^

PSN Showbiz

Vina, tomboy?

-
Kapani-paniwala ang tinuran ni Vina Morales na kahit anong oras ay handa na siyang magpakasal dahil nasa tama na siyang gulang, matagumpay sa kanyang negosyo at nakapag-ipon na rin para sa kanyang kinabukasan. Ang tanging dahilan kung bakit parang wala pa sa bokabularyo ng dalaga ang salitang kasal ay dahil sagrado sa kanya ang kasal. "For me, I have high view on marriage hindi lang para sa akin ito. Para na rin sa magiging asawa ko at Diyos. It’s a lifetime commitment kaya hindi ganun kadali."

Hanggang ngayon ay palaging sinasabi ng aktres na siya ay walang kasintahan, walang mapagsabihan ng kanyang problema at walang matatakbuhan kung kailangan nito ang matiwasay na mga sandali. Di natin masisisi ang ibang nag-iisip na baka tuluyan na itong naging tomboy tulad nang nakikita sa kanyang personalidad na ang dating ay matipunong babae dahil sa naglalakihan nitong kalamnan.

Di rin maiiwasan na may ilang nagtatanong kung may karelasyon itong tomboy o kung mayroon man lang nanligaw na isang tibo sa kanya. "Ay no! I can be friends with them pero kung makipagrelasyon sa kanila, hindi pwede dahil bawal sa akin yun, di ba? Maraming lalaki sa mundo."

Ayon kay Vina, walang ni isang tibo ang nanligaw sa kanya na ang tanging naisip nito kung bakit walang nagpalipad hangin sa kanya ay dahil pormang lalaki siya dahil sa kanyang pangangatawan pero nilinaw ng aktres sa amin na babaeng-babae siya. Alex Datu

ALEX DATU

AYON

DAHIL

DIYOS

HANGGANG

KAPANI

KUNG

MARAMING

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with