^

PSN Showbiz

Tracy Torres, mahilig maghubot-hubad

-
Malapit nang mapanood ang Punla, ang bagong pelikula na pinagbibidahan nina Emilio Garcia at ang kontrobersiyal na si T.T. (Tracy Torres), ang bagong sex goddess ng Pelikulang Pilipino.

Balik-leading man dito si Emilio pagkatapos ng ilang taon na pag-concentrate sa kontrabida roles sa action films at sa telebisyon. Kung naaalala ninyo, si Emilio ang laging kinukuha bilang leading man sa mga newcomer na inilulunsad to stardom at sinasabi nila na may ‘magic’ itong si Emilio pagdating dito. Kaya di nakakapagtaka kung maging matagumpay din itong si Tracy Torres. Gumagawa na nga ng ingay itong si Tracy, samantalang di pa naipapalabas ang Punla.

Si Tracy ay tumakbo ng hubo’t hubad sa kalye para sa ibang eksena ng pelikula. Siya rin yung nagpakuha sa pictorial na puro mga itlog lamang ang suot niya. Lately, nagpakuha siya ng hubo’t hubad sa Escolta para sa pictorial ng Punla. Sa Candaba, Pampanga at sa Bulacan ang mga lalawigan na pinili para sa location shooting ng Punla.

Ang kuwento ng Punla ay umiikot sa mag-asawang Emilio at Tracy. Di sila magkaanak kaya kumuha sila ng ‘baby-maker’ para mabuntis si Tracy. Dito nagsimula ang gulo. Si John Apacible, isa sa mga pinaka-in-demand na leading man ngayon, ay gumanap dito bilang kontrabida sa buhay nila. Siya ang magiging matinding kaaway ni Emilio sa pelikula. Kasama din si Eric Parilla at ang 2002 Ms. Boracay Beauty na si Clarissa Mercado.

vuukle comment

CLARISSA MERCADO

EMILIO

EMILIO GARCIA

ERIC PARILLA

JOHN APACIBLE

MS. BORACAY BEAUTY

PELIKULANG PILIPINO

PUNLA

TRACY

TRACY TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with