Nagkatikiman sa syuting
April 9, 2003 | 12:00am
Talagang palaban ang maganda at seksing aktres na ito kaya madaling nabigyan ng launching movie. Hindi ito nakaranas na maging suporta dahil sa unang pelikula ay isa na agad ito sa mga bida.
Ngayon ay siya na ang nag-iisang bida at isang baguhang aktor ang katambal niya sa pelikula. Marami silang maiinit na eksena sa syuting at ilang beses na na-turn-on ang aktor sa kanya.
Nang tanungin ang aktres kung totoo ba ang balitang nagkatikiman sila ay ngumiti lang si sexy actress at sinabing "Masama ba, dalaga naman ako at wala naman siyang sabit."
Malapit nang ipalabas ang ginawa nilang pelikula na punumpuno ng maiinit na eksena.
Na-touched si Fernando Poe Jr. nang pasalamatan siya personally ni Lito Lapid matapos makatanggap ng award sa nakaraang Film Academy of the Philippines (FAP) bilang best actor dahil sa Lapu Lapu. Kung hindi dahil kay FPJ ay hindi siya makakapasok sa showbiz. Pinasalamatan din nito sina Jesse Chua, Jesse Yu, Mother Lily, Fernando Poe Sr. bukod pa sa hari ng pelikulang Tagalog at si Jess Lapid Sr.
Ganado na namang ituloy ni Lito ang pagpapalabas ng Agilang Bundok kahit may kaso ngayon si Ervin Mateo ng MMG Films.
Sinabi pa rin nito na may mahalaga siyang meeting noong FAP Awards Night kaya si Mark na lang ang pina-attend pero napanood naman niya ang awards night sa telebisyon. Nasabi nito na matagal nang panahon na hinintay niyang magka-award. Bilang isang gentleman, hindi niya kinu-consider na vindication ang napanalunang awards gaya ng best director, best screenplay, best picture ang Lapu-Lapu kundi isang inspirasyon para sa gagawin niyang mga pelikula.
Matagal-tagal na rin sa showbiz si Jake Roxas at hanggang telebisyon na lang ito. Pero ngayon ay may pelikula na rin ito kung saan finally ay nag-decide na mag-bold ang aktor. Itoy sa pelikulang Xerex under Regal Entertainment.
"Im not getting any younger kaya handa na ako this time. Kahit anong role ay kaya kong gampanan dahil gusto kong makilala bilang isang versatile actor," aniya.
Sa kabilang banda, hanga si Jake kay Aubrey Miles na bida ng pelikula dahil magaling siyang umarte at walang kyeme pagdating sa hubaran. Kung hindi sana naging mapili noon sa pagtanggap ng mga proyekt si Jake sikat na sana siyang artista.
Nalibang kami nang husto sa panonood noong Linggo sa Ballet Concert ng pamosong Shirley Halili-Cruz School of Ballet kung saan tinampukan ito ng mga batang-batang ballerinas sa kanilang ballet recital na pinamagatang Dancing for Joy, Love and Peace.
Pinaka-highlight ng recital ang interpretation ng theme song ng "Fourth World Meeting of the Families na premiered noon sa PICC. Ang kanilang eskwelahan ang naatasan para gawin ag MTV for the theme song of the Holy Rosary na napapanood sa buong mundo.
Ang ballet school ay pinamumunuan ni Shirley Halili-Cruz na nakilala sa ibat-ibang panig ng kapuluan dahil sa mga award na natanggap ng kanyang mga ballerina.
Ngayon ay siya na ang nag-iisang bida at isang baguhang aktor ang katambal niya sa pelikula. Marami silang maiinit na eksena sa syuting at ilang beses na na-turn-on ang aktor sa kanya.
Nang tanungin ang aktres kung totoo ba ang balitang nagkatikiman sila ay ngumiti lang si sexy actress at sinabing "Masama ba, dalaga naman ako at wala naman siyang sabit."
Malapit nang ipalabas ang ginawa nilang pelikula na punumpuno ng maiinit na eksena.
Ganado na namang ituloy ni Lito ang pagpapalabas ng Agilang Bundok kahit may kaso ngayon si Ervin Mateo ng MMG Films.
Sinabi pa rin nito na may mahalaga siyang meeting noong FAP Awards Night kaya si Mark na lang ang pina-attend pero napanood naman niya ang awards night sa telebisyon. Nasabi nito na matagal nang panahon na hinintay niyang magka-award. Bilang isang gentleman, hindi niya kinu-consider na vindication ang napanalunang awards gaya ng best director, best screenplay, best picture ang Lapu-Lapu kundi isang inspirasyon para sa gagawin niyang mga pelikula.
"Im not getting any younger kaya handa na ako this time. Kahit anong role ay kaya kong gampanan dahil gusto kong makilala bilang isang versatile actor," aniya.
Sa kabilang banda, hanga si Jake kay Aubrey Miles na bida ng pelikula dahil magaling siyang umarte at walang kyeme pagdating sa hubaran. Kung hindi sana naging mapili noon sa pagtanggap ng mga proyekt si Jake sikat na sana siyang artista.
Pinaka-highlight ng recital ang interpretation ng theme song ng "Fourth World Meeting of the Families na premiered noon sa PICC. Ang kanilang eskwelahan ang naatasan para gawin ag MTV for the theme song of the Holy Rosary na napapanood sa buong mundo.
Ang ballet school ay pinamumunuan ni Shirley Halili-Cruz na nakilala sa ibat-ibang panig ng kapuluan dahil sa mga award na natanggap ng kanyang mga ballerina.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am