Julius Babao sali na sa TV Patrol
April 15, 2003 | 12:00am
Hindi na raw matutuloy ang paglipat ni Julius Babao sa GMA 7. Tinanggap daw kasi ni Julius ang counter offer ng ABS-CBN. At kasama raw sa pipirmahan niyang bagong contract sa ABS-CBN ang paga-anchor sa TV Patrol na papalit kay Aljo Bendijo.
Nauna nang lumabas na nakikipag-negotiate na si Julius sa GMA matapos siyang mawalan ng papel sa Magandang Umaga Bayan. Besides, wala na raw contract si Julius sa ABS-CBN kaya nakipag-negotiate siya sa GMA.
Kasama ang pagpasok niya sa TV Patrol sa pagri-reformat ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Confirmed na rin na mawawala na ang Magandang Umaga Bayan at tanging si Edu Manzano lang ang matitira sa ipapalit na programa.
Marami pa raw pagbabagong mangyayari after Holy Week sa News and Current Affairs ng Dos sa pagbabalik sa posisyon ni Dong Puno.
Hindi invited si Gabby Concepcion sa 18th birthday ni KC, pero kung dumating daw ito during the party, tatanggapin naman daw nila ito, sabi ni Sharon. "Hindi naman ako pinalaking bastos, so kung ire-respeto niya ako, ang mga kamag-anak ko, walang problema sa akin. Basta ikaliligaya ni KC," sagot ni megastar Sharon Cuneta sa kung anong magiging reaction niya kung dumating si Gabby Concepcion sa debut ni KC last week na imposible naman during the presscon of Walang Kapalit, her latest movie with Richard Gomez.
At mas slim ang megastar nang humarap siya sa nasabing presscon. Ang observation nga ng karamihan, everytime na gagawa sila ni Richard ng pelikula, pumapayat siya. "Kasi after nong last movie namin, I gave birth. Malaki ang na-gain ko na-weight. Ngayon nagda-diet na ako and the same time almost two months na akong walang pahinga eh. Masama yun sa health pero nakakatulong para pumayat agad ako. Nagkataon lang siguro na payat ako tuwing gagawa kami ng movie ni Goma," paliwanag niya.
May daring scene sila ni Richard sa movie - bedscene and shower scene na medyo na-shock si Sharon nang mapanood niya ang trailer.
Kasama nila sa movie sina Paolo Bediones and Miriam Quiambao.
Hindi kasama sa The Chavit Singson Story ang impeachment trial sa pagsasapelikula ng buhay ni Chavit Singson, ang dahilan kung bakit napatalsik si dating Pangulong Joseph Estrada sa posisyon. Ayon kay Cesar Montano na magpo-portray sa character ni Chavit, sobrang dami na ng highlight ng buhay ni Chavit sa Ilocos pa lang at kung isasama pa nila yun, masyado nang mahaba. Besides, kung kasama rin yun sa script, hindi niya rin tatanggapin ang project na produced ng mag-asawang Direk Carlo Caparas at Donna Villa.
"Yung mga nangyari lang sa kanya sa Ilocos, hindi na namin alam kung paano tatapusin ang pelikula," sabi ng actor.
At bilang kaibigan ni Jinggoy Estrada, nagpaalam siya sa dating San Juan mayor na matagal ding nagdusa sa kulungan dahil nga kay Chavit Singson. "Sinabi ko naman sa kanya na gagawin ko ang movie na to. Ok lang naman daw dahil trabaho lang naman to," he said.
Nagblow-out pala si Aleck Bovick sa FAMAS members bago ang ginanap na awards night the other night. Ito raw ang dahilan kaya nang tawagin ang pangalan nito as best actress winner hindi na masyadong surprised si Aleck. At ang ikinaloka ng marami, may dalawang banner ang mga fans niya na nagtitilian at kino-congratulate siya.
Kahit sa acceptance speech niya, parang hindi siya tensed. Cool na cool siya na parang si Eddie Garcia samantalang kung tutuusin, dapat shocked siya dahil first time niyang manalo ng best actress trophy para sa isang pelikula na iilan lang ang nakapanood.
Anyway, nagsawa rin ang televiewers sa rami ng commercial sa nasabing awards night. At mga special awards na binigay sa mga artista na totoo namang hindi mo halos ma-appreciate. Si Sharon nga hindi niya narinig at hindi niya kinuha ang Marca Leon oil na nagbigay sa kanya ng special award. Siya nga naman, milyones ang bayad sa kanya as product endorser tapos hahawakan niya at makukunan ng photo kasama ang Marca Leon na gagamiting pang-press release.
Anyway, kung sabagay taun-taon naman pinag-uusapan ang FAMAS, dahil sa kanilang kakaibang choices, bakit nga ba marami pang nagtataka, including me?
Salve V. Asis e-mail [email protected]/[email protected]
Nauna nang lumabas na nakikipag-negotiate na si Julius sa GMA matapos siyang mawalan ng papel sa Magandang Umaga Bayan. Besides, wala na raw contract si Julius sa ABS-CBN kaya nakipag-negotiate siya sa GMA.
Kasama ang pagpasok niya sa TV Patrol sa pagri-reformat ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Confirmed na rin na mawawala na ang Magandang Umaga Bayan at tanging si Edu Manzano lang ang matitira sa ipapalit na programa.
Marami pa raw pagbabagong mangyayari after Holy Week sa News and Current Affairs ng Dos sa pagbabalik sa posisyon ni Dong Puno.
At mas slim ang megastar nang humarap siya sa nasabing presscon. Ang observation nga ng karamihan, everytime na gagawa sila ni Richard ng pelikula, pumapayat siya. "Kasi after nong last movie namin, I gave birth. Malaki ang na-gain ko na-weight. Ngayon nagda-diet na ako and the same time almost two months na akong walang pahinga eh. Masama yun sa health pero nakakatulong para pumayat agad ako. Nagkataon lang siguro na payat ako tuwing gagawa kami ng movie ni Goma," paliwanag niya.
May daring scene sila ni Richard sa movie - bedscene and shower scene na medyo na-shock si Sharon nang mapanood niya ang trailer.
Kasama nila sa movie sina Paolo Bediones and Miriam Quiambao.
"Yung mga nangyari lang sa kanya sa Ilocos, hindi na namin alam kung paano tatapusin ang pelikula," sabi ng actor.
At bilang kaibigan ni Jinggoy Estrada, nagpaalam siya sa dating San Juan mayor na matagal ding nagdusa sa kulungan dahil nga kay Chavit Singson. "Sinabi ko naman sa kanya na gagawin ko ang movie na to. Ok lang naman daw dahil trabaho lang naman to," he said.
Kahit sa acceptance speech niya, parang hindi siya tensed. Cool na cool siya na parang si Eddie Garcia samantalang kung tutuusin, dapat shocked siya dahil first time niyang manalo ng best actress trophy para sa isang pelikula na iilan lang ang nakapanood.
Anyway, nagsawa rin ang televiewers sa rami ng commercial sa nasabing awards night. At mga special awards na binigay sa mga artista na totoo namang hindi mo halos ma-appreciate. Si Sharon nga hindi niya narinig at hindi niya kinuha ang Marca Leon oil na nagbigay sa kanya ng special award. Siya nga naman, milyones ang bayad sa kanya as product endorser tapos hahawakan niya at makukunan ng photo kasama ang Marca Leon na gagamiting pang-press release.
Anyway, kung sabagay taun-taon naman pinag-uusapan ang FAMAS, dahil sa kanilang kakaibang choices, bakit nga ba marami pang nagtataka, including me?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended