Mayor Vi, nanghihingi ng lagay?
April 11, 2003 | 12:00am
May mga tao na namang walang magawa na lumiligalig ngayon sa magandang imahe ni Mayor Vilma Santos, ganun naman talaga sa mundo ng pulitika, kung walang butas na masilip ay napakadaling gumawa ng butas para lang mawasak ang magandang pangalang gusto nilang dumihan.
Ayaw na naming magbanggit pa ng mga pangalan, sayang lang ang espasyong ilalaan namin para sa mga taong walang magawa sa buhay, anumang oras ay mas gusto naming bigyan ng espasyo ang malinis na pangalan ng Star For All Seasons bilang ina ng lungsod ng Lipa.
May nagpapakalat ng kuwento na may mga kapitalista raw na gustong magtayo ng negosyo sa Lipa na hindi matuluy-tuloy, dahil malaking lagay daw ang hinihingi sa kanila ng mag-asawang Senador Ralph Recto at Mayor Vilma Santos.
Sa halip na magtatalak ay bakit hindi dumiretso sa Ombudsman ang mga nagrereklamo, kung talagang kaya nilang patunayan na nanghihingi nga ng lagay ang mag-asawang pulitiko ay mas malaking balita ang lilikhain ng kanilang reklamo, hindi lang sa showbiz mapag-uusapan ang kaso, magiging balitang nasyonal yun.
Kung meron silang mga hawak na ebidensiya na personal ngang nanghihingi ng lagay si Mayor Vilma at may mga taong lumalapit sa mga kapitalistang yun na gumagamit sa pangalan ng aktres-pulitiko, ang lawak-lawak ng pintuan ng mga korte para kasuhan nila si Mayor Vilma doon.
Anong anomalya ang kanilang mapatutunayan kung puro daldal at dakdak lang ang kanilang gagawin? May aksyon bang magagawa ang mga kinauukulan kung puro salita lang naman ang basehan at walang balidong pruweba?
-o0o- Nakapagdududa tuloy, hindi kaya may motibong pailalim ang mga taong nagpapalutang ng kung anu-anong bintang tungkol kay Mayor Vilma?
Baka naman mamaya ay may ambisyong-pulitikal lang ang mga taong yun na gusto lang gumawa ng ingay para makakuha ng atensyon?
Kung totoo ang aming duda ay kahiya-hiya ang kanilang mga pinaggagagawa, mas malaki ang paniniwala ng mga taga-Lipa sa aktres-pulitiko dahil sa dalawang termino nang paghawak ng Star For All Seasons sa lungsod nang maayos, walang bahid-dungis at serbisyong totoo.
Malawak ang entablado ng Lipa City para sa sinumang nag-aambisyong mamuno ng lungsod, kahit basurero ay puwedeng tumakbong mayor, basta nasa kanyang puso ang busilak na hangaring makapaglingkod.
Kung may planong tumakbo nang banggaan sa darating na halalan ang mga taong ito na nag-iingay ngayon ay maraming paraan silang puwedeng pamilian.
Puwede silang magpaulan ng pera sa Lipa City sa darating na eleksyon, perang kukunin lang ng taumbayan dahil kusa namang ibinibigay sa kanila, pero ang pangalan pa rin ng gusto nilang muling maluklok ang kanilang iboboto.
Puwede silang magpakita ng maganda sa taumbayan ng Lipa bilang pagpapabango sa kanilang pangalan at layunin.
Yun ang magandang laban na puwede nilang gawin, hindi yung ganyang kwento sila nang kwento, pero wala namang kwenta at ebidensiya!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended