Sinong ang reyna na hindi nakoronahan at naproklama
April 6, 2003 | 12:00am
Ayaw talaga paawat sa ganda ang Magpakailanman hosted by Mel Tiangco on GMA. Noong Huwebes ng gabi, isa na namang maganda at very inspiring episode ang ipinalabas nila, base sa buhay ni Janet Clemente.
Si Janet ang unang Pilipinang nahatulan ng hukuman ng tatlong death sentences!
Sa isang bahagi nga ng paglalahad sa TV ng kanyang kasaysayan, nag-dialogue si Dina Bonneviena gumanap bilang Janet "Bakit ilang buhay ba meron ako upang hatulan nyo ng tatlong beses na kamatayan?"
Idinugtong pa ang: "Ang katawan ko na lang naman ang nabubuhay pa sa ngayon."
Pati ang mga co-stars ni Dina Bonnevie sa last Thursdays edition ng Magpakailanman pawang magagaling na artista- Amy Austria, Cherie Pie Picache, Armida Siguion Reyna, Alicia Alonzo at Mark Gil.
Dahil nga dating singer si Janet bago mahatulan, nagtayo pa siya ng all-female band sa kulungan na tinawag na Jailbirds.
Ipinakita rin ang mga old photos ni Janet sa palabas at talaga namang maganda siya. Aba, kahit sa kulungan nakitang naging beauty queen siya bilang Miss Correctional. Sorry, hindi ako nakumbidang mag-judge ng contest na yon.
Susunod na ang The Vicki Belo Story, na hango sa totoong mga pangyayari sa buhay ng pamosong beauty expert at cosmetic surgeon. Sa susunod na Huwebes, malalaman natin kung gaano kadrama ang buhay ni Dra. Belo. Si Rosanna Roces ang gaganap ng title role.
Pati pala ang istorya ni Senador Juan Flavier, naka-reserba na sa Magpakailanman. Nag-iisip tuloy ako kung anong anggulo ng buhay ng Senador ang interesting and intriguing. Ang kanyang lovelife kaya? Pero wala namang nabalitang siya ay pabling!
Sa ating mga artista, marami pang magagandang kasaysayan. Ang buhay at romansa lang ni Helen Gamboa at ng kanyang mister na si Senador Tito Sotto, pwedeng-pwedeng kahit pa sa pelikula.
Noon kasing nabakante ang trono ng movie queen na iniwanan ni Susan Roces, si Helen na ang next in line. Sa katunayan, siya na ang reigning box-office queen noon. Ang kulang na lang, ang maglakad siya papunta sa kanyang trono upang makoronahan at iproklamang siya na nga ang bagong Movie Queen.
Ang nangyari, nanaig ang pag-ibig niya kay Sen. Tito Sotto at nagtanan nga sila. Sumunod na eksena, kasalan na at walang umupo sa trono! Madrama talaga ang ginawang pagtalikod sa kanyang koronang dapat na sanang maangkin ng dahil sa pag-ibig.
Very romantic talaga. Sana makuha ng Magpakailanman ang istorya nina Sen. and Mrs. Sotto. Pwedeng pang-Valentine o pang-Mothers Day kaya.
The past few days, hindi kumpleto ang Masculados sa kanilang mga appearances dahil kulang sila ng isa. Anim na members lang ang nag-perform.
Nagkaroon kasi ng minor operation si Kiro Amirati kayat mahigpit na isang linggo siyang bakasyon. Hopefully, pwede na siyang magtrabaho this week, kayat buong muli ang Masculados.
Si Janet ang unang Pilipinang nahatulan ng hukuman ng tatlong death sentences!
Sa isang bahagi nga ng paglalahad sa TV ng kanyang kasaysayan, nag-dialogue si Dina Bonneviena gumanap bilang Janet "Bakit ilang buhay ba meron ako upang hatulan nyo ng tatlong beses na kamatayan?"
Idinugtong pa ang: "Ang katawan ko na lang naman ang nabubuhay pa sa ngayon."
Pati ang mga co-stars ni Dina Bonnevie sa last Thursdays edition ng Magpakailanman pawang magagaling na artista- Amy Austria, Cherie Pie Picache, Armida Siguion Reyna, Alicia Alonzo at Mark Gil.
Dahil nga dating singer si Janet bago mahatulan, nagtayo pa siya ng all-female band sa kulungan na tinawag na Jailbirds.
Ipinakita rin ang mga old photos ni Janet sa palabas at talaga namang maganda siya. Aba, kahit sa kulungan nakitang naging beauty queen siya bilang Miss Correctional. Sorry, hindi ako nakumbidang mag-judge ng contest na yon.
Susunod na ang The Vicki Belo Story, na hango sa totoong mga pangyayari sa buhay ng pamosong beauty expert at cosmetic surgeon. Sa susunod na Huwebes, malalaman natin kung gaano kadrama ang buhay ni Dra. Belo. Si Rosanna Roces ang gaganap ng title role.
Pati pala ang istorya ni Senador Juan Flavier, naka-reserba na sa Magpakailanman. Nag-iisip tuloy ako kung anong anggulo ng buhay ng Senador ang interesting and intriguing. Ang kanyang lovelife kaya? Pero wala namang nabalitang siya ay pabling!
Noon kasing nabakante ang trono ng movie queen na iniwanan ni Susan Roces, si Helen na ang next in line. Sa katunayan, siya na ang reigning box-office queen noon. Ang kulang na lang, ang maglakad siya papunta sa kanyang trono upang makoronahan at iproklamang siya na nga ang bagong Movie Queen.
Ang nangyari, nanaig ang pag-ibig niya kay Sen. Tito Sotto at nagtanan nga sila. Sumunod na eksena, kasalan na at walang umupo sa trono! Madrama talaga ang ginawang pagtalikod sa kanyang koronang dapat na sanang maangkin ng dahil sa pag-ibig.
Very romantic talaga. Sana makuha ng Magpakailanman ang istorya nina Sen. and Mrs. Sotto. Pwedeng pang-Valentine o pang-Mothers Day kaya.
Nagkaroon kasi ng minor operation si Kiro Amirati kayat mahigpit na isang linggo siyang bakasyon. Hopefully, pwede na siyang magtrabaho this week, kayat buong muli ang Masculados.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am