^

PSN Showbiz

Mga kapuri-puring kabataan

- Veronica R. Samio -
Apat na kabataang storytellers ang pararangalan bilang top winners ng RCBC’s 9th Kwentong Kalikasan, Katha ng Kabataan (KKK) sa Abril 14, 5 n.h. sa Carlos P. Romulo Auditorium Podium 4, RCBC Plaza. Ayala Ave., cr. Gil Puyat Ave. Sila sina Miyah D. Queliste at John Rijz Gabaon para sa Pilipino at Michelle C. Bullough at Andionne Celeste Parlade para sa Ingles.

Si Queliste na isang grade 5 pupil sa Mulawin Elementary School sa Pagsanjan, Laguna ay nagkwento tungkol sa kagandahan ng recycling sa kanyang istoryang Si Pipit at ang Makukulay na Basura. Habang ang mga matatanda ay may duda kung praktikal ba ang pagri-recycle, si Miyah na gustong maging isang newscaster in the future ay sigurado na ang basura can be turned into something beautiful.

Joan Bakawan
naman ang titulo ng kwento ni John Rijz, 12 taong gulang. Sa pamamagitan ng isang young tree, ipinaliwanag ni John ang kahalagahan ng mangroves sa preservation ng marine ecology and its resources.

Hindi pa nakakakita ng eagle si Andionne Celeste, pero hindi lingid sa kanya ang problema ng kalikasan na kinakaharap natin. Ang istorya niyang Paglaum ay tungkol sa pagkatakot ng isang young eagle sa tao dahil sa ginagawa nitong pagsira sa kanyang tirahan. Pero, nabalik ang kanyang pagtitiwala nang masagip siya, alagaan at ilagak sa isang lugar para sa mga tulad niyang endangered species.

Ang The Magic Pebbles ni Michelle ay tungkol sa pagtatanim ng puno. Sa halip na mga plain green trees, ang itinatanim ng character sa kanyang istorya ay mga puno na kumikinang at may bark of gold and leaves of silver.
* * *
Naghahanap rin ang Viva Foundation for the Arts Today ng mga entries para sa 1st Mang Levi Popular Music Festival. Inaanyayahan ang mga amateur at professional composers. Ang grand prize winner ay tatanggap ng P250,000. Nakataya rin ang P100,000 para sa 2nd prize winner, P75,000 para sa 3rd prize at P10,000 para sa matitira sa 12 finalists na hindi mananalo.

Naisip ng Viva ang nasabing paligsahan bilang tribute sa National Artist at great composer na si Mang Levi Celerio. na pumanaw nung Abril 1, 2003 at responsable sa mga lyrics ng mga awiting "Gaano Ko Ikaw Kamahal", "Saan Ka Man Naroroon", "Ang Pipit", "Ang Daigdig Ko’y Ikaw", "Dahil Sa Isang Bulaklak", "Pitong Gatang", "Ugoy ng Duyan", "Kahit Konting Pagtingin" at marami pa.

Ang 12 finalists na mga komposisyon ay aawitin ng mga magagaling na singer at arranger ay ilalagay sa isang commemorative album.

Ang mga entries ay tatanggapin ng Viva Foundation Office na matatagpuan sa Tektite East Tower, Pasig City simula sa Abril 7. Makakakuha ng application sa lahat ng Video City outlets sa buong Pilipinas.

ABRIL

ANDIONNE CELESTE

ANDIONNE CELESTE PARLADE

ANG DAIGDIG KO

ANG PIPIT

ARTS TODAY

AYALA AVE

CARLOS P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with