Michael, tinanggal sa 'Klasmeyts'
April 9, 2003 | 12:00am
Correction lang, hindi si Johnny Manahan ang dahilan ng pagkawala ni Michael Flores sa Klasmaytes. Ang buong comedy groups ng ABS-CBN ang nagdesisyon na tanggalin na si Michael sa nasabing sitcom. At may dahilan sila para gawin ang nasabing desisyon.
"He has been showing acts of unprofessionalism," sabi ng isang taga-Comedy Group. Its not true na hindi siya aware sa sanction sa kanya. Ilang beses na siyang sinabihan ng management to shape up. Many times din na nabigyan siya ng memo about his behavior. Pero hindi siya nagbago. So, walang choice kundi tanggalin siya. Hindi naman kasi pwedeng i-tolerate ang any wrong doings ng kahit sinong artista. Yung case ni Nicole Yabut, ibang klase rin yun. May attitude problem ang batang yun. Talagang marami siyang ginagawang aberya sa mga kasamahan niya sa show from Bayani (Agbayani) to Jenny (Miller). Natural, under existing contract sa Talent Center si Nicole kaya kailangang gumawa ng aksyon si Mr. Manahan. Alangan naman i-tolerate niya yun?"
Para sa kaalaman ng marami, si Johnny Manahan ay director lang ng nasabing sitcom. Management pa rin ang nagdesisyon kung sino ang ilalagay at tatanggalin sa isang programa.
Ang nakakaloka pa, umabot na ng isang taon ang Klasmeyts pero ni minsan ay hindi niya in-inform ang kanyang management outfit na Manila Genesis tungkol sa pagtanggap niya ng nasabing show.
Minsan ay naisulat ko na nagreklamo si Michael dahil wala raw ibinibigay na bookings ang kanyang manager. Siya raw ang umaayos ng bookings niya sa ABS-CBN. So, from there, alam mo nang may malaking problema talaga si Michael sa attitude niya.
Hay, naku ang mga artista talaga! Gagawa ng kapalpakan, kapag binigyan ng parusa, ang mga taong nagtiwala sa kanila noon ang sisisihin.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit patuloy si Johnny Manahan sa pag-discover at pag-develop ng mga bagong talents. Ito ay para kapag lumalaki na ang ulo ng mga pinasikat niyang artista ay madali niyang mapupunuuan ang puwang na iiwanan nito. Mr. Manahan has already developed an attitude na kapag nagmalaki na ang isang artista ay madali na niyang ili-let go ito.
Mahirap ang posisyon ni Mr. Manahan bilang manager ng almost 300 artists. Lahat ng klase ng artista ay nai-encounter niya. Lahat ng sakit ng ulo ay nararanasan niya. Mga artistang gumagawa ng ma nakakalokang intriga.
Pero ang lahat ng ito ay kinakaya ni Mr. Manahan dahil trabaho niya ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 27, 2025 - 12:00am
January 25, 2025 - 12:00am