Claudine, regular na sa ASAP Mania
April 8, 2003 | 12:00am
Nong Sunday ay ni-launch ang ASAP Mania, ang rebirth ng ASAP na nagtatampok sa mga bagong mukha na makakasama sa programa. Bongga ang launch at opening pa lang ay ginulat na tayo ng song and dance number ni Claudine Barretto. Yes, weekly nang mapapanood si Claudine sa ASAP Mania. Kasama na rin sa programa ang mag-amang sina Edu at Luis Manzano bilang mga hosts.
Nakausap namin ang isang staff ng show bago nagsimula ang programa. Nilinaw nito ang ilang bagay tungkol sa reformat ng ASAP. "We are giving pure entertainment," sabi ng kausap namin. "Mas masarap makatrabaho ang mga bagets kesa mga veteran stars."
Idinagdag pa ng kausap namin na sa mga original hosts, tanging si ZsaZsa Padilla ang nagpakita ng cooperation sa staff. "From day one, napaka-professional ni ZsaZsa. Hahangaan mo talaga siya. Kahit isa sa mga staff, walang masasabing reklamo sa kanya. Mabait pa siya sa tao. She has no qualms working with the young blood. She loves working with new artists," papuri ng kausap namin sa Divine Diva.
Sa ASAP Mania ay ni-launch ang "Star in a Million" ang pinakabagong singing star search sa telebisyon.
Umariba na naman ang drumbeaters ng GMA 7 sa pagsasabing ginaya ng Maalaala Mo Kaya ang format ng Magpakailanman. Para sa kaalaman ng marami and this is for the record, matagal nang nagpi-feature ang Maalaala Mo Kaya ng real-life stories ng ibat ibang tao. Uulitin ko, ang Maalaala Mo Kaya ang nagsadula ng buhay nina Walter Navarro, Alfred Lim, Cornelia Lee, Whitney Tyson, Aling Mameng at Levi Celerio.
So, paanong sasabihin ng GMA7 na ginagaya sila? Walang pwedeng mag-claim ng exclusively ng isang konsepto lalo na sa telebisyon for the very reason na ilang taon na ang nagdaan ay may ganun nang konsepto. At sa kanilang pag-aakalang mapapataob nila ang MMK, tinapatan nila ito ng Magpakailanman. At sa nangyaring tapatan, nanalo pa rin ang MMK. Ang The Carol Banawa Story na pinortray ni Kaye Abad ay nakakuha ng 38% audience share as compared sa episode na Magpakailanman na nakakuha ng 22%.
Still on Maalaala Mo Kaya, ang buhay naman ni AiAi delas Alas ang kanilang isasadula sa telebisyon sa Huwebes. Si Maricel Soriano ang bida sa nasabing episode. After seven years, ay muling mapapanood si Marya sa drama. At ito ang unang pagkakataon na magbibida siya sa MMK. Si Wenn Deramas ang nagdirek ng The AiAi delas Alas Story.
Nakausap namin ang isang staff ng show bago nagsimula ang programa. Nilinaw nito ang ilang bagay tungkol sa reformat ng ASAP. "We are giving pure entertainment," sabi ng kausap namin. "Mas masarap makatrabaho ang mga bagets kesa mga veteran stars."
Idinagdag pa ng kausap namin na sa mga original hosts, tanging si ZsaZsa Padilla ang nagpakita ng cooperation sa staff. "From day one, napaka-professional ni ZsaZsa. Hahangaan mo talaga siya. Kahit isa sa mga staff, walang masasabing reklamo sa kanya. Mabait pa siya sa tao. She has no qualms working with the young blood. She loves working with new artists," papuri ng kausap namin sa Divine Diva.
Sa ASAP Mania ay ni-launch ang "Star in a Million" ang pinakabagong singing star search sa telebisyon.
So, paanong sasabihin ng GMA7 na ginagaya sila? Walang pwedeng mag-claim ng exclusively ng isang konsepto lalo na sa telebisyon for the very reason na ilang taon na ang nagdaan ay may ganun nang konsepto. At sa kanilang pag-aakalang mapapataob nila ang MMK, tinapatan nila ito ng Magpakailanman. At sa nangyaring tapatan, nanalo pa rin ang MMK. Ang The Carol Banawa Story na pinortray ni Kaye Abad ay nakakuha ng 38% audience share as compared sa episode na Magpakailanman na nakakuha ng 22%.
Still on Maalaala Mo Kaya, ang buhay naman ni AiAi delas Alas ang kanilang isasadula sa telebisyon sa Huwebes. Si Maricel Soriano ang bida sa nasabing episode. After seven years, ay muling mapapanood si Marya sa drama. At ito ang unang pagkakataon na magbibida siya sa MMK. Si Wenn Deramas ang nagdirek ng The AiAi delas Alas Story.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am