroon siyang mga teachers na personal niyang hinasa. Sina Grace Garalde, Anna Lissa Tuazon, Cookee Balahadia at Anna Kathrina Cruz.
Nag-iimbita rin ang iskwela ng mga itinuturing na Filipino Masters who work with the student at maging mga foreign ballet masters.
Lahat ng mag-aaral ng HSCB ay binibigyan ng pagkakataon na makasayaw sa mga kilalang ballet companies. Hinihikayat din silang kumuha ng international ballet examinations na 100% sa mga mag-aaral nito ang pumapasa.
Ilan sa mga mag-aaral ng HSCB are doing well abroad. Myembro ng Princeton Ballet si Melissa Greco. May sariling dance company sa Australia si Noel Dumlao, dancer na sa Contemporary Dance Co. ng LA si Ruby Buted at si Elmer Dondon ay kasali sa German Dance Co. Kasali naman sa Whiplash si Faye Abigail Tan, nasa Phil. Ballet Theater sina Cathy Lee at Tara Ferrer at nasa Ballet Manila naman si Celestine Alarcon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended