^

PSN Showbiz

GMA makikipag-'on' na

-
Dahil matagal-tagal na rin kayong Kapuso ng GMA, its about time na maging mag-on na kayo. Sa bago nitong "On Na Tayo" campaign, maraming handog ang Kapuso Network para pagtibayin ang relasyon nito sa mga manonood.

Marami ring pwedeng maging meaning ang "On Na Tayo". Pwede itong i-on na natin ang TV o di kaya’y magsyota na tayo. Para sa GMA, ang "On Na Tayo" ay isang hakbang patungo sa mas malalim pang relasyon–isang pagsasama kung saan binibigay ang Serbisyong Totoo at ginagawang mas makulay ang buhay ng mga Kapuso.

Para maipadama nito ang dedikasyon sa minamahal na manonood, madaming handog na pagmamahal ang GMA. Sa panimula, lalo pang pinaganda at pinasaya ang mga programa sa pagpasok ng mga Kapuso. Sa nag-iisang concert TV, ang SOP, dinagdag sina Radha, Marielle, JayR, Nina, Anne Curtis, Nancy Castiglione, Chynna Ortaleza, Richard Gutierrez at ang Turvey twins na sina Brad at Greg sa world-class na mga singers at hosts nito. Maging sina Amy Perez, Carmina Villaroel, Lucy Torres, Inday Badiday at Yul Servo ay mga bagong Kapuso na rin, kasama ang Concert Queen na si Pops Fernandez na makikita na rin s aibang GMA shows.

Inilipat din ng GMA ang timeslot ng true stories anthology nitong Magpakailanman sa Huwebes ng gabi at nakipagpalit sa Daboy en Dagirl, na ngayon ay mapapanood na tuwing Lunes ng gabi. Marami ring kapana-panabik na special presentations tulad ng Songbird Sings Legrand concert ni Regine Velasquez at ang naiibang movie for TV na handog niya para sa kanyang kaarawan, Ang Huling Yakap ng Tag-araw.

Ngayong "On Na Kayo", lalong patitibukin ng GMA ang inyong puso. Kaya’t tutok lang sa inyong Kapuso at siguradong magiging walang kasing-kulay ang buhay n’yo.

AMY PEREZ

ANG HULING YAKAP

ANNE CURTIS

CARMINA VILLAROEL

CHYNNA ORTALEZA

CONCERT QUEEN

INDAY BADIDAY

KAPUSO

ON NA TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with